04 First Love or True Love?

164 9 0
                                    

Andria's P.O.V

SUNDAY (night)

"Tay sa Malabon City po *gives the exact address*" tumango si tatay grab driver at pumasok agad sa loob ng sasakyan

~ Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa

Jusq bakit ito 'yung pinapatugtog ni tatay Grab driver?

Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Pero sa totoo lang ito lagi pinapatugtog ko noong nagbreak kami ni Anthony

Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Once is enough hindi na ako magmamahal nang iba pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin si Anthony pero 'di na tulad ng dati.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa 'ting dalawa?

Kung irarate ko 'yung love ko sa kanya ngayon is 20 out of 100. Natakot na siguro ako masaktan ulit at ako na mismo ang umiiwas sa mga lalaki na nagttry mag attempt na manligaw sa akin.

Bumibitaw dahil 'di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw?

Hanggang ngayon pa nga ay iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Anthony kahapon, yung "I still love you".

Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Ayokong makasira ng relasyon. One thing I'm sure about is hindi na ako babalik sa kanya at hindi na ako marupok. Nasaktan na niya ako ng dalawang beses at sa pangalawang beses na 'yon tama na at tinigil ko na.

Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

Tama sila mahirap mainlove. Parang yung sa Hell University, "Once you enter, there's no turning back. "

Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Ahhh
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung 'di rin tayo sa huli
(Papayagan ba ng puso ko?)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

First love ko siya kaya sino ba namang hindi masasaktan at iiyak doon 'diba? The truth is hindi pa ako nakaka move on, I'm just distracting myself on something like watching movies and especially over working.

"'Nak, mukhang ang lalim nang iniisip mo baka naman malunod ka niyan," nagulat ako kay tatay driver kaya naman napatingin bigla ako sa kanya

"Nako tay wala po ito" palusot ko

"Alam ko mga ganyang reaction 'nak, may dalawa akong anak na babae kaya alam na alam ko mga mukhang ganyan, problema sa lovelife? Ilang taon ka na ba ineng?" tanong ni tatay driver habang patuloy pa rin sa pagddrive

"20 po" sagot ko

"Alam mo ba hija na natagpuan mo na siya noong mga bata pa lang kayo" napangisi ako kasi parang siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi niya

"Isa po ba siya sa mga nakalaro ko ng tagu-taguan?" natatawa lang ako malay mo 'diba? HAHAHAH

"Hindi, pero makakataguan mo siya ng feelings" aba, ganern tay?

"Sino naman po kaya?"tanong ko

"Nandito na hija" hala parang nacurious ako bigla

Bumaba na ako pero bago umalis si tatay

"First love never dies but destiny will find ways para magtagpo kayo, siya ang true love mo."  napanganga ako dahil sa sinabi ni tatay driver at 'yon tuluyan na ngang umalis si tatay driver

"Weird" bulong ko pero baka nagbibiro lang si tatay driver

Palaisipan sa akin yung sinabi ni tatay driver.

Pagpasok ko ng bahay bigla akong inakbayan ni Jahng at ginulo pa niya 'yung buhok ko.

"Ano ba Jahng, kuya Yani!" bigla ring inakbayan ni kuya Yani si Jahng at ginulo rin ang buhok nito kaya naman nabitawan ako ni Jahng

"Nanghingi ka pa ng tulong kay kuya ah, sige magkampihan kayo." natawa na lang ako ako sa reaksyon ni Jahng

'kala mo ha!

"Tama na 'yan kakain na" pag aawat ni mama sa kanila

"Iyan sige sige" may halong tampo ang tono ni Jahng luh! Nagtampo siya

"Sorry na Jahng atatampo ka na niyan, ano gusto mo para 'di ka na atatampo?" pang-aasar ko pa nga HAHAHAHA

"Sabihin mo salamat Shopee," sabi niya habang inaayos yung ginulo niyang buhok

Puro salamat shopee na lang ba ipapasabi sa akin ni Jahng? Final na 'yan?

"Nga pala anak bukas na pala kasal ni Ronn maaga kayo magsitulog" utos ni mama sa amin habang hinahanda ang mga pagkain sa mesa

"Ma, si Yang papatulugin mo po ng maaga. HAHAHAHAHA mukha na nga po siyang panda kakapuyat." halos sabunutan na niya sarili katatawa at hindi ko rin alam kung bakit sabunot ginagawa niya

"Grabe ka Jahng kaya ko kayang matulog ng maaga," may tonong paghahamon yung pagkakasabi ko sa kanya nun

"Sige ba." hinahamon mo ako ah

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si mama magligpit then dumiretsyo sa kwarto ko na dating guest room. Natulog agad ako.

.

.

.


"Ang makakatuluyan niya si J*** *****, yung true love niya malamang, yung batang nakilala niya sa park" sabi ni Thrixie

"Sa bagay gwapo at talented naman, bagay sila WAHHHH!!!" kinikilig na sabi ni Tine

"Sana nga magkita na ulit sila at makilala nila ang isa't isa para naman hindi tumandang dalaga si Andria" sabat sa usapan ni Marielle

Bakit hindi ako magalaw dito sa hinihigaan ko at bakit nasa hospital ako?

Bakit may dextrous ako? ANONG NANGYARI SA AKIN?

*crrrrring crrrrrring*

•●•●•●

Thanks for reading and continuing reading this story!
~Mandyy

The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 SejunWhere stories live. Discover now