09 Problem Again

142 9 0
                                    

Andria's P.O.V

WEDNESDAY

Kagigising ko lang at tanghaling tapat pa. Mainit kaya naligo na rin agad ako, kasi makikipagkita pa ako kay Monique kasama si papa.
Nagluluto pa ako ng pagkain ko, kakain muna ako bago gumala ulit.

"Wow! Ang sarap naman ng niluto ko" pagpupuri ko sa sarili kong luto.

Self-proclaimed HAHAHAHA

"Tsk. Niloloko ko pa talaga sarili ko hahahaha hotdog lang naman pinrito ko, sunog pa." biglang bawi ko

Napabayaan lang saglit nasunog na, jusq! At least may makakain kaysa wala 'diba?

Habang kumakain ako ay nags-scroll din ako sa fb, hindi na kasi ako nakapag online kahapon kaya nagpphone ako ngayon. Sorry na wala akong table manners, ngayon lang naman nangyari 'to eh.

*cough*

Agad akong kumuha ng tubig galing sa ref ko.

"Hello Yang!" dire-direstyong pumasok si Jahng
"Hoy anong nangyari sayo?" tanong niya at hinahaplos niya likod ko

*cough*

"Oy Yang?!" naiiyak niyang tanong

Huminga ako nang malalim

"Kalma lang nabulunan lang ako, letse naman 'yang balita!" sabi ko at napakunot siya ng noo kaya tinuro ko ang cellphone ko

"Rumored dating. Ikaw at si Sej, ano naman meron dito?" tanong niya

"Fake news Jahng!" sabi ko

"E, bakit magkaholding hands kayo?" sabi niya, kinuha ko naman yung phone ko sa kanya at tinitigan nang mabuti ang nasa picture

"Langyaaaa! May mga matang nakabantay?" tanong ko

"Okay lang naman sa amin iyon Yang." sabi niya

Nako! *face palm* kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin kahapon.

"YANG!" niyakap ako ni Jahng nang mahigpit

"Bakit Jahng, ang higpit ng yakap mo!" tanong ko

"Makikita mo na ang parents mo! Yang huwag mo kaming iwan ah!" at hinigpitan pa niya yakap niya sa akin

"Mas maaga kita iiwan 'pag h-hinigpitan m-mo pa yakap m-mooooo, hindi na ako MAKAHINGA!" sigaw ko kaya kumalas siya sa pagkakayakap

"Ay sorry" sabi niya

"Hindi pa nga rin ako makapaniwala Jahng! Lahat parang panaginip lang." Sabi ko sa kanya

"Kumain ka nga muna," saway niya sa akin

"Nawalan na ako gana," sabi ko

"Bahala ka pero akalain mo 'yon nung Friday mo lang nakilala 'yung Monica---" sabi niya

"Monique Jahng, Monique." ulit ko

"Monique okay, yung Monique tapos siya pala yung half sister mo." sabi niya

"Kaya nga, teka! Lumipat na pala si Sej ng building kahapon. Bakit 'di mo naman sinabi sa akin, nakakatampo kayo." nagtatampo kong sabi

"Biglaan din kasi tsaka pangarap niya 'yon. Nangako kami na walang maiiwan pero ayaw naman naming hadlangan yung pangarap niya, gusto niya kaming isama pero ayaw nung Entertainment na iyon. Ayaw niya talaga sumama pero napilitan siya dahil sa amin," kwento pa niya

"Nakakalungkot naman iyon. Teka, wnong oras na pala?! Malelate na ako toon sa pagkikita namin ni Monique" sabi ko at agad kinuha ang mga gamit ko

"Hatid na kita Yang" presinta niya kaya tumango naman ako

The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 SejunWhere stories live. Discover now