Patay na Patay Sayo

2K 19 3
                                    

Papasok na ako sa paaralan. Malayo palang ay natatanaw ko na ang isang lalaking nakatayo sa may “gate” ng paaralan.


Yung lalaking gusto ko.


Tatawagin ko na sana ang kaniyang pangalan nang nilapitan sya ng isang babae at yumakap dito.


Halata ang kasiyahan nya nang makita ang babae. Muli na naman akong nasaktan sa eksenang ito.


Di ko nalang yun pinansin at tuluyan nang pumasok sa paaralan.




Tapos na ang panghuling klase namin sa umagang ito. Madali akong nagtungo sa silong ng manga kung saan kadalasan kong nakikita ang lalaking gusto ko.


Nang papalapit na ako sa kinaroroonan nya, bigla syang lumingon sa gawi ko at nginitian ako ng paglaki-laki na para bang sabik na sabik na makita ako. Sinamahan din nya ito ng masiglang pagkaway.


Akma na sana akong kakaway pabalik sakanya nang may sumigaw ng “babe!” sa aking likuran.


At tama ako, ito ang babaeng hinihintay nya kanina sa gate. Hindi pala para saken ang kaway at ngiti.




Muli na naman akong nasaktan. Nanlulumo akong umalis sa lugar na yun habang lumuluha.


Biglang bumalik ang mga ala-alang hindi ako pinapatahimik.



Hindi na ako nabubuhay sa mundong ito.


Patay na ako.


Pumikit ako.


At nakita ko na namang muli ang dahilan ng pagkamatay ko.




Nasagasaan ako dahil iniligtas ko ang babaeng mahal ng taong minamahal ko at minsang minahal rin ako.

DagliWhere stories live. Discover now