Liwanag ng Tadhana

1.4K 12 0
                                    

"Itigil na natin toh." wika ng lalaking nasa harapan ko.



Umiling ako at kusang tumulo ang mga luha na parang naguunahan.


Nawasak muli ang puso ko gaya ng pagkawasak ng mundo ko.



"Hindi! Di ako papayag! Dito ka lang saken." malakas na sabi ko ngunit kasinghina na ng kalooban ko.



Nanghihina na ang puso ko.


Namamanhid na ang buong katawan ko.



"Magpapakamatay ako! Di ako nagbibiro!"


"Then go. Kilala kita at di mo magagawa yan." yan na ang huling wika nya bago ako tinalikuran at umalis. Napaluhod ako sa sakit, sa galit.



Umalis ako sa lugar na yun. Habang tumatawid ako, nakakita ako ng liwanag na papalapit saken. Wala akong ginawa kundi tignan ang liwanag. Masyadong akong nahipnotismo sa bagay na ito.


Napakaganda.


Napakapayapa.



Sa isang iglap, narinig ko ang mga ingay, ang sigawan, ang reyalidad. At natagpuan ko na lamang ang sariling kong nakahandusay sa malamig na semento. At nararamdaman ko na mayroong likidong umaagos mula saking ulo.



Doon ko napagtanto na nalinlang ako ng liwanag. Ang liwanag na akala ko'y payapa ngunit kamatayan pala.



Tama ka mahal, di ko magagawang magpakamatay, ngunit tadhana na ang gumawa para mawala ako.




"Huwag kang agad na maniwala sa liwanag na dala ang katotohanan dahil ang iba, bubulagin kalang pala."

DagliWhere stories live. Discover now