Chapter 4

677 20 0
                                    

This is a work of fiction. All names, and events are just product of the author's imagination. Any similarity to a real event is not intended by the author and purely coincidental.
All rights reserved. This novel contains sexual contents, inappropriate words, homoerotic scenes. Please read at you own risk. R18+

Chapter 4

Pag sapit ng gabi ay nag ayang mag inuman ang dalawa. Di ko naman sila matanggihan kaya pumayag nalang ako. Bumili ng dalawang bote ng alak si Reggie, ako naman ay naghanda n gaming pulutan habang si Mark ay nanunuod sa may sala. Pagkadating ng alak ay agad namin itong inumpisahan. Masaya an gaming inuman session dahil di nawawalan ng kwento ang dalawa. Kung minsan ay pinagtutulungan nila akong buysitin pero sumasakay nalang ako.

"Laro tayo, Truth or Dare para naman masaya" Suyestiyon ni Mark ng may ngisi.

"Sige G lang ako." Sabi ni Reggie at tumango ako nalang din ako bilang pagsang ayon.

Kumuha ng bote si Mark at inumpisahan na niya itong ipaikot. Unang naturo ay si Reggie at pinili nito ay Truth.

"Ano ba yan, ang boring mo dre!" Sabi mark habang umiiling. "Sige ako na magtatanong, Kelan ang una at huli mong iyot hahaha." dagdag pa ni Mark habang tumatawa pa.

"Ang halay naman." Pabebe kong sabi.

"Ayos lang yan para masaya." Sabi naman ni Reggie at mukhang g lang siya sa lahat.

"Kinse anyos ako ng una akong naka iyot, girlfriend ko nung high school at yung huli naman ay kanina lang." Sabi niya sabay tawa. Naalala ko nanaman ang nangyari sa amin kaninang madaling araw kaya naman nararamdaman kong medjo tumitigas ang aking pagkalalaki, dahil siguro din sa tama ng alak sa akin pero ipinagsawalang bahala ko nalang. "Gago sino iniyot mo kanina?" Natatawang turan ni Mark habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

"Basta akin nalang iyon, next na naiinip na si Cedrick oh!." Sabi ni Reggie ng may ngisi sabay tingin sa akin. Napayuko nalang ako upang maitago ko ang pamumula ng aking pisngi.

Ipinagpatuloy namin ang pagalalaro, si Mark naman ang sumunod na naturo at ang kanyang napili ay Dare. Si Reggie ang nagbigay ng dare at ang pinapagawa niya ay iistraight ang isang baso na alak, tumatawa pa ang loko habang sinasabi niya ito dahil alam naming mahina lang ang tolerance ni Mark sa alak.

"Agad iyan malalasing, iba nalang." Sabi ko. "Okey lang yan kahit malasing siya para naman masaya ang mga kaganapan mamaya." Sabi ni Reggie sabay kindat sa akin. Namula muli ang aking pisngi dahil doon.

Napangiwi ako habang pinapanood ko kung papaano inumin ni Mark ang isang buong baso ng alak. "NEEEXT!" Sigaw niya habang ibinababa niya ang baso.

Umikot muli ang bote at tumuro ulit ito kay Mark kaya napakamot ito ng ulo. "Ano ba iyan sakin ulet. Baka dinaya niyo to ah!"

"Ginusto mo yan kaya wag kang mag inarte" Sabi ko sabay tawa.

"Tsk. Sige, truth na muna." Sabi niya

"Akong magtatanong, may nagugustuhan o gf ka ba ngayon?" Tanong ko .

"Ano ba yang tanong mo, ang boring." Sabat ni Reggie habang umiinom ng alak.

"Yan lang ba? Easy naman. Oo meron, actually nagkatikiman palang kami kanina." Sabi niya sabay kindat sakin ng may ngisi kaya naman nanlaki ang aking mata.

"Ulol ka Mark! Sinong malas na babae yan hahaha." Sabi ni Reggie sabay bato kay Mark ng boy bawang, umiwas naman ito at tumawa pa.

Kinabahan ako bigla nang maalala ko ang kahalayan na ginawa namin kanina sa kwarto. 'Ako ba ang tinutukoy nito?' Tanong ko sa aking sarili. Kinilig ako ng kaunti dahil doon kaya napangiti ako ngunit nawala din ito ng maalala ko na nakipagsex din pala siya kanina kay Rose kaya nakaramdam ako ng lungkot at inggit sa babaeng yon.

Secrets and Lies [✔]Where stories live. Discover now