(END OF BOOK 1) Chapter 30

390 7 0
                                    

"Nakakainis ka, bakit mo sinabi sa mga tao doon na asawa mo ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nakakainis ka, bakit mo sinabi sa mga tao doon na asawa mo ako." naiinis kong sabi sa kanya.

"Aba dapat proud ka dahil gwapo ang asawa mo and besides, doon din naman punta natin eh." sabi nito. "Gwapo naman ako, maganda ang katawan, at daks. San kapa?" hirit pa nito.

"Gagi di naman legal ang same sex sa pinas kaya wala tayong chance na makasal." sabi ko dito

"Wala akong pake kung bawal ang same sex dito. What Mark wants, Mark gets. Kung gusto kitang pakasalan ay pakakasalan kita. Kahit saan pang lumalop ng mundo iyan basta pumayag ka lang ay pakakasalan kita." sabi nito.

"At papaano mo ako bubuhayin e pagpapalaki lang ng bayag ang alam mo." pang aasar ko.

"Pati iyong sa gitna, malaki rin." tugon nito kaya naman hinampas ko ang kanyang braso. Naglakad na kami papauwi sa aming apartment.

"Hoy! Wag kang choosy! Di kita iiwan pramis!"

"Di ako choosy dahil si Francisco ang pakakasalan ko!" pang aasar ko sa kanya. Opo, si Francisco Lachowski po iyon.

Kumunot naman ang noo nito. "Sino iyong gagong iyon!" sigaw nito.

"Secret!"

"Isa Cedrick! Tatamaan ka sa akin pag di mo sasabihin kung sino iyong gagong Francisco na iyon! Babasagin ko mukha noon pag nakita ko siya!" mayabang na sabi nito.

"Ang gwapo kaya ni Francisco! You can't come close!" pang aasar ko lalo sa kanya. Nang mapansin kong parang sasabog na siya ay tumakbo na ako papalayo sa kanya habang tumatawa.

"Bumalik ka dito Cedrick! Tatamaan ka na talaga sa akin!" rinig kong sigaw nito pero pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo hanggang sa terminal ng jeep. Nakaka aliw talagang pikunin ang gago!

***

Hanggang sa makarating kami sa apartment ay kinukulit ako nito kung sino ba daw si Francisco pero ako ay tinatawanan ko lang siya kaya lalo lang itong nainis.

"Pare tara may yayariin tayo!" anyaya ni Mark kay Reggie na ngayon ay nakaupo habang nagsecellphone. Napatingin naman si Reggie kay Mark, "Sino tol?" tanong nito.

"Kung sino man iyong gagong Francisco na iyon na gustong pakasalan ni Cedrick! Kabadtrip amputa!" inis na turan ni Mark. Tumingin naman sa akin si Reggie na parang natatawa.

"Shuta ka Mark, international model iyon! HAHAHA!" pag aamin ko sabay tawa. Lalong kumunot ang noo ni Mark dahil sa aking sinabi.

"Tatamaan ka na talaga sa akin!" sabi nito sabay lapit sa akin pero tumakbo ako. Naghabulan kami sa loob ng apartment. Tawang tawa ako habang hinahabol ako nito. "Pag nahuli kita, yari ka sa akin!" sigaw pa nito habang hinahabol ako.

"Nako maiwan ko na nga kayo! Iniinggit niyo ako. Hmmp!" sabi ni Reggie sabay tayo at lumabas ng apartment.

Habang pinapanood ko siyang lumabas ay nabigla ko ng yakapin ako ni Mark sa aking likuran. "Huli ka balbon!" bulong nito sa aking tenga sabay kagat. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan dahil sa kanyang ginawa.

Secrets and Lies [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon