Chapter 39

299 7 1
                                    

After a few days ay na discharged na din si Mark dahil naging okay na rin naman siya pero ang kanyang amnesia ay tumagal pa kaysa sa inaasahan. Nasa bahay namin kami ngayon kasama ang mga magulang niya.

Magsimula nang magising siya ay para akong nasa impiyerno. Di lilipas ang isang araw ng di niya ako nilalait at pinandidirian.

Flashback

Umuwi muna ang mga magulang ni Mark kaya kaming dalawa lang ang magkasama sa loob ng kanyang kwarto. Abala ako sa pagaayos ng mga bulaklak na ibinigay sa kanya nang may sumapol na  bagay sa aking likuran. 

Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang isang plato ng spaghetti na nasa sahig na. Ibinato niya sa akin ang kinakain niyang spaghetti, "Bakit mo binato? Anong problema? Di mo ba gusto?" tanong ko sa kanya habang dinadampot ko ang mga nagkalat na noodles sa sahig at inilalagay ito sa paperplate.

"Problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw niya.

Ipinatong ko sa lamesa ang spaghetti at kinuha ko ang isang basang basahan para punasan ang natirang sauce sa sahig, "Oh anong problema sa akin?" mahinahon kong tanong habang nagpupunas.

"Ayokong makita ang pagmumukha mo! Kapag nakikita kita ay parang nanliliit ang aking pagkalalaki dahil feeling ko pinagtawanan ako ng mundo ng pinakasalan kita! BAKLA!" Sigaw niya sabay bato ng plastic cup ng may laman na iced tea sa aking mukha. Sapul iyon sa akin.

"Please wag mong sabihin yan, nasasaktan ako." sabi ko habang nagsisimulang tumulo ang aking mga luha. Parang tinutusok ng maraming karayom ang aking puso. Humihikbi akong nagpupunas ng sahig habang siya ay napakasama ng tingin sa akin.

"DAPAT KO LANG IPAMUKHA SA IYO ANG REYALIDAD! DI KITA MAHAL! I NEVER DID! I NEVER HAVE! I NEVER WILL BE!" sigaw niya.

"No, no, no! Mahal mo ako. K-kasal tayo dahil nagmamahalan tayo!" humihikbi kong sabi. Tumayo ako at lumapit sa kanya, pinakita ko ang wedding ring namin na aking suot, "Heto ang sumisimbolo ng ating pagmamahalan!" sabi ko.

"FUCK! TALAGANG NAUTO MO AKO NA BILHAN KA NG DIAMOND RING? HAVE I LOST MY FUCKING MIND?" di makapaniwalang sabi niya. 

"No please, I know you don't mean whatever you are saying!" sabi ko sakanya habang patuloy pa rin sa pag agos ang aking mga luha. Hahawakan ko sana ang kanyang kamay ng tapikin niya ang aking kamay. 

"NO! JUST FUCKING LEAVE ME ALONE! Sigaw niya at sakto naman ay bumukas ang pintuan. Niluwa non ay ang mga magulang niya.

"What's happening here?" nag aalalang tanong ni Tita. "Why are you crying dear?" baling nito sa akin.

"MOM, DAD MAKE HIM LEAVE! I DON'T WANNA SEE HIM!" sigaw ni Mark.

"Son, I am afraid I can't do that." sabi ni Tito.

"WHY CAN'T YOU?!" 

"Asawa mo siya."

"FUCK THAT! DI KO ASAWA ANG BAKLANG IYAN! NANDIDIRI AKO PAG NAIISIP KONG NAHALIKAN KO SIYA! i CAN'T E-" naputol ang kanyang sinasabi ng sampalin siya ni Tita na kanyang ikinabigla. Maging kami ni Tito ay napasinghap sa ginawa niya.

"Di ko na kaya ang ganyang pag uugali mo! Napaka bastos mo! Respect him! Di mo alam ang sakripisyo niya para sa iyo!" galit na sabi ni tita kay Mark.

"Kinakampihan mo iyan?! Ma I am your son!" 

"Kahit na anak pa kita! Di kita pinalaki ng ganyan, so please fix that attitude of yours!"

"Maa!" 

"What?! If I ever hear you say anything awful to your husband, ako ang makakalaban mo! You don't want me angry." pagbabanta niya kay Mark.

***

Pagkatapos ng senaryong iyon ay di na ako kinibo ni Mark at tahimik na lang pag kami nalang dalawa sa loob ng kwarto. Di na rin ako nagtangka na kausapin siya dahil baka sumabog nanaman ito. 

"Mark, iyong pinag usapan natin." seryosong sabi ni Tita sa kanya.

"Yes ma."

"Cedrick, call me pag may ginawan ang TARANTADO kong anak sa iyo. We'll leave now. Umayos ka Mark!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na ang mag asawa.

Pagkasara pa lang ng pinto ay marahas nang hinablot ni Mark ang aking mga braso at iniharap niya ako sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "I will make your life a living hell. At sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na dika pa umalis." may diin niyang sabi. 

Napalunok nalang ako sa kanyang sinabi. Sa totoo lang ay natatakot ako sa pwedi niyang gawin pero pinipilit kong maging malakas at ipakita na mahal na mahal ko siya. 

"I love you." sagot ko sa kanyang pagbabanta. Dumaan ang pandidiri sa kanyang mukha ng sabihin ko iyon kaya itinulak niya ako ng malakas kaya napasalampak ako sa sahig.

"Fuck you! You'll regret this!" asik niya sabay padabog niyang panhik sa aming kwarto.

Naiwan akong nakasalampak sa sahig. Napangiti ako ng mapait sa kanyang trato sa akin, 'maaalala mo rin ako mahal.' 

Inayos ko muna ang mga gamit na dinala namin galing hospital at pagkatapos ay nagluto ako ng aming hapunan. Habang hinahanda ko ang lamesa ay may naririnig akong ingay sa itaas kaya pumanhik ako upang tignan ito at para ayain na rin siyang kumain.

Pagkarating ko sa second floor ay tumambad sa akin ang mga gamit ko na nasa may pintuan ng aming kwarto.

"Bakit mo nilalabas ang mga gamit ko?" naguguluhang tanong ko kay Mark.

"Well, simula ngayon ay sa guest room ka na matulog dahil di ko matake na katabi kita sa pagtulog. Luto na ba? Gutom na ko." nakangisi niyang sabi sabay lakad papunta sa kusina. Naiwan akong nakatulala sa mga gamit kong nasa sahig.

'fuck'  I murmured.

***

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa guest room ay bumaba na ako at dumaretso sa kusina. Naabutan ko si Mark doon na kumakain, sarap na sarap ito sa pagkain kaya napangiti ako.

"May kanin pa dito mahal kung gusto mo pa." nakangiti kong sabi sakanya.

"Fuck wag mo nga akong tawaging mahal dahil nakakadiri at nakakasuka! Nawalan na ako ng gana!" sabi niya sabay padabog niyang lapag sa mga kubyertos at nagmartsa papaalis ng kusina. 

Iniligpit ko ang mga pinagkainan niya. Tahimik akong lumuluha habang nag huhugas ng mga plato. 'Mahal, bumalik kana. Miss na miss na kita!'

Secrets and Lies [✔]Where stories live. Discover now