Chapter 9

532 20 0
                                    

Chapter 9

"...Gising na."

"uyy ced, gising na."

May nararamdaman akong yumuyugyog sa akin. Binuksan ko ang aking mata at nakita ko ang nakangiting Charles sa aking harapan. Napakagwapo niya talaga.

"Akala ko di ka pa magigising, kung hindi nakiss na kita haahahaha." sabi niya habang tumatawa.

Ang cute talaga niya pag tumatawa. Bumaba kami at dumaretso sa kusina. Naabutan namin doon ang kanyang mama na naghahanda ng agahan. Bumati ako dito ng magandang umaga at sinabi niya na tumuloy na kami sa hapag kainan. Naabutan namin doon ang kapatid ni Charles na kumakain na, maging si Kuya Hunter ay kumakain na din. Kinindatan ako nito ng magtama ang aming mga mata kaya napayuko ako at namula ang aking mga pisngi nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi.

Umupo na kami ni Charles at nagsimulang kumain.

"Tita, ang sarap naman po ng luto ninyo." Biro ko .

"Talaga ba? Nako sige kumain ka pang marami." Sabi ni Tita

"Hay nako Ced, wag mo ngang bolahin ang mama ko ng ganyan baka maniwala yan." Sabat naman ni Charles.

"Totoo naman kaya Charles. Nako tita, mukhang mapapadalas po ako dito dahil sa luto ninyo" Biro ko ulet.

"Mas mabuti yon, at nang maimpluwensyahan mo itong si Charles ng kabutihan. Hindi yong kani kanino pa siya suma sama." Sabi ni tita kaya tumawa kaming lahat. Marami pa kaming napag kwentuhan habang nagsasalo ng agaha. Masasabi kong maswerte si Charles sa kanyang pamilya.

---

Masayang natapos ang agahan namin at ngayon ay papauwi na ako. Nasa kotse ako ngayon ni Charles dahil nagprisinta itong ihatid ako.

"Pano ba iyan, mukhang nagustuhan ka na ni mama. Di ka pweding umayaw pag inimbitahan kita ng dinner sa bahay." Basag ni Charles sa katahimikan.

"Oo naman." Sabi ko ng nakangiti. Tumingin ito sa akin at binagalan niya ang takbo ng kotse.

"Ah Ced, may sasabihin sana ako." Sabi niya at mukhang kinakabahan siya.

"Ano yon?" sabi ko.

"Alam ko, lagi kitang binubwisit pero ginagawa ko lamang ang mga iyon dahil gusto kong makuha ang atensyon mo. Kaya Ced, pwedi ba kitang ligawan?" tanong niya. Nabigla ako sa kanyang sinabi dahil di ko iyon inaasahan. Tinignan ko siya at seryoso ang kanyang mukha.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Baka nagjojoke kalang ah." Paninigurado ko

"Seryoso ako Ced, matagal na akong may gusto sa iyo." Natameme ako, di ko alam ang aking sasabihin kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya. "Sana ay payagan mo akong manligaw sayo dahil seryoso ako at walang halong biro." Madamdamin niyang sabi. Di ko alam ang aking isasagot dahil ito ang unang pagkakataon na may nagtapat sa akin ng pag ibig.

"Just give me a chance to prove myself, please." Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Eyes on the road please." Sabi ko kaya naman itinuon niyang muli ang atensyon niya sa daan. "Just a chance, please." Sabi niya.

"s-sige." Sabi ko ng nakayuko, di ko kayang sabihin sa kanya ng mata sa mata dahil namumula na ko at baka sumabog pa ako.

"YEESSSSS!" sigaw nito at aksidente niyang naapakan ang break kaya napasubsob kaming dalawa. Buti na lamang at naka seatbelt kami.

"Mag ingat ka nga, maaaksidente tayo gagi." Sabi ko habang tumatawa.

"Sorry babe hehe" sabi niya habang tumatawa. Nagpatuloy kami sa aming byahe. Kung ano ano ang aming mga napagkwentuhan at talagang napaka pilyo ng lalaking ito.

Secrets and Lies [✔]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin