CHAPTER 2

511 13 1
                                    

CHAPTER 2

"DON'T you fuck with me, Zackharius?! Are you really fucking okay? Ilang araw kong hinintay ang tawag mo! Ilang beses kitang pina trace ni Xerxes. Pero wala!  Ayos ka lang bang tang'na ka?" Sa pagalit na boses biglang nag iba ang boses ni Calus. Na kausap nya sa telepono. Natawa sya dahil sa inakto nito. Always the foul mouthed but caring, motherfucking bestfriend. I feel loved.

"I'm okay, Cal. Don't worry." Zackharius said with a calm voice.

"How the fuck will I not be worried, Zackharius! I can't contact you since I can remember. I thought...I thought you're dead." Naging malungkot ang boses nito na ikinangiti niya.

"Look, Cal. I'm alive. I call you,right? So i'm okay." He said trying to calm Calus on the other line.

"You keep me waiting for your call. And you know that I hate waiting, Zackharius!" He chuckled. Alam na alam nyang ang na pinakaayaw ni Calus ang pinaghihintay.

"Okay. Just a little bit, bud. And I can think already that you like me." He said jokingly. Then he heard some curses on the other line making him chuckled.

"—Fuck you!" Calus paused. "Oh wait! Should I sent Maximos' men to help you get out there? I mean. Gustavo is still there in the philippines."

Napatanga sya at natahimik nang ilang segundo. Pinag iisipan ang isasagot. Kapag bumalik sya sa Russia di na niya makikita ang babaeng nagligtas nang buhay niya. Hindi pa sya nakapag pasalamat dito. Mahigit limang araw na simula nang tinulungan sya nito at pinatuloy sa bahay nang Tita nito. He should thank her. But seems the woman is escaping his presence.

Kahit di man sabihin nito ay nahahalata nya. Dalawang araw na rin na di nya to nakakausap. Dahil ba to sa inasal nya nung isang gabi? He really don't know and he have no idea.

Tumikhim ang nasa kabilang linya dahilan para mapabalik sya sa kasalukuyan.

"Nah. Wag na. Gusto ko muna manatili dito nang ilang araw." Saad nya habang inuusisa ang mga sugat niya at ang tama nang bala sa braso at binti niya.

"Why?" Halata ang pagtataka sa boses nang kausap kaya humugot sya nang malalim na hininga.

"Wala lang. Not in the feeling to go back there in Russia and fight again to that bastard. Gusto ko muna magpagaling at maghanda." Some of what he said is a lie. Alam nyang hindi lang iyon ang tanging rason nya. Sana lang ay di na magtanong pa si Calus dahil hindi nya rin ang alam ang isasagot nya. He needs to find out.

"Hmm I can sense, okay. Just call me if you need anything. And update me from time to time. Open your fucking tracker so that we can trace you easily. Bye. Tc." Pagkasabi nun ay pinatay nang nasa kabilang linya ang tawag.

Calus knew him too well. Pero hinayaan lang sya nito. Napabuntong hininga sya. Ngayon iba naman ang po problemahin niya.

Pagkatapos nyang usisahin ang sarili sa salamin. Tinungo nya ang banyo na nakakonekta sa kwartong kinaroroonan niya. Pumasok siya doon at naligo. Pagkatapos ay kumuha sya nang mga damit mula sa itim nyang bag at sinuot iyon.

Tiningnan nya ang repleksyon nya sa salamin. He look at his face in the mirror. He can now see a growing whiskers in his face. So he shave it.

Pagkatapos nyang mag ahit tiningnan nya ulit ang repleksyon nya sa salamin. He felt contented all of a sudden. Lumabas sya sa kwarto at hinanap ang babaeng gumugulo sa isip nya.

Tinungo nya ang kusina para hanapin ito doon. Hindi pa masyadong magaling ang sugat nya sa braso at binti pero kaya nya na. He can endure the pain. Tsaka magaling naman ang nag alaga sa kanya.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Where stories live. Discover now