CHAPTER 31

129 5 0
                                    

a/n: at dahil nalaman nang si Shaneley pala si Crest so ito na ang POV nya.

CHAPTER 31

"ALAM MO ISHOT MO NALANG YAN." Mataray na suhestyon ni Calibre habang binibigay sa kanya ang isang baso ng martini.

Agad nya iyong tinanggap saka diretsong tinungga.

"Gwapo ba sya? I've heard, Zackhar Vikolov was really a hot dangerousman." Maarteng sabi ni Clover while twirling its hair.

Because of what just Clover said, naalala nya na naman ang nangyare kaninang umaga. Zackhar just caressed her cheeks while talking some non sense things.

Non sense nga kaya? Zackhar and his team was talking about it to her, parang kilalang kilala sya ng mga ito. That's making her confused.

"Ano pa sinabi nila?" Tanong ni Calibre.

Inisip nya pa ang mga sinabi ng mga ito sa kanya kanina. "Nandoon raw sila nung binaril ako ng sarili kong ama. Parang kilalang kilala nila ako, lalo na yung Zackhar." Napatulala sya nang maalala pa ang pagkalapit nito sa kanya, naaalala nya pa ang napaka bango nitong pabango nang dumukwang sya papalapit dito.

"What if totoo?" Tanong ni Calibre habang nilalaro ang shot glass.

Kumunot naman ang nuo ni Clover. "Paano naman magiging totoo yun? E diba nga, sya lang nag iisang anak? Napaka impossible namang babarilin sya ng sarili nyang ama."

Napatango tango rin sya sa sinabi na iyon ni Clover. May punto ito. Napaka impossible talaga.

"Alam ko naman, kaso nga diba, Creasant was in coma five years ago. Buti kung nakilala natin sya before those years but we're not. Hindi natin alam kung anong nangyare sa kanya." Napatango tango rin sya dahil may punto rin ang sinabi ni Calibre pero, nah...ewan.

Simula nung na coma sya wala na syang maalala. She just woke up one day, all her memories was lost. There are sudden pictures when she sleep pero blurr naman. Kapag pinipilit nya sarili nya, mas lalo lang sumasakit ang ulo nya.

Maski nga dahilan ng pagka coma nya hindi nya alam, her dad always says that it will affect her to know the reasons behind, she can sense that her father was lying pero iniisip nya nalang na ikabubuti nya iyon.

Being Creasant Heart Mancera, is definitely super pressured, naalala nya pa nung gumising na sya ay kailangan na syang mag ensayo para turuan syang lumaban. She even studied so much language because someday she will be her father's heiress.

That's why she was being called, Gustavo's Crest. Crest could seems like a treasurable jewel. Heart came from her mother's name.

Since she woke up from coma, palagi nalang ang ama nya ang nasusunod sa mga desisyon na para sa kanya. Her father was controlling and prisoning her to her cage. Kung hindi lang siguro dumating si Grey, siguro hanggang ngayon di nya parin nagagawa ang gusto nya. Hindi nya siguro makikilala sina Calibre at Clover. Na tinuturing nyang nga natatangi nya lang kaibigan.

Napabalik sya sa kasalukuyan nang may marinig syang pagpitik ng mga daliri.

"Earth to Crest. You fine?" Napatingin sya kay Calibre na nakatingin sa kanya.

"Okay ka lang ba, Crest? Iniisip mo pa rin ba yung nangyare kanina? Naku, kalimutan mo nalang yun." Singit pa ni Clover sabay tungga sa shot glass.

"Kanina pa kami, nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig." Saad ni Calibre.

"Sorry." Yun lang ang tanging nasabi nya. Tiningnan naman sya ni Calibre ng walang emosyon.

"Alam mo bitch, you need to rest. You're pale." Ito na naman ang ugali ni Calibre na di nya maintindihan at palagi syang tinatawag na 'bitch'

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon