CHAPTER 12

204 6 0
                                    

CHAPTER 12

"OYYY! SI JEZYL! Yieeu!" Tudyo ng mga kaibigan nya kay Jezyl, napa face palm nalang sya dahil si Jezyl ay lukot na lukot na ang mukha habang tinutudyo ito.

"Jezyl, niyaya ka ng captain lumabas oh! Edi yayain mo rin maging kapartner dun sa party sa susunod na buwan." Anang Ella na parang kinikilig pa.

"Ayoko nga." Saad ni Jezyl at nagkrus ng mga braso.

Sumimsim nalang sya ng juice habang nakatingin sa mga kaibigan nyang baliw. Ito namang nasa tabi nyang si Haru at Stephanie kanina pa rin nag aaway.

So lahat lahat, pinapalibutan sya ng maiingay. Sya nalang ang nahihiya dahil nasa cafeteria na naman sila nag sastambay.

"Kumusta na kaya si Ivy?" Biglang tanong ni Ella.

"Oo nga, ilang araw na mula nung nangyare sa pagitan nila ng dean." Saad naman ni Gab.

Ilang araw nang absent si Ivy mula nung magkasagutan ito at ang dean. Ilang araw na rin silang nag aalala sa kalagayan nito, plano sana nyang bisitahin ito kahapon pero hindi na natuloy dahil tumawag ito sa kanya.

Naalala pa nya ang pag uusap nilang dalawa kahapon.

"Sabi ni Ivy kahapon, okay lang daw sya wag na daw tayo mag alala." Saad nya na ikinabaling ng lahat ng kaibigan nya sa kanya.

"Nag usap kayo kahapon? Bakit di mo sinabi sa amin?" Nakakunot ang nuong saad ni Ella.

"Tumawag lang sya."

"Oh ano sabi?" Si Gab.

"Nagka problema lang daw pero gusto nya sya nalang daw aayos, wag na daw tayo mag alala dahil ayos lang daw sya. Baka next week pa sya babalik."

"Bakit next week pa?" Tanong ni Ella, nagkibit balikat lang sya.

Gusto nya rin malaman pero desisyon iyon ni Ivy kung gusto nitong sabihin sa kaniya at sa kanila.

Sabay silang lahat napabuntong hininga ng malalim. Ilang minuto pa ay may tumayong bulto sa kanilang kaya lahat sila napatingin rito at napangiti.

"Oyyy jezyl! Oooyy! Yieee!" Anang Rylen na kinukurot pa si Jezyl sa tagiliran.

"Hi Jezyl. Napag..ahm..napag isipan mo na ba?" Saad ng Captain na napakamot pa ng ulo habang kaharap sila.

Binalingan naman nilang tingin si Jezyl para hintayin ang magiging sagot nito.

Ilang segundo pa ay tumango ito na ikinatili ng mga kaibigan nya, pati rin si Haru at Stephanie ay napatigil dahil doon.

Habang ang Captain naman ay tinutudyo rin ng mga kaibigan nito na nasa kabilang table lang din pala.

"Okay..ahm..kita nalang tayo sa sabado." Akmang tatalikod na ang Captain ng biglang tumayo si Jezyl.

"Teka.." Pigil ni Jezyl sa Captain.

Bumaling naman ang Captain kay Jezyl at ngumiti. "Hmm?"

"Ahm..Silvestre, pwede rin kitang yayain na maging partner sa grand ball sa susunod na buwan?" Kinakabahang saad nito na lihim nilang ikinangiti.

"Uhm, sure. Let's talk about that on Saturday." Saad nito at nagpaalam kasama ang mga kaibigan nito.

Sila naman ay tumili dahil sa kilig, panay ang tudyo nila kay Jezyl na pulang pula na ang mukha.

"Yieeee! Isang malaking sanaol para kaaay bullybeyb!" Tili ni Rylen na binatukan lang ni Jezyl sa ulo.

Napakamot nalang ng ulo ang huli habang sila ay napalatak ng tawa.

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon