CHAPTER 10

260 10 0
                                    

CHAPTER 10

NANG MAGISING SI SHANELEY ay dumiretso sya sa banyo para maligo at nagbihis pagkatapos.

Hinanda na nya ang mga gamit na dadalhin pati ang SAS o School Approval Slip.

Nang matapos sya ay agad syang lumabas ng kwarto at tinungo ang sala kung saan nanggagaling ang ingay na kanina pa nya naririnig.

Di na sya nagulat nang makita ang mgakaibigan nya sa sala na kumakain.

Kahit kailan mga patay gutom.

She's just standing there looking at her friends flatly.

Bigla namang sumulpot ang ina nya na kagagaling sa kusina. "Nak, gising ka na pala. Kain ka muna."

Umiling sya at yumakap sa ina nya. "Wag na po, Ma aalis na po kami." Tanggi nya dito.

Agad naman nyang tiningnan at pinaningkitan ang mga kaibigan na ang lalaki ng subo sa pagkain na hinanda ng ina nya.

"Tayo na guys?" Aya nya sa mga ito. Mabilis pa sa alas kwatrong tumango ang mg ito saka nagkanya kanyang paalam sa ina nya.

Matapos magpaalam ay sabay sabay na silang lumabas ng bahay at naghintay ng masasakyan. Ilang minuto pa ay nakasakay na sila, ngayon ay papunta na sila sa San Carlos de Unibersidad.

Isa sa pinakamalaki at popular na school dito pulo nila. Isa ang school na pinapasukan nila sa mga outstanding at high quality, di lang dahil sa nga competitive na mga estudyante dahil na rin sa paraan ng pamamahala ng dean nilang si Mr. Haccov Maxon Zaldarriaga na sumunod sa yapak ng ama nitong dean rin dati sa school na pinapasukan nila.

Napaka exclusive ng school na iyon, dahil napakalaki nun pati court at ground napakalawak, pati cafeteria, at mga buildings. Kaya naman di na sya nagulat sa laki ng binabayaran nila yearly pero nakakaya namang bayaran ng mga magulang nya, nay scholarship din kasi sya kaya siguro nakakaya nila.

Pero kahit wala namang scholarship kaya naman nilang bayaran ang fee ng school dahil may kaya naman sila, pero ayaw nyang dumagdag pa sa nga gastusin kaya nga nag porsige syang mag aral.

Napatingin sya sa langit kasunod ay ang mga taong dumadaan habang traffic, napangiti sya nang mapansin ang araw ngayon.

Sakto lang ang panahon, at nasa mood sya. Dahil siguro tumawag si Zackharius kagabi, kahit mabilis lang ang pag uusap nilang dalawa, sapat na yun para sumaya sya.

Kahit boses lang nito masaya na sya, ganun nya ito namiss. Buti nalang nirecord nya ang tawag nilang dalawa, para naman hindi sya masyadong mamomblema at mag isip tungkol dito.

Alam nya kung gaano kabusy si Zackharius kaya ayaw nyang dumagdag sa mga pasanin nito, sapat na sa kanya ang naaalala sya nito at mahal sya nito.

Napabalikwas sya sa pag iisip nang tinawag ni Ivy ang pangalan nya. "Shin."

Napalingon sya dito, "Bakit?"

"May party sa susunod na buwan, big event yun sa CKCC. Imbitado tayo lahat." Saad nito, agad natuon ang atensyon ng iba dito.

CKCC - Cebu Kpop Cover Community. Di naman sa pagiging immature pero fan at nag kacover sila ng nga kpop group. NOON.

"Bakit imbitado pa rin kami? Hindi na kami nag kacover at active sa mga contest." Saad nya kay Ivy.

"Pero kabilang pa rin kayo sa mga cover group, kaya imbitado kayo. Ano pupunta ka ba?" Tanong ni Ivy sa kanya, halos lahat sila ay nakatingin dito.

"Ano bang klaseng big event yan?" Singit ni Jezyl.

Tiningnan naman ito ni Ivy. "Big day kasi nang isa sa nga head ng CKCC kaya imbitado lahat, pati ang sponsors ng party pupunta." May binasa ito sa cellphone nito, "At ayon sa details ng event, magiging ball gown yun. So dapat gown ang susuotin and for the additional details." Tumigil ito sa pagsasalita saka sila tiningnan. "Bring your own partners. GirlxBoy only."

ILLEGAL SEDUCTION (Completed)Where stories live. Discover now