Diary 3

107 35 24
                                    

Hindi ako makatulog kagabi sa paraan ng sinabi mo. Hindi ko mawari kung ikaw ba'y nagbibiro lamang, bakas din kasi sa iyong mukha ang kasiyahan sa tuwing lumalapat ang tingin mo sa akin.

Kinaumagahan, maaga akong nagising upang linisin ang aming munting tirahan. Nagwalis ako sa bakuran at nagdilig ng mga halaman.


Ilang beses akong sumusulyap sainyong bahay at iniisip kung gising kana nga ba. Wala akong trabaho ngayon kaya maaari kitang samahan sa palengke.


Malaki ang ngiti mo nang lumabas ka sa inyong munting tirahan. Para kang isang anghel na kakagising lamang sa sarili nitong tahanan. Ang aliwalas ng pagmumukha mo, hindi nakakasawa titigan.

Pumasok ka sa bahay namin habang hinihintay mo akong maligo para tumulak na tayo sainyong pwesto sa palengke. Ipinagpaalam mo pa ako kila Tatay Florentino para masamahan ka sa iyong trabaho. Napaka-ginoo mong pagmasdan habang pinapaalam mo ang nag iisang prinsesa ng aking Tatay.



"Mag-iingat kayo, hijo." Ito ang huling sinabi ni Tatay bago tayo payagan makaalis.



Tuwang-tuwa ka dahil ito ang unang pagkakataon na masasamahan kita sa iyong trabaho. Madalas kasing sabay ang ating oras na ginugulgol para sa pera. Ito na ata ang isa sa pinakamasayang araw na kasama kita.


"Mura lang ho 'yan." sabi mo habang pinagmamasdan ang mga tao na mamili ng mga isda sainyong pwesto.



Ako ang nagsilbing taga-sukli ng inyong tindahan. Wala si Tita Conchita kaya tamang tama lang rin pala ang pagdating ko. Hindi rin naman ako masyadong nahirapan dahil agad mo rin naman akong tinutulungan sa tuwing nahihirapan ako magbilang ng pera.



Isa sa mga suki mong lalaki ay bumibili ng isda. Madalas niya akong titigan at hindi sa isdang pinipili niya. Nakaramdam agad ako ng ilang at hindi pinahalata sa iyo.




"Percilia, anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala mong tanong.





Nagawan mo pa rin akong tanungin kahit na marami na ang taong bumibili ng inyong isda. Hindi ko maiwasan na maging masaya dahil sa atensyon na ibinibigay mo sa akin. Pakiramdam ko tuloy, isa akong espesyal na tao para sa'yo.



"Pito, paumanhin pero maaari ko bang malaman ang kaniyang pangalan?" tanong ng estranghero sa'yo.



Nakita kong lumandas ang galit sa iyong mata nang itinanong ito sa iyo. Humigpit ang hawak mo sa plastik at tila masisira dahil sa paghawak mo.



"Paumanhin rin, pero hindi mo pwedeng malaman ang kaniyang pangalan." mariin na sagot mo sa kaniya.


Alam kong kaunting kalabit nalang ay mag-aalab kana sa galit. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang isang Agapito na magalit dahil sa akin. Sanay akong makita kang nakangiti sa mga taong nakakasalamuha mo. Itong araw na ito ay masyado akong pinapagabag.

Nang sumapit ang alas tres, agad ka rin naman nagligpit ng inyong paninda. Tutulong sana ako kaso hindi ka pumayag. Sanay naman akong maglinis kaya balewala lang sa akin ang gawaing ito.

"Umupo kana lang sa tabi, Percilia." sabi mo at hinatak ang kamay ko para bumalik sa upuan.


Hindi na ako nangulit pa at pinagmasdan kana lang na maglinis. Halatang sanay kana rin sa gawaing ganito, hindi mapagkakaila na isa ka ngang masipag na tao.



Naglakad lamang tayo pauwi sa ating bayan habang bitbit mo ang iyong balde na naglalaman ng iilan na isda. Naging magaan ulit ang usapan natin tungkol sa mabentang isda niyo ngayon. Masaya akong makita kang nagtatagumpay paunti-unti.



Napadaan pa tayo sa karinderya ni Aling Marites, isa sa mga pangarap nating makainan. Napahinto ka saglit habang pinagmamasdan mo ang mga tao sa loob na kumain. Hindi naman gaanong kalakihan ang pwesto ng karinderya ni Aling Marites. Punuan ang mga tao habang sila ay masayang kumakain.



"Makakakain din tayo diyan, Percilia." pangako mo sa akin.




Sumang ayon ako sa gusto mo kahit labag sa kalooban ko. Ayokong pinaggagastusan mo ako ng iyong mga pinag-iipunan. Mas mabuti pang ipandagdag mo nalang ito sa gastusin ng iyong Ina.




Halos alas singko na tayo makabalik sa inyong tahanan. Inimbitahan ako ng iyong Ama na si Tito Alejandro na maki-meryenda muna bago mo ako ihatid sa amin.




"Salamat po, Tito at Tita." magalang na paalam ko sa iyong magulang.



Hindi na tayo nakadaan pa sa paborito nating tambayan sa kadahilanan na maabutan tayo ng dilim. Nagulat pa ako nang pag-usapan ulit natin ang karinderya ni Aling Marites.

"Talagang masasarap ang mga pagkain na ibinebenta ni Aling Marites." pag-sang ayon ko sa'yo.


Ikinuwento mo sa akin kung paano ka nakatikim ng isang putahe sa kanilang karinderya. Ayon sa'yo, nilibre ka ng Amo mo sa dati mong pinapasukan na trabaho. Gustong gusto mo na makasama akong kumain sa lugar na 'yon.


Sa dinami-dami ng taong nakasalamuha ko ay sa'yo lang ako namangha ng ganito. Pursigido ka talagang gawin ang bagay na gusto mo pati paglibre sa akin ay pinanindigan mo. Ilang beses kitang sinubukan na hindi na kailangan gumastos dahil lang sa karinderya dahil pupwede naman tayong kumain nalang sa bahay para makatipid.




"Ito ang gusto ko, Percilia. Sa ayaw at sa gusto mo, handa akong maglabas ng pera para sa'yo." pagpupumilit mo.





"Pangarap mong makakain do'n diba? Bakit hindi natin tuparin nang magkasama?"






Mas lalo lang akong nahihirapan at naguguluhan sa aking nararamdaman. Alam kong hindi lang 'to dahil sa pagkakaibigan.




Patawad aking kaibigan, kung minahal kita sa ganitong paraan.












Percilia's DiaryWhere stories live. Discover now