His Last Diary

154 21 49
                                    

Mahal kong binibini,



Magandang araw, Percilia. Kamusta kana aking kaibigan? Marahil ngayon ay batid kong huli na ang lahat. Huli na upang sabihan ko pa ito saiyo lahat.







Hayaan mo akong magpakilala, ako si Agapito Conception, ang batang gusgusing nakilala mo sa tabing dagat. Ang batang nakasama mo simula't umpisa at ang may pinakamagandang ngiti sa lahat.






Alam kong masaya kana ngayon, aking kaibigan. Batid kong lumalakas na ang inyong hanap-buhay sa pangingisda. Sa wakas, tinupad din ang aking hiling.






Para sa akin, ikaw ang may pinakamagandang ngiti sa lahat. Ang iyong busilak na puso, mga matang kumikislap sa dilim at ang babaeng pinapangarap kong mahalin. Ikaw lamang iyon, Percilia Lourdes Chavez.





Sa taong, 1983, ito ang aking liham na matagal kong itinago sa iyo. Ibinilin ko sa aking kapatid na kapag sumapit ang ika-walong taon kong wala na sa mundong ito, ilalabas niya ang aking liham para sa'yo. Pasensya na kung ngayon mo lang ito nabasa nawa'y sana ay hindi mawala ang iyong ngiti sa aking pag-gambala.






Laking hinayang ko na hindi ko maabutan ang iyong paglaki, Percilia. Ako'y nagkaroon ng sakit na hindi ko man lang nadiskubre. Ngunit nawala lamang ang aking kalungkutan nang may batang paslit ang nakipag-laro sa akin. Ikaw iyon, aking kaibigan.







Patawad kung nabigo ko ang iyong damdamin. Batid kong alam mo nang hindi nag-iisa ang iyong Agapito Conception.










Siya si Ybarro Conception, ang iyong tunay na kaibigan. Ang iyong makakasama pang-habang buhay at ang tutupad sa iyong pangarap. Siya ang nakasama mo sa higit walong taon na nagdaan, Percilia.








Isa lamang akong hamak na bata sa iyong nakaraan. Pinagmamasdan ka ngayong nakangiti at masayang kasama ang aking kapatid. Huwag mo sana siya bibiguin dahil batid kong may nararamdaman na rin siya sa'yo.








Ipagpatuloy mo ang iyong pangarap habang pinagmamasdan kita sa itaas. Piliin mong lumaban at huwag hayaan ang sariling bumagsak.










Sa huling pagkakataon, maaari ba akong humiling, aking kaibigan? Na sana'y kalimutan mo na ang iyong Pito na nakilala sa tabing dagat.










Siya ang tunay mong paksa at ako'y nagmimistulang paru-paro lamang sa iyong tabi, Percilia.








Ang nagmamahal,

Pito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Percilia's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon