Diary 8

78 27 40
                                    

A/N: Two more chapters before we say goodbye to Pito and Percilia. ❤️

-------------

Alam mo ba? Hindi na ako nakapag-ayos pa nang marinig ko ang balita na nakauwi na raw kayo kaya naman agad akong pumanik sainyong tirahan.

Sumalubong sa akin ang iyong Ina na tila malungkot ang tingin sa akin. Hindi ko pinansin iyon at tinanong kung nasaan ka nga ba.


Lumabas ka sainyong tirahan at sumalubong sa akin ang iyong mga mata na kapwa nakatitig din sa akin. Hindi ito mapakali na para bang hinihintay kung sino sa atin ang unang magsasalita.


"Maligayang pagbabalik, Pito." Ako ang unang bumati sa ating dalawa.



Hindi ka sumagot pero niyakap mo ako. Naramdaman ko muli ang isang init ng yakap mula sa'yo, Pito. Nakakapanibago pero sabik akong makita ka na maayos muli. Makakapagsimula ulit tayo at maipagpapatuloy na natin ang ating pangarap.



"Maraming salamat, Percilia." sagot mo sa akin noon.


Masaya na akong nakabalik ka ngunit kailangan ko ipagpatuloy ang aking trabaho. Bumalik na rin sa pagtitinda ang iyong Ina at sumama ka sa kaniya upang tumulong roon.


Pagpatak ng alas tres ay naisipan ko agad na pumunta sa tabing dagat. Marami akong gustong i-kwento saiyo at marami rin akong gustong malaman tungkol sa biglaang pag-alis niyo. Ito na ata ang tamang panahon upang pag-uusapan muli natin ang nangyari noong nakaraang buwan.



"Hindi mo ba nagustuhan ang libre ko noong nakaraang buwan?" Ito ang unang tanong ko sa iyo.


Umaliwalas ang mukha mo habang pinagmamasdan ako. Naramdaman ko muli ang pamilyar na tibok ng puso ko, ikaw lang ang maaaring makagawa nito, Pito.

Malamig ang kamay mo nang dumampi ito sa akin. Hindi maipagkakaila na mukhang may kailangan kang sabihin sa akin pero sinuklian mo lamang ako ng isang ngiti at pinitik ang aking ilong.

"Kami'y namasyal lamang sa probinsya, Percilia. Paumanhin kung hindi ako nakapag-alam dahil sa biglaan din ang pag-alis namin." Ito ang sagot mo sa akin nang tinanong kita tungkol sa pag-alis niyo.



Sapat na sa akin iyon dahil maayos na muli ang ating pagsasamahan. Hinatid mo ulit ako sa aming bahay at nag-usap tayo saglit sa aming bakuran.


Naaalala mo rin ba? Tinawanan kita noong pumitas ka muli ng isang rosas sa aming bakuran pero nahuli ka ni Inay. Hindi ka pinagalitan katulad ng inaasahan ko. Masyado kang malakas para sa aking Nanay.

Nag-usap lang tayo at hinintay na kumagat ang dilim. Napapadalas na rin ang pagtingin mo sa akin na para bang isa akong mamahaling bagay na kailangang alagaan at mapa-saiyo.



"Totoo ngang napakaganda mo binibini pero mali...mali ang oras para sa ating dalawa." Ito ang nagpagabag sa akin noong binanggit mo ang mga katagang ito.


"Pero nasisiguro ko na ligtas at maabot mo ang iyong pangarap." dagdag mo po na nagpagaan sa aking dibdib.


"Kasama naman kita sa pag-abot ko ng pangarap, diba?" tanong ko sa'yo.



Pinagmasdan kita habang nakatitig ka rin sa akin. Napakaganda talaga ng iyong mata at libo-libong tao ang nasasabik sa ganito. Napaka-suwerte ko dahil isa ako sa mga taong nakakita nang mayroong napakagandang ngiti at mga matang kumikislap sa dilim.

"Napaka-suwerte ko dahil naging kaibigan kita." hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin ito sa'yo.



"Suwerte rin ako, binibini. Maipapangako ko sa kaniya na aalagaan kita hanggang sa pagtanda." nakangiti mong sagot sa akin.


Ikaw na ata ang pinapangarap kong makasama habang buhay. Hayaan mo akong samahan ka sa lahat ng pagod at pagsuko mo sa buhay. Maaasahan mo ako hanggang sa dulo ng aking hininga. Mahal ko, Agapito Conception.


























Percilia's DiaryWhere stories live. Discover now