Diary 6

76 28 28
                                    

This part is dedicated to: hopiixx and noetellaaaa. Stay safe! ❤️

--------

Masaya ako dahil sa pinag-ipunan kong pera na maaari ko nang magastos para sa'yo.

Naaalala mo ba? Maaga akong pumunta sa inyong bahay upang yayain ka kumain sa karinderya ni Aling Marites. Hindi ko alam na minsa'y matagal ka rin pala gumising.


Labis ang aking pag-aalala nang maabutan ko na namumugto ang mga mata ng iyong Ina na si Tita Conchita. Hindi rin nagtrabaho si Tito Alejandro na kapwa pagod rin ang mga mata. Nakalimutan ko na ata ang aking sadya kung bakit ako pumunta sainyo kaya't pinarating ko nalang sa iyong Tatay na hihintayin kita sa karinderya ni Aling Marites.


Akala ko'y hindi mo na ako sisiputin sa araw na iyon dahil higit isang oras din pala ang pag hihintay ko. Ilang beses na rin akong tinanong ni Aling Marites kung hindi paba ako bibili ng kaniyang mga paninda pero nagpumilit ako na hintayin kita.


Gusto ko sana tanungin sa'yo kung anong meron kay Tita Conchita at kung bakit hindi nangisda ang iyong Tatay dahil para sa 'kin, isa itong napaka-imposible ang nakita ko kanina. Alam kong hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang iyong Ama para lamang kumita sa paghahanap-buhay.



Ngunit nag-iba ata ang ihip ng hangin dahil sa pagiging tahimik mo. Nanibago rin ako sa pananamit mong napaka-linis at iba ang datingan mo para sa'kin. Parang ibang tao ang kaharap ko noon.



Naalala mo? Tinanong kita kung ano ang gusto mong kainin pero inismiran mo lamang ako at walang pasabi na tinuro ang ulam. Hindi ko nalang pinansin ang iyong ginawa at pinagpatuloy na lamang kumain.


Akala ko, dahil ito sa kapaguran kaya hindi ka namamansin. Ito ang unang beses na hindi ka masyadong nagsasalita gayung kasama mo naman ako. Tipid ang iyong sagot sa tuwing tinatanong kita, hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko.

Hindi mo man lang ako kinausap nang niyaya kitang tumambay sa dagat. Ito rin ang unang pagkakataon na tinanggihan mo ako.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Pito?" tanong ko sa'yo.

Tinitigan mo ako sa paraang hindi ako pamilyado. Tila nawala ang kislap sa iyong mata habang pinagmamasdan mo ako. Malamig at nakakapangilabot ang mga matang minsan ko na rin hinangaan.


"Pagod lamang ako... Percilia." Ito ang sagot mo sa akin.


Inintindi ko ang iyong sinabi at bahagya akong napahiya sa aking isip. Alam kong, ako lang ang nag-iisip ng ganitong bagay. Maaari ka ngang mapagod, kung ano man ang ginawa mo.

Naglalakad tayo nang maisipan kong akbayan kita upang gumaan ang paligid pero hindi ko na maiwasan na magtaka nang tanggalin mo bigla ang aking braso na nakapatong saiyo.


"Pito, alam mo bang minsan ko na rin pinangarap na sana nakapag-aral tayo?" pag-iiba ko.



Tumingin ka lang saglit sa akin bago sumagot. Napaka-tipid mong sumagot kaya labis na akong nangangamba sa ginagawa mo. Hindi ko alam kung pagod ka nga ba o talagang may hindi ka sinasabi sa akin.

Nasa kalagitnaan tayo ng paglalakad nang makasalubong natin ang mga babaeng humahanga saiyo. Napahinto tayo nang kausapin ka ng isa sa kanila.


"Pito, napaka-gwapo ng iyong itsura ngayon. Ano ang dahilan sa likod nito?" nakangiting tanong ni Ningning, isa sa mga kapit-bahay natin.


Ngumiti ka sa kanila. Oo, nagawa mong silang nginitian samantalang ako 'yung kasama mo kanina pa pero hindi ko man lang nasulyapan ang ngiti mo. Nakakapanibago, parang bang hindi na kita kilala sa araw na ito.


Ilang oras na akong nakatayo sa gilid habang pinagmamasdan kitang masayang kausap sila Ningning. Hinihintay ko rin na sana tumama man lang ang tingin mo sa akin pero hindi. Hinayaan mo lamang ako sa gilid.

"Dumidilim na, Pito. Maaari naba tayong umuwi?"



Para akong sinaksak ng ilang punyal nang madilim ang naging tingin mo sa akin, na para bang isa akong nakakahiyang nilalang na nakaistorbo sa inyong usapan.



"Sige, uwi na tayo, Percilia." malamig mong sinabi sa akin. Hindi ako makapag-salita habang naglalakad tayo pauwi.


Nauuna ka rin maglakad sa akin at paminsan-minsan mo lamang ako tinitingnan sa tuwing nahuhuli ako saiyong likuran. Napapaisip tuloy ako kung ano ang naging kasalanan ko saiyo.


"Patawad Pito, kung ano man ang naging kasalanan ko saiyo. Tanging gusto ko lamang ay makabawi sa kabutihan mo dahil...kaibigan kita."


Hindi mo ako sinagot hanggang sa makarating tayo sa aming bahay. Hinihintay ko rin na sabihin mo na biro lang ang pinakita mong ugali kanina, pero hindi. Hindi ka rin pumitas sa aming bakuran at mas lalong hindi mo ako nginitian bago ka makauwi.



















































Percilia's DiaryWhere stories live. Discover now