Beautiful in White.

162 18 8
                                    

"She is standing in the entrance. A goddess clad in a white beautiful dress, which is cut in perfection, hugging her slim body in all the right places, with bouquet of red flowers on her fidgeting hands. A gorgeous but nervous smile plays on her natural red lips. Her brown eyes finds their way to my black orbs, igniting the fire inside me. A few more minutes and this ordeal will be in the past. Nevertheless, this is a day to remember."

Napatulala ang lahat nang magsimula ng maglakad ang diwatang nakaputi mula sa entrada ng isang arkong napapalamutian ng mga baging at bulaklak. Napakaganda ng dalaga sa kanyang napiling kasuotan. Isang puting modern long sleeve wedding gown na lagpas tuhod ang tabas upang makagalaw siya ng maayos habang naglalakad. May pagkakonserbatibo naman ang disenyo lalo na sa bandang dibdib. Pinatingkad ng trahe de boda ang angking kagandahan ng babae. Humukab ang tela sa kanyang balingkinitang katawan na hindi naman talaga pahuhuli sa mga modelo na makikita sa naglalakihang mga billboards sa Maynila.

Natatakpan ng belo ang kanyang maamong mukha gayunpaman, hindi maikakaila ang kanyang kadiyosa-han. Nagniningning ang kanyang bilugan at kulay kayumangging pares ng paningin na binagayan ng perpekto nitong mga kilay at mga pilik-mata. May katangusan ang kanyang ilong at ang kanyang mga labi ay mala-makopa ang natural na kulay.

Hawak ng dilag ang palumpon ng mga kulay dugong mga rosas. Kinukubli ang kanyang mga kamay na nanginginig sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa mga bulaklak.

Nakadagdag sa kanyang pisikal na kaanyuhan ang naglalarong masaya ngunit kabadong ngiti na malayang binibigay ng babaeng ikakasal sa lahat ng nakatunghay sa kanya.

Ang mga tagamasid sa di-kalayuan ay tila nahipnotismo rin dahil ilang segundo pa ang lumipas ay nagsitalima ang kanilang mga paa upang malapitang hangaan ang ikakasal.

Di mabilang na pares ng mga mata ang nakapako sa kanyang bawat paghakbang kasabay ng mga bulung-bulungan patungkol sa kanyang kagandahan at kabutihan.

Kislap rito, kislap riyan. Click dito, click diyan. Animo'y isa siyang artista kung kuhanan ng larawan ng mga photogpraphers gayundin ng mga taong nasa magkabilang gilid ng kanyang dinaraanan. Nakatayo ang lahat, bilang pagbibigay pugay sa kagila-gilalas na nilalang na ito. Dinaig pa ng bride ang kariktan ni Mariang Makiling sapagkat pati si Haring Araw ay nanunuod at ang papalubog nitong mala-kahel na sinag ay nagbibigay ng kalugud-lugod na tanawin para sa lahat ng mga nagsidalo.

Hindi mapatid ang papuring namumutawi sa labi ng mga nilalang kagaya na lamang ng hindi din napuputol na tinginan ng magandang bride to be sa taong naghihintay sa kanya sa dulo ng mga upuang puti.

Naipilig ni Elijah nang kaunti ang kanyang ulo dahil kahit sa malayo, alam niya ang namumuong kaba at takot ng magandang nilalang na inagaw ang atensyon ng lahat mula nang ito'y magpakita. Mas lalo pang nilawakan ni Elijah ang kanyang pagkakangiti upang ipahiwatig sa kanyang tinatanging babae ang isang mensahe.

Nandito ako para sa iyo, mahal ko.

Sa bawat yapak at pagbaon ng mapuputing daliri at sakong ng babaeng ikakasal sa pinong buhangin ng dagat ay siya namang pagbalong ng halu-halong emosyon ng taong nakatayo ng diretso at matiyagang hinihintay siya sa dulo.

Kasabay nang malakas na paghampas ng alon at paghalik nito sa dalampasigan, nalulunod ng ingay ng dagat ang nakabibinging pagtibok ng puso ni Elijah. Habang sapo ng kanang kamay ang kaliwang parte ng kanyang dibdib, nag-aalalang tumingin siya saglit sa paligid, at napagtanto na walang nakakapansin sa abnormal niyang puso. Tila ba alam ng kalangitan ang naghuhumiyaw na damdamin ni Elijah at tinutulungan siyang ikubli iyon sa lahat lalo na sa bride sa pamamagitan ng ingay ng karagatan.

The Art of Letting Go (A Short Story)Where stories live. Discover now