Author's note.

66 9 2
                                    

Isa akong proud tambay sa silid-aklatan simula pagtuntong ko sa sekondarya. I was browsing a random textbook when I stumbled upon a Japanese story translated in English. Naalala ko pa na kinopya ko ang istorya na iyon sa aking notebook. Sadly, naisunog na iyon ng aking ama.

Hindi ko alam ang eksaktong pamagat ng kwento pati na din ang buong istorya pero ilalahad ko na lamang ayon sa pagkakatanda ko bilang background story sa part two.

Sa Japanese story na iyon, may dalawang lalaki na matalik na magkaibigan at magkababata. Ang isa ay isang samurai warrior at ang isa ay ordinaryong binata na may mahinang pangangatawan kaya naiwan siya sa kanilang bayan kapiling ang kanyang ina. Malapit si samurai warrior sa ina ng binata dahil laging magkasama noon ang dalawa.

Hindi ko na tanda anong okasyon ang meron pero itong si samurai warrior ay nangako na uuwi sa huling gabi ata 'yon ng isang mahalagang festival sa kanilang lugar. (Bear with me please. Hinanap ko ito sa google pero di ko talaga makita.)

Sa kasamaang palad, napagbintangan at nakulong itong si samurai warrior kaya hindi siya nakauwi agad.

Ang kanyang matalik na kaibigan naman ay matiyagang naghintay hanggang sa maghating-gabi na. Sinabihan pa siya ng kanyang ina na hindi na darating itong si samurai warrior ngunit mapilit itong isang binata. Before the clock struck twelve, nakita niyang may papalapit sa kanilang tahanan. Sobra ang galak na kanyang nadama nang mapagtanto na si samurai warrior pala ang dumating.

Magiliw niyang tinanggap ang kaibigan at hindi na lamang nag usisa kung bakit ito nahuli ng dating at tila ba tahimik ito habang kumakain. Inisip niyang napagod lamang ito sa paglalakbay kaya naman pinagpahinga na niya ito agad matapos silang magkwentuhan ng ilang minuto.

Kinabukasan, nagulat siya nang hindi na niya makita sa silid ang kanyang kaibigan, si samurai warrior. Hinanap niya ito sa ina na siyang unang bumangon sa higaan. Sinabi ng kanyang ina na hindi niya nasilayan man lang si samurai warrior at wala namang dumating na bisita kagabi. Ngunit iginiit ng binata na dumating ang kanyang kaibigan, pinaghain niya ito at sinaluhan pa sa pagkain. Matapos iyon ay nagkwentuhan sila, ngunit pinauna na niya itong matulog habang siya ay nagligpit pa ng kanilang pinagkainan.

Habang nagdidiskusyon ang mag-ina, dumating ang isang mensahero. Bitbit ang isang balita na gumimbal sa binata at mga taga-nayon.

Natagpuan sa kanyang selda sa may kalayuan ding probinsiya ang bangkay ni samurai warrior. Tinapos niya ang kanyang buhay sa pamamagitan ng harakiri (seppuku). Hindi siya pinakinggan ng mga nasa kapangyarihan at ikinulong kahit pa sinabi niya ang katotohanan kung bakit siya naglalakbay pauwi ng kanyang nayon. Paulit-ulit niyang sinasabi na nangako siya sa isang kaibigan na siya ay uuwi ng ganitong petsa at hindi niya iyon tatalikuran kailanman. Ngunit bingi ang nasa kinauukulan sa kanyang pagtangis gabi-gabi sa kanyang selda. Dahil hindi siya pinakawalan, nagpakamatay ang samurai warrior para isakatuparan ang isang pangako para sa isang kaibigan.

Hence the saying in part two of this book, "A man cannot travel a thousand miles but a soul can."

Yan lang ata 'yong mga salita na natatandaan ko sa kwento na iyon. Hindi pa nga ako sigurado kung iyan ang exact words na ginamit doon dahil di ko makita 'yong story kahit pa sa mga lumang libro na hiniram ko. Nagtanong na din ako sa mga high school classmates ko pero di nila matandaan 'yong kwento. Hindi ko din mahanap sa google.

That story is based from a japanese proverb pero hindi ko talaga mahagilap 'yong original story. Sana may makahanap o may alam kayong kahawig, comment niyo naman para makita ko kung siya nga iyong story na hinahanap ko. Balak ko kasing kopyahin at idikit sa wall ng kwarto ko, katabi ng tulang "Heaven's Grocery Store".

Salamat sa pagbabasa.

June 11, 2020
@bluemont92 (Juana Montesor)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Art of Letting Go (A Short Story)Where stories live. Discover now