Prologue

206 54 102
                                    

*Lunch time*

"Girl, ayan ang ganda mo na" nakangiting sabi ni Kyomi. Kakatapos niya lang akong ayusan dito sa CR

Napangiti naman ako sa sinabi ni Kyomi. "Ang galing mo talaga beshy!" Puri ko sa kanya nang makita ko sa salamin na nag improve nga yung itsura ko. Simpleng make up lang ang ginawa niya. Yung tipong lip tint lang, foundation and mascara para mukhang natural parin. Tska nasa school kami noh, bawal yung bonggang make up except nalang kung prom syempre.

"Siguradong di ka irereject ni Gorge beshy!" Sambit nito dahilan para mabuhayan ako ng pag asa sa crush ko.

Since last year ay crush ko na si Gorge. At ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin. Ayoko na kasing umasa, gusto ko yung diretsuhan na. Wala nang paligoy ligoy pa. Well, di naman siya nagiging paasa pero gusto ko na kasi kaagad malaman kung may pag asa ba ako sa kaniya. Okay lang sakin kung mareject ako. Hinanda ko na ang sarili ko dun. Para isang luhaan nalang din. Para maka move on nako agad sakaling malaman ko ngayon na di pala niya ako kayang icrush back.

**

Dahil sa kaba na aking nararamdaman ay hindi na muna ako kumain.

Dumeretso na ako sa may garden sa likod ng canteen namin. Dito kasi madalas pumunta si Gorge. Kung pwede lang na nandito si Kyomi ay siguradong nabawasan na ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Eh kaso wala siya eh, nandun  si Kyomi sa canteen. Ayaw niya kong samahan dito dahil moment daw namin to ni Gorge.

Maya maya pa ay sa wakas nandyan narin ang lalaking pinapangarap ko.

The cutest and the most gorgeous boy in school for me.

Nang makalapit na siya sakin ay agad ko siyang tinawag.

"Why?" Tanong niya at humarap ito sakin

Gosh. That look. His brown eyes, thin lips and not so pointy nose (yung tama lang). In short his freakin' gorgeous face. It makes my heart flutter.

Magkasing tangkad lang kami. Mga nasa 5'8 kami pareho. Yes, I'm a tall girl.

Hindi naman ako umaasa na ibabalik niya yung feelings ko para sa kaniya. Malakas na agad ang kutob ko na irereject niya ako. Alam ko na agad na possible akong masaktan dahil sa gagawin kong ito pero nakakapagod narin kasing umasa sa wala. Kaya gusto ko ng malaman kung mag pagtingin ba talaga siya sakin o wala?

May pag asa nga ba ako sa kaniya o wala na talaga?

Kaya gusto ko ng gawin to.

He's looking at me while he's waiting for my answer. Gosh! that brown eyes. Hindi ko naman magawang tumingin diretso sa mga mata niya kasi feeling ko sasabog na yung puso ko.

Eto na, Sasabihin ko na talaga. Kaya ko to!

"Ummm.... Crush kita." Buong tapang kong pag amin. Nanatiling seryoso ang kaniyang mukha.

"Don't say nonsense." Ouch. That really hurts.

"G-grabeh ka naman..." Inalis ko ang tingin ko sa kaniya nang sabihin ko iyon.

"What do you expect me to say huh? Na crush din kita? Ni hindi nga tayo close. Baliw ka ba?" Halata sa boses niya ang pagkairita.

"N-nag babakasakali lang na--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"I will never like a girl like you. Yuck! You're ugly, freakin' tall, not sexy and freakin' crazy. You're obvously not my type. And most of the guys like me doesn't like a girl like you. Ang panget panget mo" Diniinan pa talaga niya ang pagsabi ng ang panget panget mo. The way he look at me right now, it's as if I'm the dirtiest person he have ever seen.

Yumuko ako nang maramdaman kong may tumulong luha galing sa aking mga mata.

"O-okay... I'm.. s-s-s-sorry" I quavered.  "For wasting your time." Buong tapang kong tinugon sa kaniya. This time, I make sure that I'm not going to quaver again. Then I ran away from him.

Kahit inexpect ko naman na irereject talaga ako ni Gorge ay hindi ko alam na ganito pala kasakit, Ganito pala kasakit mamulat sa katotohanang hindi ka kahit kailanman gugustuhin ng taong pinapantasya mo.

I ran away from him with a broken heart.

Ang panget mo

Ang panget panget mo

You're freakin' tall

You're not sexy

You're freakin' crazy

Most of the guys doesn't like a girl like you

Those words, Those hurtful words thrusted into my heart like it was a knife or any kinds of sharp objects.

Habang tumatakbo ako ay may nabangga ako. Di naman ganun kalakas yung pagkabangga ko sa kanya.

"Sorry..." sambit ko at tuluyan nakong lumayo sa kanya.

Yes, I know.
I myself may not be a piece of art,
But atleast, I have a pure heart

--------------------------------------------------

A/N:
Sorry kung magkakaroon man ng typographical errors, grammatical erros, wrong spellings and stuffs. Di po perfect si author kaya pasensya na

Her InsecuritiesWhere stories live. Discover now