Chapter 1

146 50 51
                                    

Dahil araw ng linggo ngayon at wala akong magawa ay nag tiktok nalang ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dahil araw ng linggo ngayon at wala akong magawa ay nag tiktok nalang ako.

I tried to dance savage. Yung usong sayaw ngayon dito sa tiktok.

Ilang saglit lang matapos kong ipost ay nagulat ako nang biglang may nag comment.

"Ano ba yan. Nakakasira ng araw."

Okay. Sabi ko nga I'll stop na.

Dumungaw nalang ako sa medyo malaking bintana ng kwarto ko.

Hayst. Kailan kaya ako magiging masaya? Kailan ako makukuntento dito sa itsura ko? Maybe when I finally learn to accept my flaws. But It's hard. It's freakin' hard for me.

Kung ipinanganak nalang akong maganda at sexy ay hindi siguro ako nakakaramdam ng lungkot at inggit sa mga magagandang babaeng kilala ko.

Napatingin ako sa medal na nakasabit sa dingding malapit ito sa aking bintana. Lumapit ako dun at kinuha iyon. Medal ko ito. Nakuha ko ito nang grumaduate ako ng with honors nung highschool ako.

Sadly, di ko na napagpatuloy ang pag aaral ko dahil nabaon sa utang ang mga magulang ko. Kaya nag trabaho nalang ako sa isang restaurant na may napakabait na may ari.

**

Araw ng lunes

"Hay nako. Eto nanaman. Ang dami nanamang taong kailangang pakisamahan para magkapera" natawa naman ako ng konti sa sinabi ni Katy. Si Katy ang kasama ko dito at naging kaibigan ko narin dahil katulad ko ay huminto nalang din muna siya sa pag aaral dahil sa financial problem.

Kaso ang pag kakaiba namin ay siya, maganda, sexy at katamtaman lang ang height.

Siya ang dahilan kung bakit dumadami ang mga lalaking customers namin.

"Oo nga eh." Tugon ko sa sinabi niya.

Pareho kaming waitress ni Katy dito.

Minsan pag may lalaking customer na tumatawag ng waitress tapos ako ang lumapit, sinasabi nila...

"Miss hindi kasi ikaw yung gusto ko pasensya na.... Yung isang waitress" mga hinayupak pumunta lang pala dito para lumandi. Namili pa ng waitress kakapal ng mga mukha eh kala mo naman mga kagwapuhan eh..  Mostly sa kanila di naman ganun ka gwapo.

**

5:30 pm na at ilang minutes nalang ay magsasara na ang restaurant.

Dumating na ang customer na laging pumupunta dito. Kaso diko siya namumukhaan dahil naka itim na jacket, white na t-shirt, black jeans, black cap at face mask siya.

"Ayan nanaman si Mr. Masky hihih" natawa naman ako sa sinabi ni Katy.

Mr. Masky ang tinawag namin sa kaniya. Dahil tuwing pupunta siya dito ay balot na balot siya. At naka mask pa.

Si katy ang kumuha sa order niya. Madalas ako ang kumukuha ng order nun pero medyo wala akong gana ngayon kaya siya nalang. At for sure maeenjoy ni Mr. Masky ang pag order kung isang magandang dilag na katulad ni Katy ang kukuha ng order niya.

Nag punas nalang ako ng mga bakanteng table dito sa restaurant.

"Erina!" napatigil naman ako sa pagpupunas ng lamesa nang tawagin ako ni Katy.

"Bakit?" Tanong ko

"Sabi ni Mr. Masky aalis nalang daw siya kung hindi ikaw ang kukuha ng order niya. Sayang yun ah, kita din yan. Kaya ikaw na nga kumuha. Ako na diyan" Napatingin naman ako kay Mr. Masky. Bat naman niya gustong ako ang kumuha ng order niya? Si Katy na yun ah. Ayaw niya ba na isang magandang diwata ang kumuha ng order niya at hindi ang isang engkantong katulad ko? Bakit ako?

Lumapit nalang ako sa kaniya at kinuha ko ang order niyang medyo madami para sa isang tao lang.

Habang nag pupunas ng ibang bakanteng lamesa ay napasulyap ako kay Mr. Masky nang tumayo na siya at tuluyan nang umalis dito sa restaurant.

Matapos kong punasan ang lamesang kasalukuyan kong pinupunasan ay sinunod ko na yung lamesang kinainan ni Mr. Masky. Niligpit ko na ito at dinala ang mga pinggan at baso sa kusina. Ang mga tauhan na naatasang mag hugas ng pinggan na ang bahala doon.

Matapos kong gawin iyon ay nagpunas nako ng lamesa niya. Habang nagpupunas ay may isang maliit na piraso ng papel na nakatupi akong di sinasadyang nahulog.

Pinulot ko iyon at nilukot. Itatapon ko na sana ngunit sa di malamang kadahilanan ay parang gusto kong  buksan ang papel na iyon at tignan muna kung anong meron dun. Kung may nakasulat ba doon or something. Pag wala ay tuluyan ko ng itatapon iyon syempre.

At medyo nagulat ako nang mabasa ang nakasulat sa papel.

I like you E.

-Mr. Masky😊

Sino kaya si E na bet daw ni Mr. Masky? Erina?

Natawa naman ako sa ideyang iyon. For the very sure, It's not me. Yung E na maganda, sexy, maliit at mabait ang E na tinutukoy niya.

Siguro aamin na dapat siya sa E na iyon dito sa restaurant kaya madami lagi ang inoorder niya kaso di siya sinisipot kaya wala siya palaging choice kundi ubusin nalang ang mga pagkain na inorder niya kasi sayang din yun.

Pero infairness nauubos niya agad yun nang hindi manlang niya tinitake out nalang or something ah. May katakawan din siguro yun. Pero infairness mukhang di siya tumataba kahit matakaw siya.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan kong itabi iyong papel na iyon kaya binulsa ko nalang siya.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan kong itabi iyong papel na iyon kaya binulsa ko nalang siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her InsecuritiesWhere stories live. Discover now