Chapter 2

89 4 0
                                    

Nagulat at napangiwi si CJ nang magkabangga kami. Hindi niya siguro inexpect na may blessing na darating sa buhay niya at ako yon, chares. Si Clark Jameson Andrada o mas kilala bilang CJ, ang aking crush since freshmen year, alam na alam yon ng lahat, and when I say lahat, lahat talaga. Pinagkalat yata ng mga nakakaalam na crush ko siya kaya ayun. Hindi ko alam kung alam niyang may crush ako sakanya dahil di naman ako umamin, pero sa rami ba naman ng nakakaalam ay siguro umabot na sakanya iyon.


Isang taon ang agwat namin bale mas matanda siya saakin, matangkad, matalino, gwapo, at sobrang ganda ng boses! Yung tipong mapapapikit ka nalang sa sobrang ganda? Ganon! Mahilig siya siya sa music katulad ko, magaling rin akong kumanta kaya kulang nalang ayahin ko siyang makipag duet HAHA, hindi kami magkaibigan kaya di ko alam kung mabait siya, pero marami naman nagsasabi na mabait siya, sa mukha naman niya parang mabait talaga siya, kaso ang cold niya sakin.


"Hala I'm sorry!" ani ko.



Tumango lang siya at lalakad na paalis. Tingnan niyo ang cold diba?



"Thank you nga pala kanina ah!" sigaw ko ng nakangiti.



Tumalikod siya para tingnan ako, tumango at ngumisi, saka umalis. Shucks ang pogi niya talaga pag nakangiti!


Imbes na bumili ng pagkain ay bumalik ako sa table namin. Lahat ng mga nasa paligid ko na nakakakilala saakin ay kinakantyawan ako, pati yung mga teachers na malapit sakin na nakakaalam nakikisali na rin sa kantyawan. At ako naman kilig na kilig sa nangyari.


"Kilig na kilig ghorl?" ani ni yuri.


Tumango tango ako nang nakangiti at nakatulala nang batukan ako ni fia.


"Aray ko naman!" ani ko habang hinahawakan ang ulo kong binatukan niya "Ano ba?! Ang sakit on ah!"


"Gumising ka nga sa realidad na hindi siya mapapasayo! Kilig na kilig ka diyan di mo namalayan umalis na yung mga kasama natin, lika na male late nanaman tayo niyan!" ani ni fia.



Tumayo na si Fia paalis at agad ko naman siyang sinundan.





"Male late nanaman? Eh ako lang naman na late sating dalawa kanina, nanaman ka jan" sumbat ko.



Di na sumagot si Fia at may pinagkakaabalahan sa cellphone niya, malamang si matthew nanaman ka text niya.


Nakarating na kami sa classroom at nag simula na ulit mag discuss ang aming teacher. Wala namang ibang kababalaghang nangyari kaya di ko namalayan na last period na pala namin.





"Class please prepare and study your lessons kasi magkakaroon tayo ng long quiz next week" ani ni miss Dela cruz, ang aming science teacher



"Yes miss" sagot naming lahat.


"Okay class dismissed"


Inayos ko na lahat ng gamit ko sa bag ko nang kalabitin ako ni Fia.



"Uuwi na ako, sasabay ka?" tanong niya.




"Hindi eh mauna ka nalang may ire-research pa ako sa library" sagot ko.



"Sa café niyo nalang tayo mag kita, dun ako tatambay kasama si bella"



"Okay" ani ko.



Umalis na siya at ilang sandali pa ay natapos ko nang ayusin ang gamit ko, dumiretso na ako sa library. Marami akong nadadatnang kakilala ko kaya nginingitian ko nalang sila, nagmamadali kasi ako dahil maaga mag sasara ang library namin ngayon.



Pagkadating ko sa library sinwipe ko ang aking i.d at nagsimula nang mag research. May nakita akong mga kaklase sa isang table kaya dun nalang din ako umupo.



"Kumusta na kayo ng crush mo be?" Tanong ni Angel ang matalik kong kaibigan since gradeschool.


"Huh sinong crush" pag papatay mali ko.


"Omg nag iba ka na ng crush? Finally ha after 4 years" ani ni Miggy.


Agad naman akong nagsalita nang marinig ko ang mga katagang yon, ako? Mag iiba ng crush? Asa!


"Hindi ah, after 4 years ngayon paba ako susuko?" pag aamin ko.


"Hay nako, sabi ko na nga ba eh" ani ni angel.


"Hay nako, imbes na mag chismisan tayo rito, mag aral nalang tayo" ani ko.


Tumango silang dalawa ang tumahimik na para makapag aral kami ng maayos.



Umuwi ako at nag paalam na kay Angel at Miggy bago pa nag close ang library. At pag labas ko ay padilim na.


Nadatnan ko ni Nic na naghihintay ng kanyang sundo sa waiting shed. 


Naging crush ko si Nic noong grade school pa kami. Pero sabi niya friendship lang ang kaya niyang i-offer saakin kaya nirespeto ko yon. Naging magkaklase kami noong sophomore year kaya mas naging close kami sa isa't isa.


"Uy napagabi yata uwi natin ngayon ah" aniya, nang makita akong papalapit si kinatatayuan niya.


"May ginawa pa akong research sa library eh ikaw ba?" sagot ko at huminto sa tapat niya.


"Nag aaral ka na pala?" pang aasar niya pa.


Alam ng lahat kung gaano ako katamad mag aral noon, kaya pag nababalitaan nilang nag aaral na ako ng maayos, ay para bang hindi kapanipaniwala para sakanila. Natauhan na kasi ako na kailan kong mag aral ng maayos paramaka graduate at para makamit ang pangarap kong maging isang flight attendant.


"Bakit ba parang di kayo makapaniwala na nag aaral na ako ha?" inis kong tanong sakanya.


Nag kibit blikat lang siya.


"Uuwi ka na ba? Sabayan na kita" ani ni nic.


Tumango nalang ako at sinabayan niya akong maglakad. Iba't ibang bagay ang aming pinag-uusapan nang dumating na ang sasakyang susundo sakanya.


"Pano ba yan andito na sundo ko, mauna na ako ha?" pagpapaalam ni nic.


"Oh sige, ingat" ani ko.


Mag kaiba ang direksyon ng condo ko sa direksyon ng inuuwian ni nic kaya di niya ako mahahatid.


Patuloy akong naglakad dahil malapit ko naman na ako palabas sa highway. Mag shu-shuttle sana ako ngayong pero sa kasamaang palad wala ng available.



Medyo nakakatakot kasi madilim na pero buti nalang at may mga poste. Kaunti nalang ang mga istudyanteng nakikita ko kaya malaya na akong nag lakad sa gitna ng daan. Ilang sandali ang lumipas habang naglalakad ay biglang lumiwanag ang daan at may bumusinang sasakyan saaking likod na napakalas, sa sobrang lakas ay napasigaw ako at dali daling bumalik sa sidewalk.


"Yan na ng aba ang sinasabi ko Jacey eh, tatanga tanga ka nanaman " sambat ko saaking sarili.


"Miss okay ka lang?" tanong ng lalaking na sa sasakyan.


Oh my God.

The heartaches you causedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon