Chapter 12

68 4 2
                                    

"Jace Carson!" tawag ko sa naliligaw kong kapatid, "Anong ginagawa mo dito?"


Agad na lumiwanag ang mukha ng kapatid ko nang makita niya ako.


"Ate!" sigaw niya sabay takbo saakin.


"Bat ka nandito?" tanong ko.


"Wala lang"


"Sinong naghatid sayo dito? Wag mo sabihing nag layas ka" ani ko.


"Ang oa mo, hindi ako nag layas noh, si mommy nag hatid saakin dito after namin nag dinner, sabi ko alam ko na yung unit niyo para di na siya mag abala pa na ihatid ako dito mismo, kaya ako naligaw" pagpaliwanag niya.


"Halika na nga sa loob, kanina ka pa ba naliligaw?" tanong ko habang papasok kami sa loob ng unit.



"Medyo"


"OMG Jace! You're here!" excited na sabi ni fia at inakap pa si jace, "Dito ka ba matutulog?"


Tumango si jace at nilapag ang kanyang gamit sa aking kwarto.


"OMG sleepover! ani ni fia.


"Pano yan a-attend kami ng party bukas whole day kaming wala, san ka niyan?" tanong ko kay jace.


"Sama ako!" ani ni jace.


"Hindi pwede bata doon" pag babalibag ko.


"Hindi naman na ako bata eh, i'm already a teenager" pag de-depensa niya.


"Hindi nga pwede shoti" I gave him a pout.


"Hmmmm, ah alam ko na! Iwan niyo nalang ako kay achi jam"



Parang mas maganda yata yon ah. Close na close kasi si jace kina fia at ate jam, kaya parang little brother narin ang turing nila kay jace. Pero kailangan ko munang siguraduhin na hindi busy si ate jam at baka maabala siya ni jace, kaya tinawagan ko siya.


[Hello? Bakit?] ani ni ate jam sa kabilang linya.


"San ka ngayon?" tanong ko.


[Nasa school pa bakit?]


"Busy ka bukas?"


[Hindi naman, bakit ba?] 


"Pwede ko bang iwan sayo si jace bukas? Andito kasi siya eh, kaso a-attend kami ng party bukas kaya wala siyang kasama okay lang ba?" pagpapaliwanag ko kay ate jam.


[Talaga? Anjan siya? Oo ba ! Okay na okay!] excited na sagot ni ate jam.


"Talaga? Sige sige, thank you, ingat ka pauwi" ani ko bago i-end ang tawag.


"Wag mo masyadong guluhin si ate jam ha" ani ko kay jace.


"Yey!" excited na sigaw ni jace.


Naglagay kaming tatlo ng face mask at nanood ng netflix bago kami natulog sa kwarto ni fia.


It was already the day of the party late kaming nagising kaya't nagmadali na kaming mag ayos, iniwan ko na rin si jace kay ate jam. Kailangan naming maging maaga dahil may appointment pa kami for hair and makeup sa Pink and Gold.



As soon as we arrived at the salon they started doing our hair and makeup. Nag pa manicure and pedicure nalang din kami.


It was already 1pm nang matapos and aming hair and makeup. Di pa kami nag lu-lunch kaya sa restaurant nalang kami ng hotel kakain.


The heartaches you causedWhere stories live. Discover now