Chapter 2: Looking Back

41 3 0
                                    

WHAT YOU HAD WILL NEVER CHANGE IN A SNAP

After 5 bottles I am already out of sight. Masyado na kong nahihilo para makababa ng maayos sa hagdan na inakyatan ko kanina lang.

Napadami ata yung inom ko.

Hindi ko na alam.

Kaya ko to. Makakakuha din ako ng taxi nito. I trust myself

5 minutes later..

Mayroon huminto na red na kotse sa harap ko, hindi ko na maaninag at medyo blurry na din ang paningin ko ngayon. Binuksan niya yung bintana ng sasakyan niya.

"Sumakay ka na Martina" sabi nung nasa driver's seat na lalaki.

Sino to?

Anong gusto nito?

Yuyuko sana ako para tignan ng klaro yung nasa harapan ng sasakyan, pero wala pa ko sa kalahati ng pagyuko ko, bumukas na agad yung driver's seat.

"Charles?" nagtataka na sabi ko.

Hinawakan ako ni Charles sa siko at binuksan niya yung pinto gamit yung kabilang kamay niya. Pinapapasok niya ko sa sasakyan niya. Gusto kong humindi, pero nanghihina ako. Masyado akong mahina para pumiglas sa hawak niya na hindi naman din mahigpit.

"Get in." matigas na sabi ni Charles

"Hindi pwede, I need to go home Charles."

"Then I'll take you home.."

"You don't even know where I fucking live Charles!" napataas yung boses ko, gusto ko na tumayo at lumayo sa pinto.

Hinawakan ko ang pinto at nag attempt na tatayo, pero sobrang sakit ng ulo ko, nasusuka ako. Ano ba yung nainom ko? Beer lang naman eh.

"Charles I need.."

Bago ko pa man matapos yung gusto kong sabihin kay Charles, nailabas ko na yung suka ko. Thankfully I didn't messed up with his car. As I clear out my stomach, my head is exploding! And I am really sleepy..

I strengthen up my head, open my eyes.. and to my surprise..

Yung suka ko nasa sapatos ni Charles.

Tinignan ko si Charles, pero di ko makita yung expression niya. Nakatingin lang siya sakin, wala siyang sinasabi. Ang blurry ng mukha niya, si Charles ba talaga to?

Bago pa ko makapagsalita, kinuha na ni Charles yung paa ko, pinasok niya yung kabuuan ng legs ko sa front seat. Wala na kong makita, antok na antok na ko.

"I'll take you home Mart" sinarado na ni Charles and pinto. Yun na yung huling narinig ko.


I woke up feeling dizzy, my head's gonna explode in a snap! Gusto ko ng malamig na tubig, hindi, mas okay ata yung Coke.

Anong oras na ba?

Hawak hawak ko ulo ko, onti ontin kong kinapa yung cellphone ko sa side table, wala akong makapa.. onti onti kong binuksan mata ko..

Shit!

Asan ako?

Hindi ko to kwarto!

Last thing I remember pastel pink ang bed sheets ko hindi all white.

Napatayo agad ako, napatingin sa ilalim ng bed sheets, nakadamit naman ako. Tumingin ako sa harap ko, may malaking TV, wala masyadong design tong kwarto na to, sa kaliwa ko meron isang malaking glass door, closet siguro yun. Binaling ko tingin ko sa kanan at nakita ko si Charles.

ClosureOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz