Chapter 5: Better Again

18 2 0
                                    

TO START OR CONTINUE?

Charles' been messaging me the whole time after that night we had dinner in my apartment. Mayroon din moments na nakikita ko sa labas ng bintana ko, naka-park yung kotse niya sa labas. Hindi siya lumalabas ng kotse niya, nakatanaw lang siya. Minsan pa pinapapasok ko siya pero ayaw niya pumasok.

There's this one morning I check my window and I was right, he was there.

Tinext ko kaagad siya..

Send to: Charles Flores

Goodmorning stalker, akyat ka, coffee tayo.

Kinawayan ko lang siya sa bintana at bumaba na. Tumatawag siya

"Martina, hindi na, you have work and I do too.. its okay" sabi niya over the phone, dahil ilang araw na siyang ganito, lagi lang nasa labas ng apartment ko, ang sabi ko lang sa kanya "I'll be waiting" at binaba ko na yung tawag niya.

I turn on the coffee machine, and toasted some bread.

Minutes after, nag-door bell na siya sa pinto ko. I came rushing from the kitchen to get the door for him.

"Goodmorning Mr. Stalker" bungad ko sa kanya

"Hoy di ako stalker ha, talagang ayoko lang istorbuhin ka sa umaga mo kasi alam ko ikaw Ms. Busy Bug" sagot niya sa akin habang pumapasok ng bahay ko.

Si Charles hindi na iba sakin, di lang dahil ex ko siya, pero I get to be his comfort friend before everything that happened to us. At sa nakikita ko naman wala naman masama kung every once in a while pumunta siya dito sa apartment ko.

Hindi ko naiisip na ibabalik namin yung dati kaming, ayoko nga sana eh. Wala sa plano ko yun. Pero kung anu man ang nangyayari samin ngayon ni Charles. Wala akong nakikitang masama dun.

"Kung stalker ako, di ako nagpapaabot sa dungaw mo bago ako umalis ng harapan niyo" dagdag niya habang sinasalin ang brewed coffee sa mga tasa.

"Whatever you say Charles" natatawa kong sinabi sa kanya.

"Sugar?" tanong niya sakin

"1 spoon please" sabi ko naman sa kanya.

Ganito siya tuwing binibisita ako dito sa apartment ko, and I let him be. Wala namang masama eh. I am not committed in any way, me and Paul are not official, I think he's not too.

I think..

Maybe..

Bibigyan niya ba ko ng ganitong oras kung mayrong iba? We never really talk about anything thats connected to that topic. Hindi ko alam kung wala lang gustong magsimula o pareho kaming ayaw naming pagusapan.

Gusto ko.

Pero ayoko sana ng gulo. Magulong usapan..

Friends is fine.

"You're not going to work Miss?" tanong ni Charles sakin.

Napansin niya siguro na di ako nagmamadali, anong oras na din at naka pajama pa ko under my bath robe.

"Wala akong work ngayon, naka leave ako this Friday and wala naman akong pasok tuwing weekends diba. Ikaw?" sagot ko kay Charles

"Actually papunta akong Batangas ngayon eh" tumingin lang sakin si Charles habang hinihigop ang brewed coffee niya.

"Hoy Batangas din punta ko ha"

Napapaisip ako na baka same place lang kami ng pupuntahan... pero bakit naman? Bakit naman kami magiging parehas ng lugar na pupuntahan? Sa laki ng Batangas..

ClosureWhere stories live. Discover now