Chapter 6: Realization

20 1 0
                                    

4 YEARS AGO...

"Babe gusto kong magsulat, naiimagine ko sarili ko na magkakaroon ako ng libro, tapos magkakaroon ako ng launching ng book ko" sabi ko kay Charles habang nakaupo kami sa usual Cafe namin, at ang taas nito ang kumpanyang gustong gusto kong pagtrabahuan.

"Baka naman mawala ka ng time niyan satin Mart. Anong time mo sakin if you'll push with it?" tanong sakin ni Charles.

Natigil ako sa pagfafantacize ng future writer self. Ito kasing si Charles, gusto niyang ipursue ko nalang yung management course ko. Palagi niyang sinasabi na makakatulong sa amin yun kapag pumunta na kaming Amerika at mas madaming opportunity for management career.

Eh hindi ko nga alam kung gusto ko bang sumama kay Charles paalis ng Pilipinas.

Decided na agad siya sa isasagot ko sa kanya, kaya hindi na siya nagtatanong. Alam niyang sasama ako sa kanya kaya hindi na siya naglalakas ng loob para hingin ang opinyo ko sa future na nakaplano na para sa aming dalawa, sa akin actually..

"Papaano naman ako mawawalan ng time Charles? Nasa iisang apartment naman tayo magkasama, and for sure sa bahay lang din naman ang work ko... being a writer is freelance"

"Charles naman..." 

Tinignan ako ni Charles. He hates this topic so much.. "Freelance huh?" pinagtaasan niya ko ng kilay..

"Ngayon pa nga lang sa blog site mo, its taking too much of your time.. kahit magkasama tayo you keep checking your phone for update." pagtitigil sakin ni Charles sa pagsasalita.

"Pero Charles, I know I can do it.." paulit ulit ko nalang tong sinasabi kay Charles, alam ko naman kasi na kaya ko eh.

"What's wrong in pursuing your management course? And eventually doing admin works to our building that will surely be yours in time?"

Di ko alam kung galit na ba si Charles. Pero lagi naman, tuwing gusto ko siyang kausapin, kahit casual talk lang, it will always turn into this.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi ako sure kung gusto kong magtrabaho sa pamilya niya. Gusto ko din sabihin kay mama at papa yun, pero wala akong boses para isatinig lahat yun sa kanila. Gusto kong sabihin kay Charles na management ang kinuha ko, but I had a change of heart. Hindi na ito ang gusto ko. Gusto ko na magsulat.

"Wala naman akong sinabi Charles..."

"Wala naman pala eh, then we're done talking"

"Charles..." gustong gusto kong pagusapan namin talaga pero tinignan niya lang ako. At alam ko na yun na yun, tapos na ang usapan namin doon.

"Saan mo gustong mag dinner babe?" casual question ni Charles after.

Tinitignan ko ngayon si Charles na nakikipaglaro sa mga pamangin, naiisip ko lahat ng mga nagyari sa amin, sobrang dami na din naming pinagsamahan nito. Pero hindi ko maiwasang isipin din lahat ng sakit na naramdam ko.

Sa totoo lang, mas naaalala ko pa nga yung mga times na di kami okay at nagaaway kami kaysa sa mga happy moments namin. Akala ko noon, di na talaga ako makakatayo from our relationship. Kailangan kong buhatin sarili ko, kasi ako lang to, walang ibang tutulong sakin.

Hindi masaya si Charles sa naging desisyon ko, pati na din ang pamilya ko. I have to start and go somewhere.

"Hey you okay?" pagbabalik ni Charles sa akin sa realidad.

Hindi ko napansin, kanina pa pala ako nakatulala.

"Yeah, may iniisip lang" sabi ko kay Charles habang kinukuha yung inaabot niyang juice sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ClosureWhere stories live. Discover now