Chapter 3

3.5K 122 2
                                    

Plan

"Akala ko ba bakasyon 'to ng mga Corrins, Pierre? E asan ang iba? Bakit ikaw lang? Nasan sila Park?"tanong ko ng nilingon ko siya. Nasa hotel suite si Estefan at ako naman sumama na ko kay Pierre sa swimming pool area. Mas kaya kong makasama si Pierre kaysa kay Estefan. Hindi ko kayang tagalan ang hangin ni Estefan dahil baka tuluyan na talaga akong tangayin ng kayabangan niya.

"Ang dami mong tanong. Ako ang nandito pero si Park pa din ang hinahanap mo. Talagang hinahanap mo siya saakin mismo? Wala ka 'man lang bang konsiderasyon? Nagsama ka na nga ng asungot naghahanap ka pa ng iba. Anong gusto mo lahat ng lalaki sayo!?"

"Wow! Galit na galit?"biro ko sakanya akala ko gaganti din siya saakin at aasarin ako pero mas lalo lang nagsalubong ang makapal niyang kilay habang diretso ang tingin saakin."Ang sungit mo ngayon ah. Anong meron?"I grinned at him.

Paisnob niya kong iniwasan ng tingin at sinimangutan."Wala ka na doon!"pagkatapos tumayo siya at akmang aalis ng pigilan ko.

"Teka! Binibiro ka lang. Ang bilis mo namang mapikon ngayon."pagkatapos sinundan ko iyon ng halakhak.

"Hindi sa lahat ng oras, Rain, puro biro lang ang alam ko."he shook his head. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya."Alis na ko. Nandiyan na ang payatot mong prinsepe. Iwan ko na kayo nakakahiya baka third wheel pa ko sainyo."

Nawala ang multo ng ngiti sa labi ko lalo na at nang sundan ko ng tingin ang papaalis na si Pierre ay sakto namang sumulpot sa harap ko si Estefan na nakapagpalit na ng damit.

Ilang saglit pa may dumating na mga waiter.

Inayos nila ang table na inuukupa namin kaya akala ko may ibang taong nagpareserve nito at akmang aalis na sa table ng magsalita ang waiter na nakapansin ata ng kilos ko.

"It's okay, ma'am. We're just arranging the table for the two of you. Utos po ito ni Mr. Corrins."he smiled politely.

Si Pierre?

"O-Ok."sagot ko dito na medyo tulala pa.

Nilapag niya ang isang bulaklak sa gitna na nakalagay sa glass vase, roses iyon. That is my favorite flower. Hindi ko alam kung alam ni Pierre o kung nagkataon lang...a soft thing touches my heart as I watch the waiters putting down all the main dishes lahat iyon paborito ko. Sa Hyrsos hindi ko puwede kainin ang lahat ng gusto ko. Kailangan ko magdiet at balansehin ang lahat ng kakainin ko isa iyon sa mga ayoko bilang prinsesa.

Pinahanda ito lahat ni Pierre? Pero bakit?

"Is he crazy? You can't eat all of this."naiiling na komento ni Estefan habang nakatingin sa mga pagkain.

"Ah, Estefan, excuse me. You can eat first. I forgot something."paalam ko dito at umalis na agad.

Naglalakad ako sa resort at hinahanap si Pierre nang tumunog ang cellphone ko. Si Ashen ang tumatawag.

"Hello, Ashen?"

"Hi, Rain! Kasama mo ba ngayon si Pierre? Kamusta lunch niyo? Secret lang natin 'to ah. Si Pierre ang nagplano ng trip na 'yan. Gusto niya kasing icelebrate ang birthday mo kahit late na dito sa pilipinas. Actually kasama talaga dapat kami diyan pero sinabihan ko ang iba na huwag nang sumama sainyo at para masolo niyo naman ang isa't isa. Alam mo na...para magkakilala kayo ng ungas kong pinsan."he said, chuckling.

"Ah...may kaunting problema."nakangiwing sabi ko pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Ashen. Parang naguilty tuloy ako."Estefan is here too. At nag walk out bigla si Pierre mukhang badtrip."I pouted, looking so guilty. Siguro natapakan ko ang pride ni Pierre. Siya ang nagplano ng lahat ng 'to pero iba ang kasama ko ngayon. Kaya siguro kanina pa ito walang imik sa biyahe at nang tanungin ko siya kanina kung nasan ang iba ay mas lalo lang siyang nabadtrip saakin.

Lumakas ang halakhak ni Ashen sa kabilang linya."I see. Nakita mo na ba siya?"

Umiling ako."Hindi pa."

"Subukan mo sa bar sa resort."

"Bukas na ba iyon? Tanghaling-tapat?"

"See for yourself, Rain. I have to go. Enjoy!"then he ended the call.

Nagtanong ako sa waiter na dumaan kung saan ang bar ng resort at nagpresinta naman itong samahan ako doon.

"Thank you."I said to the waiter as soon as we reach the bar. Tumango ito saakin at umalis na.

Nasa counter si Pierre at napapalibutan ng mga babae, may mga iilan ding lalaki at mukhang nagkakasiyahan sila doon. Nag-aalangan tuloy akong lumapit. Hindi ako makakasabay sakanila.

Paalis na sana ako nang may babaeng nagsalita.

"THERE SHE IS!"hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito at hindi na din akong nag-abalang lumingon pero nagulat ako ng may umakbay saakin at dumungaw sa gilid ko ang mukha ng may-ari ng brasong nakaakbay saakin.

"Why are you here?"tanong niya. Nakangiti siya. Light na ang mood nito ngayon kumpara kanina.

"Ang ganda-ganda naman pala! Kaya naman pala! Paupuin mo muna dito, Pierre!"

"Hind na."umiling si Pierre sa mga kaibigan."May kasama 'to. Prinsepe pa!"he chuckled.

"Prinsepe? Prinsepe lang pala e. Hari ang mga Corrins walang panama iyon sayo!"tawa ng isa kaya naman nagtawanan na din ang lahat.

Nakangising umiling si Pierre sa mga kaibigan bago muling ibinaling ang atensyon saakin.

"Bakit andito ka? Nagpahanda ako ng pagkain para sayo. Kinain mo ba?"he asked.

Napanguso ako."Sorry."

Natigilan naman siya.

"Sorry. Hindi ko naman alam na may plano ka pala na icelebrate ang birthday ko. Akala ko kasi simpleng bakasyon lang ito."'napapangusong paliwanag ko.

He smiled...softly. Hinaplos niya ang pisngi ko at nagtagal ang tingin doon.

"Don't be sorry, Rain. Kasalanan ko naman. Hindi ko sinabi. Sosopresahin sana kita."he laughed awkwardly."Kaso may prinsepe kang kasama at...bagay kayo."

"Pierre..."I sighed.

"Bumalik ka na doon."marahang pagpapaalis niya saakin."Dito lang ako. If you ever need me andito lang ako nagpapakalasing."

"Pierre!"tawag ko ng tinalikuran na niya ko. Huminto siya.

"I want to go home."kagat-kagat ko ang labi ko."I don't want here. Umuwi na tayo."

Nilingon niya ko.

Tinakbo ko ang pagitan namin nang may marinig akong may kung anong nabasag sa kung saan. Takot akong yumakap sakanya.

"I want to go home."mas humigpit ang pagkakayakap ko sakanya habang nakapikit ang mga mata.

"Sorry, Sir. Natabig kasi ng isang customer ang mga baso at alak sa isang table."I heard a man's voice.

Naramdaman kong gumalaw si Pierre pero hindi ito nagsalita.

"Alam ba nila?"marahang tanong niya. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata."H-Hindi."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Because grandpa won't let me come back here if I told him."parang batang sumbong ko sakanya.

"Don't cry. Hanggang nandito ako hindi ko hahayaang masaktan ka."he said firmly."We are going home."

I kept this with me for years. This is the fear that keep haunting me after my parents died. I am afraid of going on a vacation trip. Hindi ko alam kung bakit. Pero nagsimula iyon nang mamatay sila papa.

I started to get paranoid pag nasa isang  vacation trip kami. Kung ano-anong naiisip ko. I was so scared. Pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko may gagawin saaking masama.

Sa biyahe nasa tabi lang ako ni Pierre nakayakap ako sa braso niya. May ibang nagdrive ng sasakyan ni Pierre.

"I'm sorry I ruined your plan."I sighed. Bagsak ang balikat.

"Not really."he shook his head."Iba lang sa kinalabasan ng plano ko pero hindi naman nasira."he grinned.

Stuck with the Cupid's Arrow Where stories live. Discover now