1

9K 587 311
                                    

Ville Jet Abellar

Sabi nila school is our second home daw. Pero para sa akin? School is a market. Bentang-benta ka dito kapag may utak ka. Basta marunong ka lang i-market ang talino at sipag mo, mapupuno kaagad ang bulsa mo.

Hindi ka lang dapat marunong magbenta. Dapat marunong ka ring mag-presyo ng serbisyo. Tunog bayaran ba? Well, dati ko din namang pinangarap maging katulad ng nanay kong lumalambitin sa pole habang sinasabuyan ng pera ng mga kalalakihan.

"Hoy, hoy, teka. Saan ka pupunta? Kulang 'tong bayad mo ng isang daan." Ang pagtawag ko sa isang estudyanteng akmang tatakas na sana.

"Dude, that's 2k! What do you mean kulang?"

Tingnan niyo 'tong conyito na 'to. What do you mean kulang? Nyenyenye. Arte-arte. Kung di ko lang to suki baka matagal ko na tong pinatulan.

"Hoy, Martin. Wag mo kong inaartehan. Alam kong alam mo kung anong kulang. May pinadagdag kang kaklase mo, andami kong kinailangang baguhin diyan." Ang nakapameywang kong sagot dito. "Bilis na! May klase pa ako."

Inis itong napakamot sa noo saka kumuha ng pera sa pitaka niya. Napasipol pa ako nang makita ang limpak-limpak na salapi sa kanyang pitaka. Shit! Walang one hundred. Secure na ang 1k!

Nakangiti kong inilahad ang akinh kamay sa kanyang harapan at pasensyosong hinintay na ilapag niya doon ang pera. Pero walang 1k ang lumapag sa palad ko. Tiningnan niya muna ako ng masama bago itinapon sa sahig ang isang libo.

"Pulubi!"

"Che! Bahala ng pulubi basta hindi bobo kagaya mo!"

Sinamaan ko siya ng tingin bago pinulot ang isang libo sa sahig. Muntikan pang lumipad itong baby ko. Nakaka-badtrip.

Hindi naman bago sa akin ang ganito. Sanay na akong tinatawag ako ng kung anu-ano ng mga suki ko. Parte na rin ata yon serbisyo ko. Gold-digger, money hungry, money grubber, pulubi, bayaran at kung anu-ano pang salitang nakakababa ng moral.

Noong una aminado akong nasasaktan ako. Pero kalaunan ay natuto rin akong lunukin ang pride ko. Kahit tinatawag nila ako ng kung anu-ano babalik at babalik pa rin sila sa akin para magpatulong. Saka nababawasan ang sama ng loob ko kapag inaabot—tinatapon na nila sa akin ang pera.

Habang naglalakad ako sa field papunta sa building ko hindi ko maiwasang mapansin ang kumpol ng mga estudyante sa gitna. Pati iyong mga estudyante sa mga building dumudungaw rin para makita kung nangyayari sa ibaba.

Naglakad ako papalapit doon pero hindi ko makita ng maayos kasi sobrang raming estudyante. Parang higante pa ang mga 'to sa taas. Kahit tumalon-talon ako wala akong makita. Nagsimula na namang magsigawan ang lahat kaya mas lalong nadagdagan ang kuryusidad ko.

Mabuti na lang at maliit akong tao. Sumuot ako sa maliliit na espasyo ng mga estudyante hanggang mapunta ako sa harapan. Pero agad ko rin iyong pinagsisihan nang makita ko kung anong mangyayari. Akala ko pa naman, may suntukang nangyayari.

May nagpro-propose lang pala.

"Ambaduy," ang komento ko habang nakita ang isang pamilyar na lalaking naglalakad patungo sa isang magandang babae.

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon