Kabanata 11

2.9K 175 6
                                    

Kabanata 11:
Fire

"WHAT!?"

After the incident, isa sa mga maid na nandoon sa insidenteng yun ay inutusan ng prinsipe na ipaalam ang nangyari sa emperador. Ngayon ay nasabi na, ganun na lang ang gulat ni emperador Thaddeus ng matanggap nito ang balita.

"Where is she? Is she okay?" Pag-aalala na tanong ng emperador sa utusan.

"Oho, emperador. Maayos na po ang lagay ni Lady Ezeli, pero nahimatay rin ito kaya hanggang ngayon ay nasa guest room pa rin at nagpapahinga pa," Sagot ng utusan kaya medyo napahinga ng maluwag ang emperador.

What happened to the prince's butler? He thought. Hindi niya inasahang magagawa iyon ng kaisa-isang butler ng prinsipe. He was known as a calm butler of his Highness but now...

"Where is my son?" Tanong na naman ng emperador.

He have to talk to his son regarding the incident or else, a royal scandal would spread and that will affect the Empire, especially the marriage of the prince and the choosen consort.

"Pinuntahan po ng prinsipe ang butler na si Dussle, emperador. Kasalukuyang naka-kulong si Sir Dussle sa piitan."

What?

"Really?" Pagsigurado ng emperor at tumango lang ang utusan.

Emperor Thaddeus leaned on his seat as he didn't expect that from the prince. Ever since the day the prince was born, Dussle, the only mage that the Royal Family ever trusted, was the only man who stayed by his Highness side. The reason he became the butler of Prince Zeno.

Tumayo si Emperor Thaddeus upang puntahan ang anak nito ngunit bago pa siya makalakad ay biglang sumakit ang kanyang tiyan. An excruciating pain spread from his abdomen.

"Ack...!"

Nagulat ang maid at ang knight na kasalukuyang nasa loob ng opisina ng emperador. Agad na lumapit ang knight kay emperor Thaddeus at inalalayan ito.

"Emperador? Maayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng knight.

"Umaatake na naman ba ang iyong sakit, Emperador? Tatawag na ba ako ng doktor?" Tanong ng utusan na medyo nabahala rin sa sitwasyon ni Thaddeus.

Kahit na nasasaktan ang emperador dahil sa sakit, itinaas pa rin niya ang kanyang kamay upang pigilan ang utusan. Nasanay na siya sa sakit at tanggap na niya ang kanyang kapalaran kaya di na niya kailangan ng doktor.

We have to move fast! He thought. Napasigaw na naman sa sakit ang emperador kaya nataranta na utusan at ang knight.

"Mahal na emperador, kailangan niyo na pong magpagamot," sabi nito na parang hindi na alam anong gagawin.

Umiling lang si Emperador Thaddeus habang nakangiti. Kitang-kita rito sa mata na talagang napapagod ito at nasasaktan.

"Hindi na kailangan. Pupuntahan ko muna ang prinsipe," sabi ng emperador at dahan-dahang lumakad.

Nabahala naman ang maid at ang knight ngunit wala silang magawa. Sanay na rin sila na ganun ang nakikita habang binabantayan ang emperador. Ngunit, habang tumatagal ay mas lumalala ang sakit nito sa tiyan at halos araw-araw umaatake.

The True HeroineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon