Chapter 11 Flirty

670 25 0
                                    

Andrea

Andito na kami sa sasakyan at may problema akong kinakaharap ngayun..

Napalingon ako sa katabi ko na subrang tulog na tulog..

Papano ko ito iuuwi hindi ko alam san ito nakatira!!!

"Lusian.." gising ko sa kanya ulit naka ilang beses ko na siyang ginigising pero ayaw nya na gumising pa..

Ah tama tawagan ko nalang yung pinsan nya! Hinanap ko sa bulsa nya yung Cellphone nya at agad ko itong ini-on at ng maon ay password...

Hindi isang finger print kundi password mismo!!! Ahg sinubukan ko tingnan yung emergency information baka sakaling may contact ito doon pero wala...

Ano kaya ang password?!!!

Anong gagawin ko... Ibinalik ko nalang yung phone nya sa bulsa at saka i-try na gisingin ulit ito..

"Lusian" sabi ko dito at niyuyugyog ito.

"Lu.." sabi ko na parang nag mamakaawa na sa kanya na magising ito!

Mukhang na gising din at minulat yung mata nya confused na tumingin sakin.

"Ano ang address ng bahay nyo?" Sabi ko dito..

"Bahay ko..." confused nyang sabi sakin at agad ako tumango baka makatulog nanaman ito!!

Buti nalang at sinabi nya ito bago ulit naka tulog.

Napatingin naman ako dito dahil... Ang lapit lang pala ng bahay ko sa bahay nila?!

Fvck bakit di ko man lang ito napansin?! Parang dalawang st. Lang yung pagitan namin..

Ahg! Nagdrived nalang ako papunta sa bahay nila..
.
.
.

Mga ilang oras din yung byahe namin dahil na traffic pa kami bago kami makarating sa kanila..

Lumabas na ako ng sasakyan at binuksan ang pinto kong nasan siya at saka ko siya ginising..

"Wake up sleepy head.." bulong ko sa kanya..

Agad naman ito na gising at confused na tumingin sakin at ngumiti ito..

"Hmm bakit ba ang ganda mo..." Sabi nito agad naman ako namula sa sinabi nya..

"Ikaw kaya yung maganda dyan" sabi ko dito at inaalalayan siya lumabas at saka sya umakbay sakin at hiniwakan ang kanyang waist para maalalayan ko siya.

" Heheh" tawa nya habang pagiwang giwang kami papalapit sa gate nila.

"Hindi kana talaga kita pa iinumin.." bulong ko dito kaasar kasi ito! Ang cute cute eh!!

Nag doorbell na ako baka ano pa magawa ko dito!!!

Ding Donnnng!!

"Sandali lang" rinig kong sigaw ng isang lalaki baka guard nila.

"Ah sino po kayo" sabi nito ng binuksan nya ang gate.

"Hi manong! Pumupugi kayo ah!" Si lusian na ngayun ay hawak hawak yung pisngi ni manong guard!

Agad ko itong hinila!! Fvck!! Anyare dito?!

"Hala ka!!" Gulat na sabi ni manong at umatras ito papalayo?

"M-ma'am BRIAAANNNNA!" At nag sisigaw ito na tumakbo papunta sa loob ng bahay??

Ha??? Bakit takot na takot yung guard!

"Ay ano bayan iniwan ako..hmm??" Sabi nitong lasing na ito at tumingin sakin at ngumiti ng pilya..

"Wha-what?" Sabi ko dito dahil kinakabahan ako bigla sa ngiti nyang yun..

"Your so beautiful..ive been looking for you so many many many days" sabi nya habang hinawakan yung mukha ko..

".." ako na hindi makapagsalita

"Hmm  beauty would you like to come home with me at tulungan akong bumuo ng baby.." mapang akit nyang sabi sa akin.

".."

Nakanganga akong naka titig sa kanya at subrang init ng mukha ko kulang nalang ay umusok ito!!!!

Napahigpit ako ng hawak sa waist nya!!!! Fvck!!! Pigilan mo ang sarili mo Lei!!!

"Lu-lu.." dinig kong may tumawag kay lusian parehas kaming napa lingon kung sino! Baka na rinig ang sinabi nitong babaeng ito nakakahiya!!!

"Oh another beauty.." sabi nito at aakma sana lalapit dito pero agad ko itong hinawakan ng mahigpit sa beywang nya..

Confused siyang tumingin sakin tapos tumingin kay Brianna papalit palit siya ng tingin "hmm Which one of you ang pwedi ko dalhin sa kwarto?" Sabi nito naparang nag iisip pa!!!

"Ahhhh Lusian!!!! Lagot sakin bukas!!" Sigaw ni Brianna sa kanya at tinulungan nya ako na ipasok ang isang tuh sa loob.

"What.. gusto nyo na dalawa kayo.." sabi pa nito!

Hindi nalang kami nag salita ni Brianna

Madami pa itong sinasabing nakakahiya bago namin siya mailagay sa higaan nya at naka tulog agad ito. Agad din siyang inasikaso ng dalawang katulong gusto ko sana tumulong kasi ako rin yung may dahilan kung bakit siya lasing kaya lang ay hinila na ako ni Brianna paalis ng kwarto nya.

Ngayun ay andito kami sa sala nila at naka upo na.

"Nag inuman ba kayo?!" Inis na tumingin sakin si Brianna agad akong umiling.

"Wine lang yung na inum nya hindi ko alam ganito ang effect sa kanya.." sabi ko at agad na mula ng maalala yung mga pinag sasabi nitong si Lusian!!

napahawak sa sintido si Brianna "wag mo siya papainumin sa susunod ng kahit anong may alcohol content kung ayaw mo makagawa yan ng kung ano" sabi nito sakin na agad kung pinangsang ayunan!

"Sige uuwi na ako.." pag papaalam ko dito.

"Ah wait.." sabi nito.

"May gusto ka ba kay Lulu?" Biglang tanong nito sakin agad namang na mula mukha ko at tumango ako.

Napa smirk ito "good may balak ka ligawan siya?" Sabi nito sakin at tumango ulit ako..

"Hmm.." siya na nag iisip at pinaningkitan ako.

"Ba-bakit?" Sabi ko dito baka ayaw ata ako nito sa pinsan nya..

"Seryoso ka ba sa kanya?"

"Yes seryoso ako sa kanya!" Sabi ko dito.

Pero tumaas lang yung isang kilay nito at tiningnan ako na parang hindi siya na niniwala.

"Mahal ko siya matagal na Brianna una ko palang siyang makita ay alam ko na sya yung taong gusto ko makasama! Kahit na sabihin pa nyo na ang bata pa namin para sabihin ko ito! Pero yun ang nararamdaman ko para sa kanya!" seryosong sabi ko dito.

Natawa naman ito bigla "sorry di ko mapigilan eh kasi natutuwa lang ako na may nag kagusto sa pinsan ko ng subra" sabi nya habang naka ngiti ito.

Namula naman ako sa hiya!! Kainis! Pinaamin lang pala ako nito!!

"Si-sige mauna na ako" sabi ko dito at nag mamadaling umalis!

Kakahiya pero gumaan yung pakiramdam ko ng masabi ko iyun sa pinsan nya..

Haaaay ikaw nalang yung hindi ko pa nasasabihan ng nararamdaman ko para sayo Lusian..

Secretly In Love (GirlXGirl)Where stories live. Discover now