Chapter 24 Bad day

377 10 0
                                    

Andrea

"Okay lang yan Next time galingan nalang natin!"

Sabi ng Captain namin ngayun ay subrang lungkot namin gawa ng natalo kami sa laro haay ang sama ng araw namin ngayun..

Andito kami ngayun sa locker room ang bigat ng atmosphere dito.

Tumayo nalang ako saka na naligo at nagbihis nakita ko yung oras mukhang mag tatanghali na.

Binisa ko yung text ni Lusian ang sabi lang ay nasa byahe na sila papuntang school.

Mukhang kanina pa itong umaga ah.

"Oi liit antayin mo ako sabay na tayo pumunta sa bus!" Sigaw ni Faith sakin.

Umirap lang ako dito dahil tinawag nanaman akong liit!

Pero inantay ko parin ito sa labas ng locker room kinuha ko yung phone at tinawagan si Lusian baka nag Lalunch na ngayun yun!

Nakailang tawag na ako pero cannot be reach lagi yung sinasabi parang kinabahan naman ako bigla.

Hindi naman yun ganito palagi itong nag sasabi sakin kapag nalolowbat siya or kapag nasa room siya..

"Hey Liit anong problema at hindi ka makapakali" untag sakin ni Faith na nasa tabi ko na.

"Hindi ko kasi ma-contact si Lusian Feeling ko parang may ng yari!" Sabi ko na subrang lakas ng kabog ng Dibdib ko.

"Wag ka ngang O.A hindi mo lang ma-contact eh may ng yari agad tara na nga sa Bus!" Sabi nya at saka ako hinila papunta doon.

Buong byahe namin ay hindi ko parin ma-contact sya maslalo ako nag papanic na.

Pagkadating namin sa school ay nag paalam agad ako sa kasama ko at sa kay coach. Nag mamadali akong pumunta sa room ni Lusian.

May klase na ito kaya hindi ako pumasok sinilip ko sa bintana kong andun ba siya sa lagi nyang pwesto pero wala siya doon maslalo akong nag aalala.

Asan nayun ang sabi nya sa huling text nya sa akin nasa byahe na sila ni Brianna.

Wag mong sabihing..
Naah wag naman sana..

Paikot ikot ako dito sa tapat ng room nya habang nag iisip kong saan siya pumunta baka hindi lang ito pumasok sa susunod na subject nya.

"Bes bakit ka nandito?" Agad ako napatingin kay kyla mukhang tapos na yung klase nila

"Kyla pumasok ba si Lusian?" Tanong ko dito agad.

"Ha? Hindi nga eh" sabi nya maslalo nanaman akong kinakabahan!

"Bakit may problema ba?" Pag alalang tanong nya sa akin.

"Hindi ko siya ma-contact ang huling text nya sakin ay bumabyahe na sila ni Brianna papunta dito.." kabadong sabi ko kay kyla.

"Wag ka mag alala antayin mo nalang tawag nya mamaya" sabi nya sakin.

Tumango nalang ako at saka na nag paalam na ako agad sa kanya uuwi na lang ako at antayin yung tawag or text ni Lusian.
.
.
.

Nasa bahay na ako at magagabi na wala parin akong balita kay Lusian asan na siya bakit hindi ito nag tetext man lang sa akin!

Hindi ko na talaga matiis at bumaba na ako nag paalam ako kay andrew na lalabas lang saglit.

Agad akong nag lakad papuntang kina Lusian kanina ko pa talaga siya inaantay ang sabi nya ipapakilala nya ako pero bakit hindi siya nag text or tumawag sakin! Para talagang bigla itong nawala na parang bula!

Nasa malapit na ako kina Lusian ng tumunog yung phone ko.

Nakita ko na Unknown number pero pakiramdam ko ay parang importante ito agad ko itong sinagot.

"Hello sino ito?"

"Si Alexa ito pumunta ka dito sa XXXX hospital! Ngayun na!" Sabi nya at agad ibinaba yung tawag.

Napako ako sa kinakatayuan ko wag naman sana yung iniisip ko wala naman sanang ng yari kay Lusian!

Agad akong tumakbo papuntang highway at pumara ng Taxi.

Please Lord wag sanang may mangyari kay Lusian!

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon