Chapter 30 Hailey Ford

343 9 0
                                    

Andrea

"Totoo ba yang sinabi mo?!" Gulat na sabi ni Kyla sa kabilang linya

"Oo nga! Ayaw mo pa maniwala" inis kong sabi dito.

"Ang kapal naman ng mukha nya mag pakita sayo!"

"Pero bes hindi ko alam ano sasabihin ko kay Lusian at mukhang nag tatampo ito sa akin at hindi umiimik kanina ng pauwi kami" kamot ulo nalang ako dahil hindi ko alam papano ko sasabihin sa kanya tungkol sa kay Hailey..

"San ba kayo pumunta?" Tanong nya sakin na parang imbestigador.

Ewan ko ba dito palagi na itong nag tatanong sa relasyon namin ni Lusian at sinabi nya laging wag ko daw papaiyakin ito parang baliw mas bestfriend nya ata si Lusian kay sa saakin!

"Pumunta kami sa Cemetery para dalawin yung Mama nya" sabi ko dito

"Ano?!" Gulat na sabi nya ay oo nga pala hindi ko nasabi dito tungkol sa ng yari kay Lusian.

"Ah bes sorry may gagawin lang muna ako! Usap nalang tayo bukas sa school bye!" Sabi nito naparang madaling madali siya at garalgal pa yung boses nito na para bang naiiyak.

Kamot ulo nalang akong nakatitig sa Cellphone ko ano kaya yun at ganun nalang reaksyon nya..

Baka may gagawin lang talaga ito.

Humiga nalang ako sa kama at tenext yung mahal ko.

Me: Babe tampo ka parin ba sa akin?

Ilang minuto pa ay sumagot lang ito ng hindi at matutulog na daw siya..

Mukhang nag tatampo parin siya.

Sinubukan ko syang tawagan pero hindi ito sinasagot kaya naman ay nag text nalang ako na bukas ko nalang sabihin sa kanya kung sino yung babae kanina..

.
.
.

Kinabukasan ay agad akong nag madaling pumunta sa kanila para sunduin siya.

Nakita ko nag aabang na ito sa gate nila.

Pumasok lang ito ng tahimik sa loob at hindi nag sasalita ang lamig din ng aura nya..

Haay minsan naiisip ko na wag na i on yung aircon ng sasakyan dahil sa pagiging malamig nya makakatipid siguro ako..

Anyway kailangan ko pa suyuin itong nakanguso kong girlfriend.

"Good morning babe!" Sabi ko dito at saka hinalikan yung pisngi nya.

Tumingin lang ito saka nag pout at ibinaling yung mukha nya sa labas.

"Lu..kausapin mo naman ako.." sabi ko na hindi maiwasan na magtampo na din..

"Morning din.." mahina nyang sabi at lumingon ito sa akin na kanguso padin agad ko naman hiniwakan yung kamay nya at hinila siya papalapit sa akin.

"I love you.."sabay halik sa kanyang labi

Tumingin mo na ito sakin bago ko nakita yung sumisilay na ngiti niya..

"Sasabihin ko sayo mamaya okay? Wag na mag tampo please?" Sabi ko dito.

"En.." sabi nya at saka mahigpit na hinawakan yung kamay ko.

Pinaandar ko na ang sasakyan baka malate pa kami.
.
.
.

Pagkadating namin ay agad nya akong inihatid sa room.

"Wait kita mamaya sa garden may dala ako lunch natin" sabi nya sakin mukhang gusto nya talaga malaman kung sino yun.

Tumango lang ako saka nya ako hinalikan sa pisngi at umalis na.

Narinig ko may nag bubulungan pero hindi ko sila pinansin.

Ngiting ngiti lang ako ng pumasok ako sa room.

"Kita ko yun ah ang sweet talaga ni Lusian!" Sabi nitong bakulaw na si Faith.

Umirap lang ako dito saka na naupo.

Mga ilang minuto pa ay pumasok na yung prof namin at napansin ko na may nakasunod sa kanya.

Agad na kumunot yung noo ko sa nakita ko kung sino..

"Okay Class ipakikilala ko sa inyo bagong kaklase nyo si Hailey Ford.." sabi ni Prof saka nya itinuro yung upuan na nasa tabi ni Faith.

Pumunta ito at napansin nya agad ako.

"Mukhang destiny na ang nag tagpo sa atin dito.." masayang sabi nya sakin na agad naman tumingin si Faith sa kanya at saakin.

Hindi ko sya pinansin at itinuon ko lang attention ko sa harap.

"Pwede ba ako na dyan?" Rinig kong sabi nito kay Faith.

"Dito ka lang Faith wag ka makipagpalitan dyan!" Inis kong sabi ng makita ko na tatayo si Faith.

Agad naman itong bumalik sa upuan at nakita ko sa mata nya na parang gusto nya mag tanong kung sino ito at kilala ko.

"Kung hindi ka aalis dyan baka bukas ay mapapaalis kana dito sa school alam mo bang isa sa mga shareholder ang Daddy ko dito?" pag babanta nyang sabi kay Faith.

Kaya wala na itong nagawa kundi humingi nalang ng tawad si Faith sakin saka na lumipat ng upuan.

Nanggigigil akong tumingin dito sa subrang inis.

Nag smirk lang ito "what?" Sabi nya saka inilapit yung mukha nya sakin "na miss kita baby.." malandi nyang sabi sakin.

Umiwas nalang akong tingin at hindi na nag salita pa kahit kailan talaga hindi parin nag babago ang pagiging Brat nito..

Ano ba nakain ko noon at pumatol ako sa babaeng ito!

"Galit ka pa rin ba sakin?" Malambing nasabi nito at saka lumingkis yung kamay nya sa braso ko.

Agad ko naman itong inaalis pero ang higpit ng hawak nya.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" Bulong ko sa kanya baka mamaya ay makita pa kami ng Prof at pagalitan.

"Ayuko nga na miss kaya kita!" Sabi nito

"Isa! Bitaw nga sabi!" Hindi ko namalayan na tumaas na pala yung boses ko. At nakita ko na ang sama ng tingin sakin ni Prof

"Miss Valderama! Get out!" Galit na sabi ni sir sa akin.

"Subukan mo palabasin siya tingnan lang natin kong makakapag turo ka pa ba dito sa school na tuh!" Sabi naman nitong brat na ito na agad ko siya tiningnan ng masama.

"Pwede ba Hailey! Tumigil ka na!" Galit na sabi ko dito at saka malakas na inalis yung kamay nya sa braso ko at lumabas nalang ng room.

"Wait Andrea!" Sigaw nya at hinabol parin ako.

"Ano ba kailangan mo sakin ha?! Tigilan mo na nga ako! Matagal na tayong wala!" Galit na sabi ko dito saka ulit nag lakad.

"Baby alam ko na galit ka lang babalik tayo sa dati! Please mag usap tayo!"

"Ano pa pag uusapan natin Hailey.. niloko mo ako at nag mukha pa akong tanga sa loob na 3 years pinag sabay mo kami ng Bestfriend mo!"galit na sabi ko dito ang kapal ng mukha nya magpakita sakin na parang wala lang!

"Isa pa may iba na akong mahal please lang tumigil ka nalang okay?" Saka na ako umalis at iniwan siya.

"Balang araw babalik karin sakin!" Sigaw nya napahinto naman ako lumingun sa kanya.

"Hinding hindi na ako babalik sayo dahil may iba na akong mahal at alam kong hindi siya kagaya sayo na manloloko!" Inis kong sabi sa kanya at tuluyan ng umalis nakakainis nasira pa araw ko dito..

Secretly In Love (GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon