Chapter 2.

4 2 0
                                    


Chapter 2

"Dan, are you ready? Let's go na", tawag sakin ni Tan while making habilin kay Jarrel.

He's wearing light blue polo shirt and cargo shorts with matching his favorite DR10 shoes.

"We'll be back maybe for a couple of days, aayusin lang yung sa kasal ni cousin Terry", I said to Jarrel. Nagtampo tampuhan si Jarrel at tinalikuran ako.

"Naku, narinig ko na yan, before going sa NY sabi mo saglit lang kayo at babalik din kayo agad, pero sobrang tagal nyo, tapos ano, taon nanaman bago ka bumalik--", hindi ko na narinig kung ano pang sinabi ni Jarrel dahil hinila na ako ni Tan paalis.

"Haha, ang bad mo, nagsasalita pa si Ja", biro ko kay Tan nang makasakay kami sa kotse.

"Bukas ka pa matatapos sa pakikinig sakanya kapag 'di mo siya nilayasan agad", natawa naman siya.

"Naku, ano kaya sasabihin ng mga taong tumitingala kay Mister Constantine Tayamora kapag nalaman nilang masama ugali mo", biniro ko siya at natawa naman siya.

After an hour and a half nakarating kami sa restaurant ng pinsan ni Tan na si Tammy, it's Terry's sister.

"Oh my God, Tanny, it's been ages since we last saw each other", bati ni Tammy kay Tan. She's still that joyful, yung awra niya na nakakahawa dahil lagi siyang nakangiti.

"Don't be ridiculous, Tammy, we just met sa NY nung fashion week at pinilit mo kaming pumunta right?", natawa si Tammy and he hugged her back.

"And you! My sis Danice. Buti at napag tiya-tiyagaan mo itong pinsan kong pa-cute", inakbayan niya ako.

"Alam mo naman, business matters nalang minsan kaya pinagtiya-tiyagaan ko yan", kunwaring pabulong na biro ko sakanya. Natawa naman kaming tatlo. At naglakad papunta sa VIP room.

The room has a very pleasant vibe, you won't feel like you're eating in a restaurant, instead it feels homelike.

"Danice, 'di ba talaga kayo mag jowa ni Tan?" nagkatinginan kami ni Tan, "sabi ni Aunt Merylyn, okay lang naman daw sakanya na ikaw ang makatuluyan ni Tan, you're a woman with good character, also a successful in her own field, ayaw niyo talaga?" naisip ko na binibiro lang kami ni Tammy.

"Tammy, kung anu-ano ang sinasabi mo diyan, hindi kami mag jowa, we are good close friends, sumbong kita kay Mom na chinichismis mo siya", natatawang biro ni Tan.

"Ikaw ba, Tammy, wala kang boyfriend?" tanong ko sakanya.

"Boyfriends you mean", she answered. Nagkatawanan naman kami sa sagot niya.

"Lalakero ka padin hanggang ngayon, Crisanta Marie", piningot ni Tan si Tammy.

"Joke lang okay, masyado ka namang seryoso diyan", umayos siya ng upo.

"We're heeeere", sabay sabay kaming napalingon sa taong sumigaw muli sa pinto.

"Terry, so nice to see you again", bati ko kay Terry, tumayo ako para yakapin siya.

"I like your hairstyle huh, kahawig mo na si Mommy Kris Jenner", biro ni Tammy sakanya. Well, hindi naman niya kahawig si Kris Jenner, maikli lang kasi ang buhok niya talaga parang apple cut. And she's wearing

"Namiss kitang yakapin, my Dani", niyakap niya ako pabalik, nagulat ako ng tapikin niya ang puwet ko, sanay naman na ako at 'di naooffend dahil parang mga pinsan ko na din sila dahil kay Tan.

"Hoy, Kristel, kamay mo", tinabig ni Tan ang kamay ng pinsan. Natawa kaming lahat at naupo na si Terry sa tabi ko.

"Namiss ko kayong dalawa, sayang at hindi tayo nag abot noong nanuod ako sa NY ng fashion week para kay Tammy", sumandal sa balikat ko si Terry, tinapik ko siya sa noo.

"Kasalanan mo, umalis ka agad para habulin yung fiance mo kasi akala niya niloloko mo siya, mang susurprise ka nalang kasi tipong aakalain niyang may iba ka", I remember noong nasa NY kami, nag babalak siyang I-surprise ang fiance niya ng kasal, noong nag peprepare siya sa sobrang busy niya akala ng fiance nya may iba na siya.

"Speaking of, nasaan na ang fiance mo?" tanong ni Tan kay Terry.

"May kausap sa phone kanina kaya nauna na ako dito sa loob--", hindi na natapos ni Terry ang sinasabi niya dahil sa pumasok sa VIP room, it's her fiance, Margaux.

She's half filipinas and half aussie. She's really beautiful from head to toe, parang Anne Curtis na may halong Catriona Gray. She looks blooming with her auburn hair.

"Hi guys, sorry, ang tagal kasi ng kausap ko sa phone, we were arranging the things for the wedding", bumeso siya sa amin nina Tammy at Tan.

"Margaux, I missed you, you're still as radiant as before", Tan said.

"At ikaw, bolero ka padin, Tan", nagsitawanan ang lahat sa sagot niya at sa accent niya, medyo slang siya mag salita pero fluent naman siya mag tagalog.

"Do you want to eat na ba guys? Ipapaserve ko na yung food if you want", Tammy asked.

"Dan, are you hungry? Ako busog pa ako sa pag da-drive thru natin kanina", umiling lang ako as I was showing some pictures to Terry.

"Kami din ni Terry eh busog pa, maybe later nalang 'no?"

"Okay, so let's start na muna sa venue ng kasal", nagsimula namin pag usapan ang tungkol sa kasal.

"May nahanap ako na on top of the hill venue sa may bandang Rizal, may mga kakilala kasi akong may farm banda doon kaya nalaman kong merong lugar doon na pwede pagdausan ng event", pinakita ko kay Terry at Margaux ang venue.

"Wow, this so beautiful, what do you think, Babe?" Margaux looked at Terry.

"Indeed, it's really beautiful", sabi niya sabay kiss sa cheeks ni Margaux.

"Hay nako, mahiya kayo sa single dito", turo ni Tammy sa sarili niya, nagkatwanan naman ang lahat.

"Even though na second wedding na natin ito I still want this to be special", saad ni Terry na ikinagulat ng lahat.

"WHAT?" sabay-sabay na sigaw namin.

"Ayan ang daldal mo, haha", tinapik ni Margaux si Terry.

"So, what happened? Bakit hindi namin alam na you got married na pala ha? Isusumbong kita kay Mom", Tammy furiously said.

"Sumbong ka samahan pa kita", pang-aasar nito kay Tammy.

"Actually, Mom Oliv knows about it na, she even flew sa Thailand to accompany us sa small civil wedding namin ni Terry", sagot ni Margaux.

"So, yung wedding namin dito ay para sa mga taong nagmamahal at sumusuporta samin na makita na masaya na kaming magkasama ni Margaux", I really admire their love for each other. The looks in their faces, very in love sa isa't isa. I am just so happy for them, pakiramdam ko pati ako in love.

"So it's settled na sa Rizal na yung kasal, I'll call my friend na ha", saad ko. Tumango naman ang mag fiance--este mag-asawa na pala. I excuse myself para lumabas at tumawag.

"Oh sure, thank you, dear",

"Hmm, paano pala aakyat ng bundok yung mga visitors nyo?"tanong ni Tan

"Don't worry, I got it handled already, actually papunta na dito si cousin Reg for that", parang nabingi ako sa narinig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Terry. Reg, same name with my Reg. I shrug it off my mind, baka coincidence lang naman.

"Reg? As in anak ni Tita Andrea?", Tan asked, while Marg and Tammy is busy looking for wedding gown.

"Yepp, may mga friends siyang working sa airlines also may may-ari ng mga helicopter", tuloy ang pag uusap ng dalawa nang tuluyan na akong makalabas ng VIP room para tawagan yung friend ko.

Lumabas ako ng VIP room, nasa hall ako at kausap ko sa phone ang friend ko, noong pabalik na ako ay may nakabunggo sa akin.

"I'm so sorry, Miss", the voice is very familiar. I slowly looked at the guy who stumble upon me.

"Reg",

"Danice",

The Way I Loved YouWhere stories live. Discover now