Chapter 7.

5 2 0
                                    


Chapter 7

We all settled down, nakaupo si Tan sa tabi ko, si Reg sa harapan ko at sa tabi niya sina Tammy at Marco, sa tabi namin ni Tan sina Terry at Margaux.

"Sabi ni Mom, baka the day after tomorrow they'll be here na daw, may inasikaso lang si Dad kaya hindi pa sila makalipad from Manila to here", Tammy announced.

"So we still have two days para maging bad childs, haha", biro ni Reg, natawa naman ang magkapatid na Tammy at Terry.

"So, Marco, congratulations sa movie ha, it was a hit", bati ni Margaux kay Marco.

I know the movie, pero hindi ko pa siya napapanuod.

"Thank you, pinaghirapan talaga ng team 'yon",

"Grabe, Lovi Poe, she's so perfect, she's my celebrity crush by the way", mukhang inaasar ni Terry si Margaux.

"She's so kind and very professional, actually, Tamtam met her already", nag tinginan naman ang dalawa at nag ngitian.

"Really? You should've told me para naman nakilala ko din siya", Margaux said, natawa ako, akala ko mag seselos siya.

Buong byahe ay tahimik lang kami bukod sa couples na naghaharutan. Masaya ako at masaya ang mga batang 'to.

Matanda kami ni Tan sakanila, Terry and Tammy are 25 years old, I am thirty years old while Tan is 35, Reg is almost with the same age as him.

Their having the time of their lives, nung 25 ako I dreamed of finishing the building of the farm. I was lucky enough to meet Tan, he helped me all the way from scratch til where we are today.

"Ma'am, bale babalikan ko nalang po kayo bukas ng umaga", binaba na kami ng boat driver.

Inalalayan na ako ni Tan bumaba, nginitian ko lang siya, hindi naman sinasadyang malingon ako kay Reg at mahuli ko siyang nakatingin sa aming dalawa ni Tan. Lumihis na ako ng tingin at bumama.

"Yes po, Manong, thank you so much, may itatravel pa po kayo niyan mamaya?" si Margaux na kausap ni Manong.

"Yes po, Ma'am, kailangan po eh, may sakit anak ko, kailangan kumayod", sagot naman ni Manong.

"Nakaconfine po sa hosptal anak nyo?" Terry added.

"Ay hindi po nakaconfine ang anak ko, may mga gamot lang po saka therapy na kailangan, pinanganak po kasing may special needs", hindi ko maiwasang makiusisa.

"Sino pong kasama ng anak nyo ngayon?" tanong ko.

"Ay iyong pong asawa ko, Ma'am", baling naman nito sakin.

"Nabibigay naman ba mga kailangan ng anak nyo?"

"Mahirap po Ma'am dito sa community namin kulang po sa facilities para sa gaya ng anak ko", I was saddened. Totoo naman na sa mga rural areas kulang na kulang ang facilities for mental health.

"Sige manong, bukas na po natin iyan pag usapan, sa ngayon eto ho", inabutan ko siya ng 5 thousand, "umuwi na kayo manong sa anak niyo para mabantayan niyo ho", nagpasalamat naman ang bangkero bago ito umalis.

"Let's go, I am so excited, yay", we all went where we should be heading.

"I know, you're worried, nag iisip ka nanaman, mag enjoy ka muna", bulong sakin ni Tan. He knows me very well, napangiti ako.

Itinayo na namin ang mga tent, sunset is coming so nag settle na kami at nag prepare for bonfire.

I decided na mag isa nalang ako sa tent, gusto ko mag-isip isip muna kaya si Tan and Reg ang magkasama.

"So let's play, spin the bottle", medyo madami na rin ang nainom namin kaya nagkukulitan na ang lahat.

"Okay okay, game", pinaikot ni Margaux ang bote. Tumapat ito kay Marco.

"Marco, truth or dare", lahat kami nakatingin sakanya. Bago siya sumagot ay tumingan siya kay Tammy na nakatitig din sakanya, kinindatan niya ito.

"Dare", sagot niya.

"So, would you dare to climb that tree and get a coconut", turo ni Margaux sa coconut tree na hindi naman ganoon kataasan.

Without hesitation, tumayo siya at umakyat sa puno. Lahat ay nagtatawanan dahil noong una ay hirap na hirap itong umakyat.

"Go, babe, you can do it", sigaw ni Tammy. Maya-maya lang ay nakaakyat ito at nakaabot ng isang buko.

Lahat ay bumalik sa pag kakaupo.

"Wala na bang mas hihrap pa doon?" Biro ni Marco sa amin, sabay tawa.

"So, next", pinaikot ito muli ni Margaux and this time, it points at me.

"My dear, truth or dare?" I don't wanna be kill joy so I chose dare.

"Dahil dare ang pinili mo, I dare you, give Tan a kiss, on the lips", pinitik ni Tan sa noo si Terry, pero mahina lang.

"That's it? Parang hindi naman mahirap yung para sakanya", Reg commented. Huh, hindi daw mahirap.

"Oo nga naman, hindi naman daw mahirap para sakanya oh", pinandilatan ko ng mata si Tammy.

"Go go go", cheer nila. I had to do it, I chose dare so I had to.

Tumayo ako, lumuhod sa harap ni Tan, I was about to but he holds my hand and pulled me closer, next thing I knew his lips are locked with mine, my eyes are wide open.

I heard them all cheering, that was the longest one minute in my entire existence.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina, inakbayan ako ni Tan. Yeah, we're closest friends of all, dapat wala lang 'yon. Lumingon ako sakanya at ngumiti.

Sumunod na natapatan ay si Reg.

"Regan, truth or dare?"

"I choose... truth" I was shocked na truth pinili niya.

"If theres a chance for you na balikan ang isa sa mga exes mo--"

"I only have one", jerk.

"Oh, okay, kung may chance kang balikan siya, are you going to grab that chance"

Bumilis ang tibok ng puso ko, up until now nagsisinungaling siya about sa dami ng exes niya. Still a jerk, akala ko nagbago na, akala ko he became matured enough. But I guess, once a liar always a liar.

"Of course, I would", napatingin ang lahat sakanya.

"Why?" mabilis na tanong ni Margaux.

"No need to answer that, isang taong lang", Terry said.

"No, madali lang naman siya sagutin. I know, deep inside her, I'm still the one she's longing for, as long as I know that she still loves me, why not?"

Bold answer. Paano siya nakakasiguro doon, and what? Babalikan niya dahil mahal pa sya? Hindi ba dahil mahal niya?

Tumayo ako dahil medyo nasusuka ako, hinawakan ako sa kamay ni Tan, but I demonstrated the puking.

"Sasamahan na kita", tumayo siya at inalalayan ako. I mouthed thank you.

I was so dizzy, sinuka ko na lahat ng pwedeng maisuka sa tiyan ko. Pati na puso ko kung pwede lang isinama ko na.

The Way I Loved YouWhere stories live. Discover now