Chapter 4.

4 2 0
                                    

Chapter 4.

Danice's

Today naisipan naming bumisita ni Tan sa school, naging kasosyo ko na rin siya sa small school na itinayo ko noon for those who are differently able.

From his condo, sinundo niya pa ako para daw hindi na ako mag drive. Alam niya kasing ayaw na ayaw ko ang nag dadrive papunta sa school dahil sa traffic na madadaanan.

"Sigurado ako, miss na miss ka na ng mga bata doon", Tan said while he was driving.

Napalingon naman ako sakanya, naalala ko how good he is sa mga bata sa school. He is a businessman by profession, but his passion and heart sa mga bata sa school and sa mga members sa farm, feels like he is more than just a businessman na nakikita ng mga tao sa corporate world. Strict sa business, yet very soft sa mga tao sa paligid namin.

I admire him, I really do wish na sana pwede kami, but I don't wanna ruin our friendship for a relationship that is not sure to last long.

"Hindi lang ako ang mamimiss ng mga bata, ikaw rin namiss ka nila", sagot ko naman sakanya.

"Oo naman, mamimiss ako ng mga bata kasi wala ng kumakanta sakanila para makaiwas sa mga pa-activity mo", birong sabi naman niya.

"Hindi naman mga bata nakamiss sa mga kanta mo, yung mga teachers sa school", napuno ng tawanan ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa school.

Three buildings ang school namin, lahat 'yon walang palapag, iniwasan talaga namin ang magtayo ng mga buildings na may second and third floors dahil sa mga batang pumapasok sa school.

Malawak ang school for the playground and also para sa activity center.

"Doc Dani, Sir Tan, nakabalik na po pala kayo", bati sa amin ni Manong Guard.

"Kumusta na si Tanya, Kuya Estor", tanong ko. Si Tanya ay ang anak ni Manong Guard na nag-aaral din sa school.

"Napaka laki ng improvement niya, simula nung pumasok po siya dito, napadalang yung tantrums, talagang madali na po siyang alagaan, may mga araw na pasaway po pero kinakaya po namin ni Misis", sagot ni Manong Guard.

Natutuwa ako na madami kaming natutulungan sa school, lalo na mga taong nahihirapang ipasok ang mga anak nila na hindi katulad ng iba.

"Mabuti naman ho, Kuya Estor. Sige papasok na muna kami sa loob at kukumustahin ang mga bata", ngumiti at tumango si Manong.

Malayo pa lamang ay nakita na namin na magkakasama ang mga teachers para batiin ang pagdating namin.

"Welcome back, Doc Dani and Sir Tan" bati nila ng sabay-sabay.

"Salamat sa inyo, kumusta naman kayo dito?" Bati ni Tan sakanila, napalawak naman lalo ang ngiti ng mga babaeng teachers nang si Tan ang magsalita.

"Okay na okay po kami dito, Sir, wala naman hong naging problema nung umalis kayo ni Doc", sagot ni Teacher Lea.

"Nasunod naman ho lahat ng bilin niyo ni Doc", dagdag pa ni Teacher Eric.

"Maraming salamat sa matiyagang pagtulong sa amin dito sa school para makatulong sa mga bata", natutuwa ako dahil dedicated talaga ang mga teachers na nakapasok sa school. Hindi lang sila basta nagtatrabaho, tinuturing na nilang mga sariling anak yung mga batang pumapasok dito.

Naisipan namin bisitahin ang mga bata sa activity center. Naabutan namin silang masayang nagkakantahan.

"Good afternoon, Doc Danice, good afternoon, Sir Tan", sabay sabay na bati ng mga bata.

" Doc Dani", tumatakbong niyakap ako ng batang si Eloisa. Lumuhod ako para maabot siya.

"Eloisa, kumusta ka na?" niyakap ko rin siya.

"Namiss po namin kayong lahat, bakit ngayon ko lang po ulit namin kayo nakita dito sa school?", Eloisa pouted her lips, then Tan patted her head.

" 'Di ba sabi ni Kuya Tan, aalis lang kami para maghanap ng mga makakatulong satin dito sa school, ngayon nakabalik na kami kasi namiss namin kayo", tumingin sa akin si Eloisa na para bang naninigurado kaya tumango ako.

"Hindi na po ba kayo ulit aalis?" tanong ng bata, nagkatinginan kami ni Tan, ngumiti siya, kinuha sa akin ang bata at kinarga.

"Eloisa, si Kuya Tan at Ate Danice, hindi na aalis, dito na kami para makasama namin kayo", sagot niya, niyakap siya ng bata sa leeg.

Sobrang close ni Tan sa mga bata tipong sasama pa talaga siyang lumabas sa kanila kapag araw ng pag pasyal nila. Tinitingnan ko kung gaano ka-gentle si Tan sa kanila, na para bang hindi siya halimaw sa business world.

Maghapong nakipaglaro si Tan sa mga bata, habang ako inaasikaso ang ibang papel at mga kailangan para sa school dahil malapit na rin ang moving up ceremony nila. Masaya akong pinapanuod sila habang gumagawa ng paper works, mas naiinspire ako to do everything para sakanila tuwing nakikita ko kung gaano sila kasaya.

Natapos ang araw, nakita kong sobrang pagod ni Tan maghapon, ginabi na kami sa daan, sinabihan ko na siyang huwag na ako ihatid at mag cocommute nalang ako pero hindi siya pumayag. Habang nagmamaneho nakita kong pagod na siya para ibyahe pa ako pauwi kaya pumayag nalang ako na sa condo na niya mag stay.

Nasa dining table kami at kumakain when he suddenly asked me.

"So si Reg?", napaangat ako ng tingin sakanya.

"Hmm?" ngumunguya ako kaya di ko siya nasagot agad.

"Siya yung ex na kinwento mo sakin dati?" nilunok ko muna yung pagkain bago sumagot.

"Oo, siya nga", I said casually, ayoko magmukhang hindi pa naka move on, so much better pakita na wala na iyon.

"After all these years, siya pala iyon haha", natawa siya at bumalik na sa pagkain.

"Oo nga eh, very small world, sa dami ng family gathering niyo that I attended, ni minsan 'di ko siya nakita", I said to him.

"His family migrated to Canada kaya hindi sila madalas nakakaattend sa mga gatherings", sagot naman niya. Tumango tango nalang ako.

Natapos na siyang kumain at nagpaalam na mag shoshower na para makatulog na siya.

His condo has two bedrooms, pero isa lang ang bathroom nasa pagitan ng dalawang rooms. Nilinis ko ang mga pinagkainan namin habang nasa shower siya para pagkatapos niya ay ako naman ang sunod.

"Oh ikaw na", bigay niya sakin nung towel. We are used to this, hindi naman kami estranghero sa isa't isa. Papasa na nga kaming mag-asawa, label nalang daw kulang, pero kadalasan label sumisira sa relasyon.

I was in the middle of showering when I heard the doorbell, tatlong beses na nag doorbell kaya akala ko hindi narinig ni Tan, paglabas ko dahil sa basa ang mga paa ko, nadulas ako, nasa pintuan na si Tan at mukhang na-unlock na niya yung pinto. Napasigaw ako sa pagkakahulog ko, mabilis namang lumapit sa akin si Tan, siguro hindi pa siya tapos mag bihis dahil wala pa siyang pantaas, inalalayan niya akong tumayo, napasigaw ako ng maramdaman ko yung sakit sa balakang ko.

Nang buhatin na ako ni Tan ay biglang nagbukas yung pinto. Nagulat kami sa taong niluwa non. Si Reg, na nakatingin sa aming dalawa ni Tan na para bang may ginagawa kaming hindi maganda.

"Sorry, I heard the scream, akala ko kung ano nang nangyari, aalis nalang ako", sabi niya. Umalis nga siya, nagpababa ako kay Tan sa kwarto, sinabihan ko siyang habulin si Reg dahil baka may kailangan ito sa kanya kaya pumunta ito rito ng dis oras ng gabi.

Bumalik si Tan sa loob, bihis na ako at pati siya may pang itaas na.

"Hindi ko siya naabutan eh, bakit kaya siya napunta dito", nagtataka ring tanong niya. Hinilot ko ang balakang ko, "ay nakalimutan ko, sorry, eto oh, gusto mo pahidan kita ng oil?"

"Naku hindi na, matulog ka na, itutulog ko nalang ito, 'di naman siguro ito malala", tumango nalang siya at lumabas na ng kwarto. Nakatulog nalang ako iniisip kung ano iniisip ni Reg sa nakita niya samin ni Tan, pero bakit ko pa ba kailangan isipin kung anong iniisip niya.

The Way I Loved YouWhere stories live. Discover now