Chapter 6.

3 2 0
                                    


Chapter 6

Palawan

Nagulat ako nang may umakbay sa akin habang naglalakad pababa sa escalator.

"Kumusta tulog mo?", nilingon ko si Tan, he is wearing his casual board shorts and a cute summer polo with matching sunglasses.

"Lalong sumakit yata balakang ko sa pag upo buong byahe", sagot ko sakanya.

Nauunang maglakad ang mag-asawa, kasabay nila si Tammy at Reg. Alam ko naman na there is the possibility na kasama si Reg sa trip na 'to pero hindi ko alam bakit nagulat pa ako.

Naramdaman kong ginulo bigla ni Tan ang buhok ko.

"Ano ba, para naman tayong bata niyan e", inayos ko ang buhok ko.

Ginulo naman niya ulit at kinuha ang bandana ko.

"Hoy! Constantine, ano ba?", tumakbo siya papunta kila Terry, hinabol ko naman siya na para bang hindi ako nakakaramdam ng kirot sa balakang at inagaw muli ang bandana ko.

Biglang tumabi sakin si Tammy at bumulong

"Akala padin ni Reg may relasyon kayo ni Tan, hayaan muna natin siya", makulit na mungkahi ni Tammy. Sumunod naman tumabi sa kaliwa ko si Margaux.

"Palagi nilang pinagti-tripan ang mag pinsang yan, palibhasa may past yang dalawang yan", I was puzzled sa sinabi ni Margaux.

"Past? What pa--", hindi ko na natapos ang itatanong ko nang biglang lumapit si Terry sa amin at hinablot ang asawa nya.

"Andito na ang van, let's go", napailing nalang ako.

"Dani, tabi tayo ha", aya sa akin ni Tammy.

"Sure", sagot ko sakanya sabay nilingon si Tan, ngumiti lang siya sa akin.

Bale, si Tan at Reg ang magkatabi sa likuran namin ni Tammy, at nasa harapan naman naming row si Terry at Margaux.

"Manong, mga ilang oras ang byahe papunta sa resort?", tanong ni Terry sa aming driver.

"Thirty minutes lang po", sagot naman nya. Nagpasalamat naman si Terry.

"Dani, alam mo namiss ka talaga ni Aunt Merylyn, panay sya sabi na kailan ka daw ba bibista sa bahay, sagot lang ako ng sagot na busy ka nga sa school saka sa farm", tinutukoy niya ang mama ni Tan. Mabait si Tita Meryl, siguro nga sakanya nagmana si Tan sa pagiging softhearted niya.

"I'll be visiting her soon kapag maluwag na ang schedule", sagot ko nalang sakanya.

"Since bumalik kayo ni Tan from NY, puro work agad, ang tagal nyo naman kasi doon, almost over a year--"

"Magkasama kayo sa New York?", napalingon kami sa likuran namin at nakita naming nakatingin si Reg kay Tan na busy sa kanyang phone. Lumingon si Tan.

"Yep, magkasama kami sa NY for over a year, why?", umiling lang si Reg na parang sinasabing wala lang.

Tumalikod na kami ni Tammy, kinurot naman nya ako sa tagiliran ng mahina, nilingon ko siya at nginingitian ngitian niya ako na parang nang-aasar.

"Room for six, please", Margaux told the receptionist.

"Oh no, hiwalay kami ng room ng boyfriend ko", nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Tammy.

"Boyfriend?", tanong ko.

"Yep, oh he's here", lumingon kami sa tinitingnan ni Tammy.

Tall, dark and handsome it is. He's wearing summer polo na nakabukas ang first three buttons and light blue trunks pang ibaba.

The Way I Loved YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora