C10

77 21 3
                                    


 

Hindi ko alam kung ilang segundo na kaming nakatitig lang sa isa’t isa. Walang nagbago sa posisyon namin at nakatulalang naghihintay kung sinong magsasalita. Nanatili lamang siyang nakaupo at nakatingala sa akin samantalang ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya habang nakayuko at deretsong nakatingin sa mata niya.

Kakatwang nakakaya naming titigan ang mata ng bawat isa na parang wala lang. Hindi ko magawang mailang dahil nagugustuhan ko ang paraan ng pagkakatingin niya. Bagaman hindi nagsasalita, ay para niya akong kinakausap gamit ang mga mata niya.

Sa isip ko ay para kaming nasa ibang mundo na kami lang ang tao. Sa mundo na walang ibang maririnig, kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko. At sa mundo, na bawat pag- ihip ng malakas na hangin ay siya ring paglalim ng nararamdaman ko sa kanya.

I just can’t understand how he can make me fall for him deeper. Hindi ko rin maintindihan kung bakit habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nagugustuhan. I wanted to know how he made me feel this way. I wanted to know how he can make me happy just the thought of him and his smiles.

“I want to know you more. I want to fall for you even more, Liam.” Nasabi ko ito nang walang hiyang nararamdaman habang mariing nakatingin sa kanyang mga mata.

Napalunok ako nang sa hindi inaasahan ay iba ang naging reaksyon niya. Imbes na mailang o mahiya ay nagawa niyang ngumiti sa akin. Yo’ng ngiti na gustong- gusto kong makita. Ngiti, na nakapagpabilis ulit ng tibok ng puso ko.

Shuta! Am I already falling in love to Liam? Sa ikli ng panahon na nakilala ko siya, ay nagawa kong mahulog ng gano’n kabilis sa kanya?

I just wanted him to act as my boyfriend and I was not expecting to fall for him, though I’d really like the idea of it.

I saw him opening his mouth so I patiently waited for his response. But when he was about to talk, his gaze went to someone behind me. Napakunot- noo ako nang kasunod nito ay ang pagtikhim ng nasa likuran ko. Nakita ko pa ang biglaang pagkawala ng ngiti ni Liam bago ako lumingon.

“Hi, Ally!” masayang bati ni Monique pagkalingon ko sa kanya, bago siya nakangiting tumango kay Liam. Malaki ang ngiti nito na nagpalipat- lipat ang paningin sa amin ni Liam habang may nanunuksong tingin.

My brow furrowed when my eyes went to the guy beside Monique. I confusedly looked at Liam who’s just intently looking at Monique, na bagaman seryoso, ay nagawa niya pa ring ngumiti.

Ibinalik ko ulit ang paningin sa lalaki at pinakatitigan ito. I think I knew him. Medyo nahihirapan lang akong alalahanin dahil nakasuot ito ng cap at shades dahilan kung bakit hindi ko makita ang buo niyang mukha. But I’m sure I’ve seen him before. I just can’t remember where.

My eyes immediately surveyed him.


Ang shades na suot ng lalaki ay hindi hinahayaang mahulog ng matangos niyang ilong. May mga labi na kasing pula ng mga labi ni Liam. His hands were also in his pockets. He is wearing a white letter- printed shirt and a cargo shorts. Ang puti niya!

 

I move a little towards Liam tsaka siya pasimpleng siniko sa braso. I noticed him looked at me with his brow furrowed.

I leaned a little bit to him and whispered as my eyes are still on Monique and the other guy.

“Sino yan?” mahinang bulong ko kay Liam pero hindi siya sumagot. I looked at him again but automatically move away when I noticed that his face was so close to me. Saglit ko pang naamoy ang hininga niya bago ako natauhan at lumayo.

Capturing an Epilogue (Captured Series 1)Where stories live. Discover now