Chapter 19

1.1K 108 44
                                    

"Easy ka lang, baka mag top 1 ka n'yan!"

Nandito kami ngayon sa loob ng study room nila Ruzel. Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng Netflix, habang siya sa tabi ko busyng busy sa pagre-review. Ang dami niya pang handouts na nagkalat sa lamesa.

"Hirap nga 'e," sagot niya habang may binabasa.

Kinuha ko ito sa kaniya. Natulala agad ako sa mga formula na nakita ko, ang sakit naman sa ulo nito! Kaya pala nababaliw na siya kakareview.

"Tulungan na nga kita," sabi ko habang binabasa ang iba niyang handouts.

"Magtanong ka, susubukan kong sagutin."

Magandang suggestion nga ang naisip niya. Naghanap ako ng pwedeng itanong sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang formula na nakita ko. 

"Can you determine the location of the centroid of the gross concrete area measured from y-axis?" I asked, looking at him waiting for his answer.

"262," mabilis na sagot niya.

"Galing ha! Pwede na!" I grinned.

He laughed. "Chamba lang!"

Pahumble pa! Naghanap ulit ako ng pwedeng itanong sa kaniya. Humarap ako sa kaniya ng may nahanap na.

"The main problem associated with wrong practice of conveying concrete is called what?"

"Segregation?" he said, quite not sure.

"Tama! Nice one!"

Pumalakpak pa ako sa sobrang tuwa. Sana kapag nagboard exam din tutulungan niya rin akong magreview.

"Dapat isang kiss, kada tamang sagot," paghahamon niya.

Kiss lang pala 'e! Why not!

"Okay deal!" I agreed.

Tumingin ako sa mga libro ng pwede itanong sa kaniya. Naghanap ako ng mahirap na itatanong. Humarap ako sa kaniya ng may nahanap na.

"What is the last process to make OPC cement?" I asked with a smile.

Nag-isip siya ng ilang segundo. Tumawa ako dahil mukhang hindi niya alam ang sagot.

"I'm going to kiss you," he said, smirking. "It's calciumsulfate," then he smiled.

Napaatras ako sa pagkakaupo ng dahan dahan siyang lumapit sa akin. Bago pa ako tumututol agad niyang sinunggaban ang aking labi. It was deep and tender.

Ganoon ang ginawa namin sa mga sumunod na araw. Tinutulungan ko siya sa pagrereview niya. Hindi ko nga alam kung bakit nagrereview pa siya 'e. Kapag nagtatanong naman ako, lahat nasasagot niya. 

May pasok na ulit ako kaya kapag maaga ang uwian, dumederecho ako sa kanila. Palagi padin niya akong sinusundo at hinahatid pauwi. Namiss ko na siya kasama sa school. Madalas sila Leo, Migs at Luis na naman ang kasama ko o si Shaira. Pero hindi na ako masyadong sumasama sa kanila sa gimik dahil lagi padin kaming nagkikita ni Ruzel after ng school.

"Sasama ka Aenna?" napatingin ako kay Leo sa tabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. 

"Hindi, may gagawin pa ako," sagot ko.

Mga plano kasi silang gumimik ngayon, hindi ako sasama dahil may gagawin talaga ako. Naglakad na ako papunta sa parking area. Kaninang umaga tinext ko si Ruzel na wag muna niya akong ihatid at sundo para makapag focus siya sa pagrereview. Nang makapasok sa mustang, nagdrive na ako paalis papunta sa kanila.

Tinignan ko ang ginawa kong gift para sa kaniya na nakapatong sa front seat. I complied our pictures together and put them together in a photo album. Sana magustuhan niya dahil nageffort akong gawin ito.

Save The Us (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora