Epilogue

1.3K 37 15
                                    

"Hey, c'mon let's eat," si Leighanna.

Umiling lang ako. Hindi ako nagugutom, ang gusto ko lang maupo habang pinagmamasdan ang kabaong ni Lola.

"You sure? You haven't eaten yet since last night," she worriedly said, she was sitting next to me. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"Yeah, later nalang," maikling sagot ko.

"Okay, we'll just eat," sabi niya at tumayo na sa tabi ko. Umalis sila kasama ng iba ko pang pinsan. Habang binalik ko muli ang tingin kay Lola.

Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw na kami rito sa manila. Pero hanggang ngayon hindi pa rin magsink in sa isip ko ang nangyari. Totoo na ba talaga 'to? Wala na si Lola? Hindi ko kayang tanggapin. Para akong nasa isang masamang panaginip at gusto ko ng magising.

Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad papunta sa unahan. Gusto kong sulitin ang natitirang oras na makakasama si Lola dahil bukas na ang libing, dito siya sa manila katabi ng puntod ni Mommy, Daddy, at Lolo.

Tumulo ang luha ko ng makita si Lola. Para lang siyang natutulog. She was smiling. Hinawakan ko ng marahan ang salamin ng kabaong.

"La.." nabasag ang boses ko.

Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari. Kahit tatlong araw na ang lumipas, hindi pa rin nauubos ang luha ko. Tumulo ang luha ko sa salamin ng kabaong, agad ko itong pinunasan. I'm crying silently while staring at her. Bumalik sa isip ko ang mga ala-ala ni Lola.

"Hindi pa ako mawawala Aps! Iniwan ka nilang lahat, ako hindi kita iiwan."

"Promise, Lola ha?" I asked stupidly.

"Oo Aps! Hehe," she smiled widely.

"Bakit biglaan naman, La?" tanong ko, kahit na alam kong walang sasagot.

Pinusan ko ang luha sa aking mga pisngi. Ilang minuto akong tumayo habang nakatingin kay Lola. Kailangan kong i-memorize ang lahat kay Lola. Dahil bukas hindi ko na ulit makikita ito.

"Aenna, magpahinga ka muna, tatlong araw ka ng hindi natutulog ng maayos," boses ni Migs ang nasa gilid ko.

Nandito siya simula kahapon kasama ni Leo at Luis. Hiyaan niya akong magleave ng dalawang linggo. He understood. Hindi ko rin naman kayang magtrabaho sa ganitong sitwasyon.

Nanatili akong tahimik habang ang mata pa rin na kay Lola. Hindi pa ako nakakatulog ng maayos. Tatlong araw na ang lumipas, palaging idlip lang. Mas gustong kong magpuyat para bantayan si Lola.

"Aenna, sa tingin mo matutuwa ang Lola mo kapag nalaman niyang hindi ka kumakain at natutulog ng maayos?" tanong ni Luis.

Napatingin ako sa kanila. Silang tatlo nasa gilid ko. Kasalanan ko bang hindi ako nagugutom at inaantok? Ilang beses ko bang paulit ulit na sabihin sa kanila 'yon.

"I'm good," I said lazily.

"Tigas ng ulo," si Leo na napakamot nalang.

Wala silang nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo. Binalik ko naman ang tingin kay Lola. Naisip ko ang hiniling ko ng mga nakaraang araw. Gusto kong gumala at bumalik ng manila. Hindi ko naisip na ito pala ang magiging dahilan ng pagbalik ko rito sa manila. It was granted, but in a bad way huh?

Ilang oras pa akong nanatiling nakatayo ng makaramdam ng gutom. Gabi na, pero simula kahapon hindi pa ako kumakain o natutulog man lang. Lumapit ako kina Leo, Migs at Luis na nakaupo sa unahan.

"Let's go," sabi ko sa kanila.

Agad silang tumayo sa pagkakaupo at sabay sabay kaming lumabas ng funeral. Sumakay kami sa kotse ni Leo. Dala nila ang sasakyan pero mas gusto namin sa isang sasakyan muna kami. At tsaka isa pa tinatamad akong magmaneho. Umupo ako sa front seat ng pagbuksan ni Leo.

Save The Us (Completed)Where stories live. Discover now