Chapter 26

992 36 13
                                    

"Bwisit ka alam mo 'yon!?" I shouted at Migs with so much anger and irritation.

Kanina ko pa siya sinisigawan pagpasok niya palang sa office ko. Galit ako dahil sa pag-iwan niya sa akin sa site kahapon. Kung hindi sana niya ako iniwan, edi sana hindi ko makakasama si Ruzel.

Malakas siyang tumawa. "Kunwari kapa, gusto mo rin 'yung nangyari."

"Asshole!" sigaw ko ulit.

Nasa table ako, habang siya ay nakatayo malapit sa pinto. Kinuha ko ang ballpen at marahas na binato sa kanya. Mabilis naman siyang umiwas.

"Biglaan akong pinatawag sa office kahapon," paliwanag niya ulit.

"Get out or else I'll kick your balls!"

Wala pang isang minuto mabilis na siyang umalis patakbo sa loob ng office ko. I massaged my head to calm myself down. Ughh!

Sinubukan kong magfocus sa trabaho sa mga sumunod na araw. Kahit ilang gabi akong hindi nakatulog ng maayos matapos ang nangyaring paghatid sa akin si Ruzel. Mabuti nalang hindi ako bumalik sa site ng mga sumunod na linggo, hindi pa ako handa na makausap ulit si Ruzel.

I was wearing a cap sleeve work dress and heels. Naglakad ako palabas ng office para maglunch. Sa pantry ako kakain ngayon dahil hindi naman ako busy. Si Leo at Migs hindi sila makakasabay sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang babae na papunta sa office ni Migs. She was wearing a fitted mustard dress. Napakunot ang noo ko ng makilala siya. Si Shaira. Anong ginagawa niya rito? Madalas ba siyang magpunta rito, sa office ni Migs? Napailing nalang ako. Baka nagkakamabutihan na ang dalawa.

Bumaba ako sa cafeteria at bumili ng makakain, bago naghanap ng bakanteng upuan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng may naglapag ng pagkain sa tapat ko. Napa-angat ako ng ulo.

"Hi Archi," he smiled sweetly but his smile didn't affect me at all.

"Hi, Engineer Arcillo," I smiled back.

"Can I sit here?" he asked.

Stupid. Nakaupo na siya, ngayon pa magtatanong? Tumango nalang ako sa kanya. Binilisan ko ang pagkain para makaalis na.

"The building is almost done," he started a topic after our long silence.

He was talking about our existing project. I know na patapos na siya, at masaya ako dahil wala ng rason para mag-usap kami.

"I know," I answered.

"Aenna, I just want to let you know that I won't give up on you-----

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo, Engineer? I'm sorry but I really can't."

Makulit talaga siya. Kahit ilang beses ko ng sabihin na hindi talaga kami puwede, hindi raw siya susuko sa akin. Ayokong ipilit ang sarili ko sa taong hindi ko gusto.

"Bakit? I don't understand! Do you have a boyfriend?" nagtatakang tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Kapag sinabi kong wala, kukulitin niya lalo ako.

"I do,"  I answered in a whisper.

"Kung meron, nasaan? Wala akong nakikitang lalaki na nakakasama mo!" he began shouting.

Nilibot ko ang tingin sa pantry, mabuti nalang konti lang ang tao sa loob. Ano bang problema ng lalaking 'to? Masyadong eskandaloso! Agad nag-init ang ulo ko.

"Secret walang clue," pang-aasar ko dahil nababadtrip na ako sa kanya.

Tumayo ako at mabilis na umalis ng pantry. Bumalik ako sa office ng badtrip. Mabuti nalang naubos ko ang pagkain kanina. Ipinagpatuloy ko nalang ang trabaho. Mamaya may schedule site visit ulit ako sa ECC.

Save The Us (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang