Prologue

10 3 0
                                    


"Phlomera, baby, come here. We need to talk.", ika ng daddy ni Phlomera na si Toff Goldenburg, 57-anyos na lalaki at isa ring businessman na may-ari ng Goldenburg Petroleum Company sa UK na may 32 franchise sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.


Napatigil si Phlomera sa pagkuha ng litrato at pinuntahan ang kanyang ama na nakaupo ngayon sa kanilang sala. "What is it about?", tanong niya. Bahagya pa siyang kinabahan ngunit hindi naman niya ito ipinahalata.


Bumuntong hininga muna ang kanyang ama bago ito tuluyang nagsalita.


"Your mom and I will have a divorce.", marahan ngunit seryosong bigkas nito.


Hindi alam ni Phlomera kung ano ang itutugon. Ni hindi niya nga rin alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon niya ukol dito. Dapat ba siyang magalit? Umiyak? O dapat siguro na ipakita na lamang niya na ayos lamang sa kanya ito dahil alam niya naman ang dahilan kung bakit sila maghihiwalay.


"Okay.", mahinang sagot niya dito.


"I hope you underst-"


"I understand. Don't worry.", putol niya sa sinabi nito. "If that's all you want to say, I better prepare for work now because I still have lots of works to do. Take care, Dad.", dagdag pa niya.


Tinalikuran niya ang kanyang ama at mabilis na naglakad paakyat sa kanyang kwarto. Nang makarating siya doon ay mahina niyang isinara ang pinto at pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Unti-unting bumagsak ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Ngunit agad din niyang pinunasan ito at nagpasyang tumayo na at pumunta sa banyo para magshower.


"Kaya mo 'to, Phlom. Don't let your tears drop and stop you from being brave.", aniya sa isip niya.

Tears to CatchWhere stories live. Discover now