CHAPTER 3

7 2 0
                                    


PHLOMERA's POV


"Mommy! What was that? Hindi ko maintindihan kung bakit mo sinasabi ang mga bagay na wala namang katotohanan! Why are you pushing me away? And why the hell did you say that I'm not your child? Eh ako lang naman ang nag-iisang anak niyo ni daddy!"


Wala na talaga akong nagawa kundi ang sumigaw pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa shop niya. Wala na rin akong pakialam kahit pagtinginan kami ng mga customers niya. Ang sakit lang kasi na sa loob ng halos apat na taon na hindi namin pagkikita ay ganito ang ibubungad niya?


Hindi kaya ito rin ang dahilan kaya sila maghihiwalay ni daddy? DAHIL HINDI NILA AKO ANAK?


"I said what I said. Magkaroon ka naman kahit kaunti lang na kahihiyan sa katawan mo. Hindi kita anak at wala ng sapat na dahilan para magkita at magkausap pa tayo. So now, leave the hell out of here!"


Mas ikinabigla ko 'yong paraan ng pakikipag-usap niya sa akin ngayon. Hindi naman siya ganito dati. Hindi niya ako nagawang sigawan noon. Not even once.


I can see her pitch-black eyes on fire. Halatang-halata na nag-aapoy na siya sa galit lalo na at pulang-pula ang buong mukha niya. Another tear sled on my face, pero agad ko ring pinunasan ito.


"I will just leave, kung babawiin mo ang mga sinabi mo. Come on, 'my! You're joking, right?"


Hindi pa rin magsink-in sa utak ko 'yong mga naunang sinabi niya. Alam ko rin na mas masakit pa 'yong mga maririnig ko. Pero wala na akong pakialam. Deserve ko pa rin naman sigurong malaman ang totoo kahit na ikadudurog ko. I just need the damn truth!!!


"I won't ever take it back dahil iyon ang totoo! Malaki ka na at never mo bang napansin na halos wala ka man lang kahit na anong physical features na namana sa akin? Oh come on, Phlomera! You don't even deserve to use your surname dahil hindi ka naman namin tunay na anak ni Toff!"


Oo, tama. Napansin ko naman talaga na wala talaga ako ni isang namana sa kanya. We're not alike even if you put us closer together. Pero bakit ganoon? Pati si daddy hindi ko tunay na ama? Eh ever since naman, lagi sinasabi ng mga tao na kamukha ko siya. We both have these emerald eyes. I know I'm half British dahil mahahalata mo na agad sa kulay ko pa lang at pananalita.


Halu-halo na ang nararamdaman ko at sumisikip na rin ang dibdib ko. Ang sakit-sakit. This is just a dream. I hope it is. Gusto ko ng gumising sa isang napakasamang panaginip.


"Then who are my parents? Where did I come from?", nangangatal na sabi ko.


"I'm not the one who you should ask about it. Just leave or else I will drag you out of here!", malakas nitong sigaw sa akin.


Nagbubulungan na 'yong mga tao sa paligid ko. I'm such a mess. Wala naman akong ibang magagawa pa kundi ang umalis na lang. Tinalikuran ko na siya at mabilis na tumakbo palabas ng pintuan.

Tears to CatchWhere stories live. Discover now