CHAPTER 4

4 2 0
                                    


Dali-dali akong tumakbo papunta sa kotse ko. Gustong-gusto ko ng makarating sa bahay at kausapin ang daddy ko. Pero natatakot din ako na malaman ang totoo.


Buong akala ko, anak talaga nila ako eh. Then as fast as lightning hits the ground, ganoon din kabilis nagbago ang lahat. Ayos naman kami noong una eh.


Not until I went to college.


Naalala ko pa 'yong pag-uusap naming dalawa ni mommy bago siya umalis ng bahay at bumukod ng tirahan sa amin.


FLASHBACK-


"Mommy, you don't have to go. Please, don't leave me here.", I grabbed her hand trying to stop her.


Umiiyak pa ako no'n na parang bata.


"Let me go, Phlomera. I need some space. Hindi ko na kayang tumira pa dito. Tutal malaki ka na rin naman, at nand'yan naman ang dadd-', hindi na niya tinuloy ang sinasabi niya at tumingin na lang kay Daddy saka ako tinalikuran at naglakad papalabas ng gate namin.


Nilapitan ako ni Daddy.


"Let her be, Phlom. You'll be okay. I'll be okay. We'll be okay ... without her.", malungkot na sabi nito saka ako niyakap.


END OF FLASHBACK-


Hindi ko napigilang umiyak. Nakakainis! Palagi na lang akong umuuwing luhaan. I hate myself for crying like this. Ano bang nagawa kong mali para masaktan ng ganito?


Ang alam ko lang kung bakit umalis si mommy no'n ay dahil ang sabi ni daddy, sawa na daw ito sa buhay niya na kasama kami. She wanted to leave her life being a mother and a wife. At never ko 'yon pinaniwalaan.


Mahal na mahal kami ni mommy. Every morning she would always prepare breakfast for us at sabay-sabay kaming kumakain before they both go to work while I go to school. We would also hang-out together every Sunday at kapag free time and day off nilang dalawa. Siya rin ang dahilan kung bakit nahilig ako sa photography.


She taught me to capture every details of life, the surroundings, and every unforgettable moment that anyone could have.


Masaya naman kami eh


NOON.


In just one snap, nagbago ang lahat. My mother went cold. Hindi na niya kami kinikibo. My dad will always tell me na "Let her be. Maybe she just needs some space."


Pero anong klase pa bang space ang gusto niya? Hindi pa ba sapat ang apat na taon?


Lahat ng mahahalagang araw sa buhay ko, wala siya at ni anino niya hindi ko man lang nakita. Hindi siya sumipot no'ng graduation day ko. She never even went to my debut party.

Tears to CatchWhere stories live. Discover now