Chapter 24

2.4K 53 0
                                    

Chapter 24

Hanggang sa mag umaga na lang hindi ako nakabalik sa pagtulog, dahil sa isiping nangyayari sa pamilya ni Leila at pamilya ko. Kung iisipin na ang nanay niya at tatay ko ay mag-asawa na ngayon---- arghhh magkapatid kami ni Leila. Pero kung i-connect mo malamang hindi. Dahil iba ang nanay ko at iba din ang tatay ni Leila. Sadyang naghiwalay lang talaga ang pareho naming magulang. Buti na lang at napaimbestigahan ko amg pamilya niya. Kaya dito sa hospital na to dinala ang papa niya sapagkat, gusto ko ring magpakita ng kabutihan. Anong magagawa ko mahal ko siya, mahal na mahal na natatakot akong mawala siya na kamuhian niya ako.

I'm afraid when the times come, she hates me and she pushed me away.

Alam ko, na hindi niya madaling matanggap lalo na't alam ko kung sino ang bagong asawa ng nanay niya ngayon--at yun ay ang sarili kong ama. Kailangan ko ng gawan ng paraan to sa lalo't madaling panahon.

"Ahmm baby, labas muna ako, tatawagan ko lang si Jay."Paalam ko kay Leila.

"Yeah, sure."Naglalaro kasi siyang nang cellphone.

Hinaplos ko muna ang buhok miya at hinalikan siya sa noo. Ngumiti siya kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti. Ayaw ko mang magsinungaling pero kailangan eh. Yung mga sinabi ko kanina kasinungalingan yun, alam ko namang maayos ang compnya ko. Kailangan ko lang talagang gawin yun, di pa kasi ako handa na sabihin sa kaniya ang totoo. Napabuntong hininga akong naglakad palayo at napapailing na nagdail. Matapos ang ilang ring ay sinagot din.

"Hey, I'm busy."Sagot ng sa kabila. Wala man lang hello ang damot talaga ng babaemg to.

"I know you're always busy."Sagot ko.

"And then, why are you calling?"Naiirita agad ito.

"Como estas?"Pangungumusta ako.

"Tssk, I'm fine."Bored nitong sagot.

"Tch. Ang damot mo talaga kahit kailan."

"Tssk, whatever. By the way, why are you calling?"Tanong na naman nito.

"Because I need your help."Buntong hininga kong sagot.

"Help? For what?"Taka niyang tanong.

"Ate, alam mo naman siguro ang nangyari kay mamà at papà?"May sarkasmo kong tanong. Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Yeah at hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa babaeng ipinalit ni papà kay mamà."Halos hindi na siya huminga ng sabihin iyon.Walang period, tapos may diin pa.

"No, don't be mad at her, ate."Pagpapakalma ko sa kaniya. Baka pag nakilala niya si Leila ayagalit din siya dito.

"Pano naman akong hindi magagalit sa kaniya,vSin? Siya ang dahilan kaya naghiwalay ang parents natin!"Galit ng sigaw niya, nailayo ko bigla ang cellphone ko. Tama naman si ate babae din kasi siya.

"Okay I understand you, but please ate gawan natin to ng paraan."Nahihimigan ng pakikiusap ang boses ko.

"At anong paraan naman?"

"Kausapin natin pareho si mamà't papà."Kailangan naming gawin yun.

"Arrrghh-- bakit ba dumaragdag pa yan sa iisipin ko!? Hindi na nga ako nakakapag-asawa, problema ko na naman ngayon ay mag-asawa!"Double meaning niyang sabi, nagagalit, naiinis. Close kami ni ate kaya alam ko na ang ganiyan niyang ugali, pero papayag din yan.

"Tschh, ate makakapag-asawa ka rin maganda ka. Pero ngayon kailangan nating ma solve ang problema sa pamilya natin."Nagpapaintindi ang boses ko.

"Oo na oo na, tatawagan ko lang sila. Diyan tayo sa Pilipinas mag-usap. Namiss kasi kita eh."Bigla itong naglambing sa akin. Hayy grabe,parang bata.

The Millionaire's Secretary[COMPLETED!]Where stories live. Discover now