Chapter 30

2.2K 44 3
                                    

A/N: Yeeiii guys! akalain niyo chapter 30 na tayo, basta may tiwala talaga hahaba pa. hehehe, But thank you thank you very much, muahhh😗

Chapter 30

Sa tabi na ni tatay ako nakatulog, hawak ko ang kamay niya umaasang magigising na siya. Pero ng maramdaman kong parang may gumagalaw akala ko guni-guni ko lang iyon ngunit hindi. Marahan akong nag-angat ng tingin, laking gulat ko ng gumalaw ang dalawang daliri niya. Aligaga akong napabaling sa mga kapatid ko, tulog na tulog pa sila. May pinindot ako dun sa may malapit sa kama ni tatay at sumigaw ron.

"NURSEEEE!!! NURRRSSEEE!!! G-GUMALAW NA HO ANG KAMAY NG PAPA KO!" Ewan ko ba kong bakit yun pa ang nasabi ko."NURSEEE!!!" Tawag ko ulit.

"Ma'am naman ginugulat mo kami." Nanlulumong bungad ng isang nurse na lalaki.

"K-kasi po gumalaw po yung daliri ng papa ko." Hindi ko maintindihan ang sayang nararamdaman ko, naiiyak na ako."Okay lang naman siya, di ba? Doc?" May doctor rin kasi siyang kasama.

"Ma'am talaga okay na ang papa mo, ikaw tong nag papanic masyado, hintayin mo't magigising na siya." Ngumiti ang doctor at nurse sa akin, yung tipong parang pati sila masaya.

"T-talaga p-po? Akala ko po.." Hindi ko na madugtongan ang sasabihin ko ng umiling ang doctor at napangisi ang nurse.

"Magaling na ang tatay mo, ngunit kailangan pa niya ng pahinga. Makakalabas na siya ng hospital this week."

"S-salamat ho, doc."

"Walang anuman, kami rin magpapasalamat at nalabanan niya ang sakit niya, malubha na iyon pero nalabanan pa rin ng katawan niya. Nagpapasalamat kami sa inyong mga anak niya, lalo na niyang dalawa mong kapatid. Saksi kami kung pano nila alagaan ang papa mo, batid kong sa inyo siya kunukuha ng lakas kaya nalabanan niya ang sakit niya."Habang sinasabi ng doctor ang mahabang salita na iyon ay hindi ko na mapigilan ang mga luha kong naguunahan sa pagtulo.Nakakahiya man pero hindi ko na mapigilan eh. Maraming salanat sa doctor na ito at kay bait niya na may mabusilak at gintong puso. Kay ganda ng kaniyang sinabi, tila hinams ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Salamat talaga doc, kung hindi rin kasi dahil sa inyo hindi maliligtas ang tatay ko. Kung ako nga tatanungin, kayong mga doctor na higit kong pupuriin at titingalaing HERO." Sinsero ko iyong sinabi, totoo naman feeling ko kasi ang mga doctor ang higit na kailangan ng mundo. Hindi man lahat maliligtas nila pero gagawin nila lahat. May doctor rin kasi na army siya tapos doctor.

"Hindi ganoon iyon, Iha." Sabagay may katandaan na siya."Pantay-pantay kami ng tungkulin, kaya nga may mga taong nag Army, nurse, doctor, med tech, teachers, engineers, austronout, at iba pa. Dahil kahit iba iba ang pososyon nila bilang mga profesionals, nagliligtas pa rin sila. kagaya ng teachers, hindi ba't nililigtas nila sa kahirapan magsulat at magbasa ang mga bata. Kaya pantay lang ang dapat mong titingalain." Mahabang paliwanag niya, napamaang ako sa mga sinasabi niya, kung ako nga ay lubos ng humahanga sa kaniya pano pa kaya ang iba. Napakatalino niyang doctor, pati ang kasama niyang nurse ay humanga rin.

"Napakabait at napakatalino niyo po, kay ganda po ng sinabi niyo nakakagaan ng loob."

"Ganoon dapat ang mga doctor, Iha. Papagaanin ang loob niyo para mabawasan naman ang problema."Natatawang sambit niya."Oh siya, mauuna na kami. Naniniwala akong kaya mong alagaan ang tatay mo, Iha, alagaan mo rin ang kapatid mong babae, may kakaiba sa kaniya." Tinapik niya ako sa balikat at umalis na kasama ang nurse.

Naiwan ang paningin ko sa tinatayuan nila kanina, talaga bang pag isperto ka na sa mga taong may sakit  mahahalata mo na ang taong may sakit? Magulo siya hindi ba? pero yun iyon. Alam kong may alam na ang doctor na iyun kong ano ang sakit ng kapatid ko. Pero teka, hindi ko natanong ang pangalan niya. Gusto kong malaman ang pangalan niya sapagkat napakabait niyang doctor, ayaw kobg makalimutan angbkabaitan niya.

The Millionaire's Secretary[COMPLETED!]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ