Chapter 29

2K 39 1
                                    

Chapter 29

Sobrang kahihiyan. Natatakot ako.Nagagalit, at nagahahalo iyon. Nahihiya ako na ano na lang kaya ang sasabihin ng pamilya ni Sin sa pamilya ko.Iisipin ko palang na si Nanay may relasyon sa papa niya tapos ako girlfriend ni Sin. Baka isipin ng mga kamag anak niya mukha kaming pera,dahil mag ina talaga kaming may relasyon sa pamilya nila.Lalo pa't nakausap ko ang dalawang pinsan niya. Mali ka ng inaakala Sin, dapat ang pamilya ko ang husgahan mo. Dapat sa akin ka magagalit, hindi ako ang dapat magalit sayo kundi ikaw. Hindi ko masulosyunan ang problemang to, lalo na't hindi ko alam kung nasan ang nanay ngayon. Patawarin mo sana kami, Sin. Malaking pagkakamali to. Umiiyak ako ngayon sa harap ni tatay.

TAY, ANO NANG GAGAWIN KO? TATAY, GUMISING NA HO KAYO. KAILANGAN KO HO KAYO, TATAY PARANG AWA NIYO NA. HINDI KO NA ALAM KUNG ANO ANG GAGAWIN KO, SOBRANG KAHIHIYAN ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA PAMILYA NI SIN. TATAY, SI NANAY.

PAGMAKA-AWA ko na sana ay gumising na siya, marunong magpaintindi si tatay. Marunong din siyang umintindi sayo kahit ang laki na ng pagkakamali mo. May mga advice si tatay na hihilingin mong sana paulit-ulit mo iyong maririnig. Ewan ko ba kong bakit kami iniwan ni nanay, kami ng mga kapatid ko. Saglit lang niya kaming naalagaan, naaruga, nakasama. Si tatay ang tumayo sa aming ilaw sa tahanan. May pagkakataong napapagalitan niya kami dala ng problema at pagod.

Aaminin ko sa sarili ko na may galit na ako kay nanay noon pa. Yung mga kita kasi ni tatay na sakniya na lahat, ayaw niyang magdamit ng mumurahin, gusto niya palaging akma sa uso ang damit niya. Palagi siyang may lotion, perfume, make-up, mga alahas, kaya hindi siya nagmumukhang taga probinsya. Nagtatampo't nagagalit ako sa kaniya kasi nakakasuot lang ako ng bagong damit pag-isinama ako ng ninang ko. Pag hihingi naman ako kay nanay ng pera pampabili ng pambabaeng gamit, iismiran lang niya ako, Singkwenta pesos labg ang ibinibigay niya. Anong damit ang mabibili ko sa singkwenta? ukay-ukay? sabi ko bago hindi tira-tira. Lahat naman talaga ng kabataan maramdaman ang ganung hinanakit. Na feeling mo sumusobra na siya, palagi koong nararamdaman ang ganun. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil maaga akong nagtrabaho. Paglalabada, kung may mga racket na pwede hala sige go lang. Pero hindi naman ilegal ang mga racket ko. Naalala ko pa nga nung tumuntong ako ng eighteen, dun ko naramdamab ang sobrang lungkot. Wala akong handa nun maski na isa, bumili ako ng itlog nun sa tindahan para naman paggalang sa kaarawan ko. Yung mga kapatid ko nakatanga lang na nakatingin sa akin, kaya binigyan ko rin sila. Pumatak ang luha ko nun dahil hindi na buo ang itlog na para sa akin. Hindi na buong manok.

Simula nun ipinangako ko sa sarili ko na magtatrabaho ako, yung trabahong kahit mahirap pero bukal sa puso mo, yung trabahong malaki ang kikitain mo. At nagpapasalamat ako sa kompanya ni Sin. Sinuwelduhan na rin niya ako at binigyan pa ng cellphone.Pero tila nawala ang lahat ng yun ng dumating ang problemang to.

"Ate? umiiyak kayo? Bakit?" Hindi ko man lang namalayan na narito na pala sila.Nagtataka akong tinitigan ni Ronald."Ate, bakit ho kayo umiiyak?" Ulit niya.

"A-ang..n-nanay.." Hindi ko halos madugtongan ang sasabihin ko, dahil sa paghikbi.

"A-no po? Bakit po?" Nauutal-utal na tanong ng kapatid kong lalaki. Sinulyapan ko si Gelene nakakunot lang ang noo niya habang isa isang ibinaba ang dala niya.

"N-namimiss niyo na ba ang n-nanay?" Ewan ko kung bakit ko naitanong iyon.

"Ate? ano bang pinagsasabi niyo diyan? Matagal ng hindi nagparamdam ang nanay, hindi ba?" Sinasabi iyon ni Gelene na nasa mga dala niya ang paningin.

"Oo nga ate, bakit niyo naitanong yun? Totoo ate namimiss ko na rin ang nanay." Naging malungkot ang tinig ni Ronald. Napayuko siya at kinukotkot ang kaniyang kuku.

"Ako rin ate, namimiss ko na. Nangungulila na ako sa pag aalaga sa atin ni nanay, kahit pa sandali lang iyon." Mapait ang ngiting sambit ni Angelene. Sobrang awa ang nararamsaman ko ngayon, bakit kailangang magkaganito?

The Millionaire's Secretary[COMPLETED!]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora