31//

69 1 0
                                    

31//
Lee Niroh's

"Ang tindi pala nung bagong mentor noh? Yung si Atty. Moonbin! Grabe, binigyan ako ng 3 over 10 sa performance." Nangangahaba ang nguso ni Yena habang nagrereklamo.

"2 over 10 nga lang ako eh." Sumimangot din si Guanlin at inirapan si Moonbin na nagkakape sa di kalayuang table.

Nung si Atty. Dowoon ang nagrerate sa performances namin, nakakakuha pa kami ng 10 over 10. Pero kay Moonbin, maswerte na ang maka 5.

"Ikaw ate? Ilan ka?"

"Walang nakasulat sa form eh..." Ngumiwi ako. Ako lang ata ang hindi nya binigyan ng score. Hindi ko alam kung nakalimutan nyang bigyan ako ng score o sadyang wala akong score.

"Bat wala?"

"Di ko din alam eh. Tingin nyo?"

"Baka naman nakalimutan nya lang?"

"Nung nakaraang evaluation, wala din syang nilagay na score sakin." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Matatapos na kasi ang lunch break.

Ilalapit ko nalang ito kay Atty. Sungwoon o kay Atty. Sangyeon para magawan ng paraan. Baka nakalimutan lang ilagay ni Moonbin ang score ko sa evaluation.

"Oh my gosh, dito maglalunch sina Atty. Han?" Kinikilig na sabi ni Chaewon habang nakatingin sa entrance ng cafeteria.

Magkasabay na pumasok si Jisung at Seungmin at umupo sa malapit na table. Naglapag ng kape ang isang staff ng cafeteria at nag usap sila ng tahimik. Mukang seryoso ang usapan nila at hindi manlang nila pinansin ang mga interns ng MBC University na bumati sa kanila.

Pinagtitinginan sila ng mga kababaihan, pero walang nagtangkang lumapit sa kanila o magpakita ng kilig.

"Akala ko naman kakain ng itlog si Atty. Seungmin." Bumungisngis si Yena habang nakatitig dun sa dalawa.

"Shoot! Tara na, malelate na tayo ng time in." Mabilis na tumayo si Chaewon at shinoot sa trash bin ang mga basura namin. Nag volunteer naman si Samuel at Guanlin na ibalik sa counter ang mga food tray.

"Mayayari nanaman tayo ni Atty. Moonbin pag late ang time in natin ng afternoon session." Ibinalik ni Yena ang mga upuan at inayos ang table namin. Tumulong naman kami dahil clean as you go ang cafeteria na ito.

"Eh bakit yung mga intern ng kabilang school? Nagtatime in muna bago kumain, bawal yun pero pinapabayaan nya. So unfair." Sabi ni Nagyung at binitbit na ang mga gamit nya.

Tumayo na kami at naglakad na palabas ng cafeteria. Naglalabasan na din yun iba at may ilan naman na magsisimula palang kumain. Bigla kaming tumigil nang tawagin ako ni Seungmin.

"Nini--- I mean, Niroh... maupo ka muna, may pag uusapan tayo."

"Pero mag ta-time pa ako?"

"Sit here. Ako na ang bahala dyan."

Sumenyas muna ako kila Nagyung bago naupo sa table kung nasaan silang dalawa. It was so awkward. Pakiramdam ko ikakamatay ko ang nerbyos ko. It's been three years, ngayon lang ulit kami magkakaharap sa harap ng maraming tao.

Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan.

"B-bakit pala?" I started.

"Pupunta ka ba sa... kasal ni Ahna?"

"Hmmm, di ko pa alam eh. Next week na yun diba?"

"Yes. Everyone will attend, you should too. Isama mo si Minho, though I'm sure Kuya Minho is also invited."

"I see. Baka pumunta din ako kung ganun."

Wala talaga akong plano na umattend. Hanggang ngayon kasi ay di ko parin matanggap na kay Atty. Sangyeon ikakasal si Ahna. Matindi ang paniniwala ko noon na kay Hyunjin sya matutuloy pero... ewan ko, nanghihinayang ako.

"Tara sa opisina. Nandun ang asawa mo." Tumayo sila kaya tumayo din ako.

"Si Minho?"

"Bakit? May iba ba?"

"Wala ah."

Sumunod ako sa kanila papunta sa elevator. Seungmin is really tall now, pati na si Jisung at talagang literal akong nanliliit dahil naka-flats ako ngayon. Pag katabi ko sila nila Kuya Woojin at Jeongin noon, gusto kong mag heels dahil ang liit ko.

Pero pag si Minho ang kasama ko, gusto ko pang lumiit at sumiksik ng sumiksik.

"Get inside..." Pumasok kami sa opisina ni Jisung at naabutan kong nakaupo sa may couch si Minho habang nakatutok sa laptop nya.

"Akala ko di ka pupunta?" Sabi agad ni Jisung at umupo sa recliner nya.

Umupo si Seungmin sa tapat ni Minho pero ako ay nanatiling nakatayo dahil... uupo din ba ako? May inuutos pa sa akin ni Atty. Sungwoon eh.

"Oh, bat di ka umupo? Dito ka nga..." Hinigit ako ni Minho paupo sa tabi nya, pinatay nya ang laptop at inilapag sa glass table.

"May sarili kang building at opisina, dito ka pa talaga dumadayo para mang gawa ng projects mo?" Natatawang sabi ni Jisung at may kinausap sa intercom.

"Tutulog muna ako dito. Ji, tell my secretary na umalis ako para di sya mangulit ng meeting." Hinubad ni Seungmin ang coat at sapatos nya at nahiga.

"Hoy, kayong dalawa, wag kayong maingay ha. Dun kayo sa opisina ko kung gusto nyong privacy." Sabi ulit ni Seungmin.

"Don't worry kiddo, aalis talaga kami dito." Sabi ni Minho.

"Nag aano ka dito? Wala kang trabaho?"

"I came here to see you."

"Tutulog ako, dun kayo sa opisina ko." Seungmin murmured.

"Tsaka may trabaho ako noh..." Sabi naman ni Ji kasabay ng pagbukas ng pinto.

Pumasok si Samuel na may mga dalang files at dire diretso nilapag ang mga papel sa table ni Jisung. "Ate Niroh, nandito ka pala..." Sabi nya nang mapansin nya ako.

Nagtagal ang tingin nya sa amin ni Minho pero nag bow din sya agad bilang bati.

"Uhhh, babalik na ako sa pwesto ko. Baka hinaha---"

"Nakausap ko na si Sungwoon. Tara na, may pupuntahan tayo." Tumayo si Minho at humawak sa kamay ko kaya napatayo din ako.

"Ayan, layas na kayo sa opisina ko at walang maupuan ang intern ko." Natatawang sabi ni Jisung.

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now