77//

42 1 0
                                    

77//
Lee Niroh's

Inip na inip na ako sa kinauupuan ko. At binabanas na din ako. Kanina pa ako lingon ng lingon kakahanap kina Minho pero nawala sila sa pwesto nila kanina. Wala din sa akin ang cellphone ko kaya hindi ko sila matext.

On going ang graduation rites, naunang bigyan ng diploma ang course namin kaya inip na inip na ako kakahintay na matapos ang distribution.

"Nakakainip pala..." Bulong ni Chaewon na katabi ko. Pareho kaming Kim eh. Si Yena, Choi sya kaya nasa unahan sya. Si Nagyung naman ay isang upuan lang ang pagitan mula sakin.

"Patapos na ata, iihi agad ako." Sabi ni Nagyung na nakayuko para makausap kami.

"Gyung, tamo yung tatay mo, nakatulog na sa upuan nya." Sabi ni Chaewon at itinuro kung nasaan ang pamilya ni Nagyung. Tulog nga ata ang tatay nya.

Ako naman ay hinanap ulit ang pamilya ko sa crowd pero wala talaga. Asan kaya sila?

Nag focus nalang ako sa stage. Once in a lifetime lang naman to kaya inenjoy ko na kahit naiinip na ako at medyo naiinitan na dahil sa toga.

"Finally!"

Matapos ng graduation ceremony ay pinaalalahanan kami na wag ihagis yung cap dahil baka magkatamaan. Nagsilapitan agad sila sa mga pamilya nila at ako ay nagsimula na sa pag hahanap sa mga kasama ko.

"Nini!"

"Nak! Dito!"

Hinanap ko ang boses ni Seungmin at papa at nakita ko sila sa gilid ng gymnasium. Muka silang mga sindikato. Nakacoat and tie kasi si papa. Si Kuya Woojin at Jisung naman, parehong nakabutton down shirt na kulay maroon. Si Seungmin, nakawhite na longsleeves na pinatungan nya ng knitted na vest.

"Congratulations..." Niyakap ako ni papa at binati. Tuwang tuwa talaga sya at halos maiyak sya. "Nak, I'm really happy for you..."

"Thank you, pa."

Sunod naman na yumakap sa akin ay si Kuya Woojin. "Kaka-graduate mo lang ha, lumayo kayo ka muna dyan kay Minho."

"Kuya naman."

"Seryoso ako."

Inismiran ko sya at yumakap din kay Seungmin. "Nini..."

"Oh, bat para kang naiiyak?"

"Psh." Sinimangutan nya ako at niyakap ulit.

Seungmin is not really the sweet and over protective type of a cousin. He don't express much and he's sometimes cold. Pero I know he's really happy for me.

"Nini, congratulations." Yumakap din ng mabilis si Jisung sa akin.

"Sa bahay mo na kunin ang regalo ko sayo, nauna na...." Dagdag ni Jisung.

Humarap ako kay Minho at yumakap din sa kanya. It feels great to have them right now. Ako na ata ang may pinaka maraming dalang kamag anak ngayong graduation. But still, I'm just so happy and very blessed.

"Hmmm, kiss ko?" Ngumuso ako sa harap ni Minho habang patawa tawa.

"Pag tinotoo ko nga yan." Hinigpitan nya ang yakap sa akin at humalik ng dalawa sa noo ko.

"Mamaya na pag tayong dalawa nalang para matagal." Bulong nya.

Napakahumal minsan.

"Nak, I'm really proud of you..." Pang aagaw ni papa sa atensyon ko at yumakap ulit sa akin at talagang umiyak na sya ng tuluyan.

"Papa naman eh..." Nahihiya kong sabi dahil tinitingnan na sya nung tatay ni Nagyung na nakatulog kanina.

"Ehem. Nice to see you here, Atty. Kim."

Napapunas agad si papa sa luha nya nang bigla syang offeran ng handshake ng mayor ng Uljin.

"Oh, Mayor Baek. Good to see you as well. Looking good ah?"

"Eto nga at napapanot na. Sino ang mga nag gagwapuhang binata na kasama mo?"

Pinakilala naman ni papa sila Kuya Woojin at Seungmin bilang pamangkin. Si Jisung bilang anak ng best friend nya at si Minho bilang boyfriend kong engineer.

"Buti at nagkatagpo ulit tayo. Kamusta ang trabaho?"

"Maayos naman. Magaling ang sumalo ng firm eh."

"Ano pa bang aasahan sa lahi nyo?"

Nagkwentuhan na si papa at si mayor, napakalakas nyang tumawa at halos nag eecho sa gym ang tawa nya. Biglang bumulong si Kuya Woojin habang nag tatawanan si papa at mayor. "Iwan muna natin ang matatanda."

Nagpapicture din ang mga kaklase ko kila Kuya Woojin. Hindi daw nila alam na pupunta yung tatlo nilang boss sa graduation kaya medyo fascinated sila.

Lalo pa at mukang si Samuel talaga ang ipinunta ni Jisung dito.

"Samuel Arredondo, congratulations..." Nag man hug sila at talagang kung makayakap si Jisung eh akala nya sya talaga ang nagpaaral.

"Salamat po."

May kinuha si Jisung sa bulsa nya na maliit na box at inabot kay Samuel. Habol tingin naman ako dun sa box dahil parang nakita ko na yun nung nakaraang araw.

"What's that?" Takang tanong ni Guanlin habang hinahabol ng tingin yung box.

"Regalo ko sa intern ko. Aba, sya ang sumalo ng lahat ng trabaho ko pag may laban ako ng PUBG, kaya dapat may regalo." Mayabang na sabi ni Jisung. Galante talaga yan mula noon. Kaso ano namang regalo nya? Parang alahas?

"Ano yan? Singsing?"

"Necklace?"

"Oh my, earrings?"

"Gago."

Binuksan ni Samuel yung box at may nakuha syang isang ng susi na may Doraemon na key chain. "What the---"

Maging ako ay nanlaki ang mga mata. So para kay Samuel pala yun? Limited edition yun at sa Japan pa pina-order ni Jisung.

"I got him a motor bike."

"Really?"

"Wow. Ang gwapo ni Atty. Han."

"Yabang mo lang, Han Jisung. Nasaan dito yung intern ko at bibigyan ko din?"

"Sammy, nasa bahay nyo na yung sasakyan. Pinauna ko na dun..."

Matapos mag yabang ni Kuya Woojin kahit di sya nag bigay ng kahit ano ay nagpicturan na kami. Nakipag usap din sila sa mga faculty members ng department namin, pati na kay mayor na nagbigay ng sobrang boring na speech kanina.

Nagpapicture kami kanina sa halos lahat ng sulok ng campus, at halos lahat ng poses at sinubukan namin. Nang magsawa ay nagpaalam na kami sa iba.

It was the best. I felt the contentment. I have nothing more to ask for.

Impurities | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon