46//

59 3 0
                                    

46//
Lee Niroh's

"Minho..."

"Hmmm?"

"May tatanong ako."

"Ano yun, Gi?"

"Anong ibig sabihin ng blue balls?"

Nanlaki ang mga mata nya at nabulunan dahil sa tanong ko. Inabutan ko agad sya ng tubig at hinimas himas ang likuran nya.

"Okay ka na? Magdahan dahan ka ngang kumain."

"San mo naman nalaman yang blue balls na yan?" Tanong nya at pinaypayan ang sarili nya.

"Sabi kasi ni Changbin, natutulog ka daw with blue balls magmula nung internship mo eh. Ano bang ibig sabihin nun?"

"W-wala yun..."

"Ano nga?"

"W-wag mo na alamin."

"Daya. Kay Changbin ko nalang itatanong..." Sabi ko at bumalik sa silya kung saan ako nakaupo kanina.

"Wag! Wag na wag kang makikipag usap kay Changbin tungkol dun. Yari talaga sakin yun, kung anu anong pinagsasabi sayo."

"Eh bat ka galit? Siguro ibig sabihin nun may iba ka noh? Kaya ayaw mo saking sabihin..."

"Gi naman, baka kasi mailang ka sakin pag sinabi ko sayo."

Naramdaman ko ang mga braso na pumulupot sa baywang ko. Dumantay si Minho sa hita ko at tuluyan na akong nagising mula sa panaginip ko.

That exact scenario happened years ago. Nangyari iyon nung bumisita ako kay Minho sa Yeoncheon kasama sina Seungmin at Jeongin. Detalyado parin ang mga pangyayari sa panaginip ko at sobrang nostalgic dahil parang bumalik talaga ako sa nakaraan.

"Gi... anong oras na?"

"Oras na para bumangon na tayo."

"Ayoko. Tulog pa tayo..." Mas lalo nya akong inipit sa hita nya at halos sakalin nya ako ng braso nya.

"Baka malate tayo. Sige na, bangon na. Bat mo pati ako sinasakal?"

"Sakal to na may halong lambing."

"Siraulo."

At dahil nga medyo malandi din talaga ako ay yumakap din ako at nakatulog ulit habang nakayakap sa kanya.

Ang kinalabasan ay tinanghali kami ng gising, buti nalang dahil hindi ako nalate. Pero muntikan na akong hindi umabot sa alas otso na clock in, saktong 7:57 ako dumating ng firm kaya nakaabot pa ako.

"Ate, akala namin di ka papasok eh!" Bungad ni Yena nang maabutan nya ako na nagmamadali sa hallway ng third floor papunta sa office ni Atty. Sungwoon.

"Nalate lang ng gising. Nandito na kaya si Atty. Sungwoon?"

"Di ko napansin eh. Sige ate, bilisan mo bago ka mabulyawan."

Wala pa si Atty. Sungwoon nang makapasok ako sa opisina nya. Binuhay ko na agad ang computer, tinido ang airconditioner at binuksan ang glass windows.

Huwebes na ngayon. Bukas ay ikakasal na si Ahna at Atty. Sangyeon kaya wala kaming pasok bukas dahil lahat ng empleyado at interns ay invited daw. Ngayon naman ay half day lang ang pasok dahil may ipeprepare pa yung iba para sa kasalan bukas.

"Niroh, kape..." Yan agad ang sinabi ni Atty. Sungwoon nang makarating sya sa office.

"Opo."

"Walang creamer. Walang asukal."

"Opo."

Ginawa ko muna ang lahat ng utos ni Atty. Sungwoon. Kumuha ako ng kape, nagsend ng sangkaterbang e-mails, nagprint ng mga documents at nag compile ng mga kung anu anong papeles. Hanggang sa hindi ko namalayan na alas dose na pala.

"Sumakit ang likod ko sa dami ng utos ni Atty. Han!" Reklamo ni Samuel habang nakapila kami para mag out.

"Naturingang half day lang, pero yung pinagawa pang dalawang araw." Reklamo din ni Chaewon na kanina pa umuungot dahil ilang beses daw syang napaper cut.

"Wala din kasing pasok bukas, maigi nga yun eh, dadagdag ang oras natin kahit may isang araw tayong walang trabaho." Paliwanag ni Nagyung.

"Nini!"

"Oy Lee Niroh!"

Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko mula sa lobby. Nakita kong nakaupo sa may waiting area sina Changbin, Felix at Seungmin. Sumenyas ako sa kanila para sabihing saglit lang dahil mag a-out pa ako.

"Ate, sino yun? Lagi kasi yung nag iinom sa office ni Atty. Han..." Tanong ni Samuel.

"Sino dun?"

"Yung ano... yung mahaba ang baba na laging may ginto."

"Ah, si Changbin. Siraulo yun, inaaway ka ba?"

"Hindi naman. Dinadalan nga din ako ng meryenda nun pag nadalaw sya kay Atty. Han eh."

Nag out na muna ako bago magpaalam kina Nagyung na sasama muna ako kila Seungmin.

"Sige ate, sa dorm ka ba tutulog mamaya?"

"Di ko sure. Tatawag nalang ako."

Lumapit na ako sa kanilang tatlo na mukang dumayo pa dito ng PUBG. Tinitingnan na sila nung ibang interns at mga employees dahil nangtatrash talk na si Changbin.

"Wag ka dyang magpasabog sa base natin! Lix, magtago ka sa likod ko, papasabugan ka dyan! Nyeta! Weakshit!"

Umupo ako sa tabi ni Seungmin na nakatutok screen ng cellphone nya. "Ni, nakausap mo na si Ali?"

"Ha? Bakit?"

"Nasa office ni Ji, kanina ka pa hinahanap."

"Bakit daw? Anong meron?"

"Ewan ko dun. Ikaw daw kailangan nya eh."

Ano kayang kailangan ni Ali? May missed call sya sakin kanina, hindi ko nasagot dahil halos hindi ako nakahawak ng phone dahil sa dami ng inutos ni Atty. Sungwoon.

"Ni, mauna na tayo sa taas, mukang mamaya pa yang dalawa." Sabi ni Felix gamit ang malalim nyang boses at tumayo na.

Tumayo na din ako at sabay na kaming naglakad papunta sa may elevator.

"Si Kuya Sangyeon ba ang mentor mo dito?" Tanong nya habang nasa elevator kami.

"Si Atty. Sungwoon ang mentor ko, pero minsan nasa office ako ni Atty. Sangyeon dahil nag uutos din sya sakin."

"Kailan mo sya huling nakita?"

"Parang nung Monday pa. Hindi na sya pumapasok mula nung Tuesday eh, baka sobrang busy..."

Tumigil ang elevator at may pumasok na isang empleyado.

"Bakit mo pala natanong, Lix?" Tanong ko nang sumara na ang elevator at umakyat na ulit.

"Wala naman." Nag iwas lang sya ng tingin.

"Nga pala, nandito din ba si Kuya Minho?" Pagpapalit nya ng topic nang makalabas na kami ng elevator.

"Wala ata, baka may tinatapos pa sa opisina."

Impurities | Lee KnowWhere stories live. Discover now