III

9 0 0
                                    

III

"Sorry, I'm late." Hinihingal kong sambit sa lecturer namin. Sinamaan ko ng tingin ang mga tukmol. Tumawa lang sila at nag-make face lang ako.

Humikab ako at nagsimula na namang antukin. Inalog ko ang ulo ko sa pag-aakalang maaalis iyon ngunit hindi. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Kingina, nakakaantok talaga kapag tanghali.

"Ja." Bulong ni Nathan na nasa tabi ko at kunot-noong binalingan ko siya. Paglingon ko ay saktong nag-flash ang phone niya. "Bwahahahahaha!"

"Ganda mo sa pic, Ja." Pang-aasar ni Jullian at natawa sila.

"Matagal na." Badtrip na sagot ko at nag-make face.

"Ang sarap mo talagang pagtripan." Natawa pa rin si Nathan habang pinagmamasdan ang litrato ko sa phone niya.

"Ang sarap mo talagang itapon." Inirapan ko siya.

"Irap irap, palpak naman." Ani Ivan at nag-apir silang dalawa.

"Anong meron diyan sa likod?" Sarcastic ang tono ng boses niya bagaman nakangiti habang nakataas ang dalawang kilay.

"Nothing, Miss." Seryosong sambit ng katabi ko bagaman pigil na pigil ang tawa. Nagsimula ulit siyang magsalita.

"Par." Lumingon si Luis sa amin at akmang may ibubulong. "Yung Ano ko, hindi umano kaninang umaga."

Ano raw?

"Pu..ta." Mabagal na sambit nila at natawa nang mahina.

"Bakit?" Tanong ko kay Jullian. Tumatawang binulong niya ulit sa akin at biglang nawala ang antok ko.

"Hala, baog ka na." Pang-aasar ko pa.

"Ay tangina." Malakas silang tumawa at napapapalo pa sa upuan. Napalingon tuloy sila sa amin.

"Yung mga nag-iingay sa likod. Get out of this room, now!" Hays. Agad kaming napatayo at lumabas.

Nag-decide na lamang kami na mag-early lunch tutal ay nandito na lang din naman kami sa labas. Matapos kumain ay naglibot na lamang kami.

Napasinghap ako nung makasalubong namin si Ma'am na nagpaalis sa amin. Agad kaming tumalikod at tumakbo.

"Hey, kayong anim! Bumalik kayo rito!" Sigaw niya at napakagat na lang ako sa labi.

"Ang bagal niyo kasi kaya ayan." Paninisi pa ni Ivan na agad naming nabatukan.

"Follow me!" Masama ang tingin niya sa amin. Agad namin siyang sinundan papunta sa Faculty room. "Gusto ko kayong ipa-guidance but since 1st week pa lang ng pasukan huwag na lang."

"Sorry po."

"Sige na, go back to your room." Utos pa niya, agad akong nag-bow sa kaniya at palabas na nung biglang pumasok adviser namin kasunod si Sir John.

Hanggang makaakyat kami ay hindi pa rin sila nakaka-move on sa sinabi ni Luis. Inasar naman kami ng mga kaklase namin pagbalik namin.

"Gisingin mo 'ko ah." Paalam ko kay Nathan bago tumungo para matulog, tinanguan niya pa ako. Naramdaman ko namang may humahaplos sa ulo ko pero hindi na ako nag-abala para tignan ito.

Nagising na lang ako nung makaramdam ako ng pagyugyog. Kinusot ko pa muna ang mga mata ko para lang makakita nang maayos. Ngunit agad na kumunot ang noo ko.

"Bwahahahahaha!" Malakas na tawanan nila. Si Nathan yata ang gumising sa akin. Si Jullian ay may hawak na phone na agad niyang ipinakita sa akin.

Nandoon ako at nakatungo, nakapalibot sa akin sina Felix, Dexter, Luis, Ivan, at Ethan na nakataas ang kamay na parang dinarasalan ako.

Because of YouWhere stories live. Discover now