XL

4 0 0
                                    


-Adrian Jazz Antiquera-



"Si Kuya?"

Napapikit ako nang maramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko. Boses niya pa lang kilalang-kilala ko na at ganito na ang epekto sa akin. Funny how just her voice can sent shivers down my spine.

Nag-angat ako ng tingin at agad siyang nahanap ng mga mata ko. Naroon siya sa hamba ng pintuan sa harapan, may hinahanap. Our eyes met so my heart started to beat like crazy. And the moment she smiled, I feel like my breath was taken away from me so I had to breathe deeply and shut my eyes.

Damn, Adrian. Isang tingin, isang ngiti parang nawawala ka na sa katinuan mo? Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. I opened my eyes and readied to save myself from that awkward eye contact when someone interrupted.

"Ja!" Tawag sa kaniya ni Jade.

Siya. Siya naman pala ang tinignan at nginitian. Ang tanga ko naman para maisip na ako iyon. Asa pa, hindi nga niya ata ako kilala eh.

Umiling na lamang ako at pumangalumbaba at pinagmamasdan siya mula sa pwesto ko.

I can't deny her beauty. She's really pretty, with her almond eyes, yet intimidating. Mahaba't makapal ang pilikmata na mas lalong nagpaganda. Matangos ang ilong, maganda ang kilay, and those lips. What I'd give to see her smile.

Boys in our room locked their eyes at her. Hindi ko alam kung oblivious siya sa paligid niya o nasanay lamang siya na may tumitingin sa kaniya kaya wala na siyang pakialam.

Hindi nagtagal ay dumating din si Angelo na hinahanap niya pa at nanghiram ng sci cal. Angelo gave me that look, prente akong nag-iwas ng tingin.

Ilang taon ko nang kaibigan ang Kuya niya kaya matagal ko na rin siyang kilala. Pero ni isang beses ay hindi ko pa siya nakakausap. Hindi ko nga alam kung alam niya ba ang pangalan ko o ano eh.

Lunch break nang lapitan ako ni Angelo at nagpasama na puntahan ang kapatid niya. Hindi naman ako makahindi dahil syempre advantage iyon sa akin.

"Sama ka mamaya sa bahay?" Tanong niya habang papunta kami sa building ng kapatid niya. Desidido akong umiling. "Seryoso ka talaga sa sinabi mo ah?" Ngisi niya.

I looked away. Hindi ko alam kung alam niya bang gusto ko ang kapatid niya dahil hindi naman siya nagtatanong pero ang manhid naman niya para hindi iyon mahalata. Well, wala naman akong pakialam kung malaman niya. Ang hiling ko lang ay huwag niyang sasabihin sa kapatid niya.

"Baka maka-graduate na lang tayo, hindi ka pa nabibisita sa bahay ah." Pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

May usapan kaming tsaka lang ako pupunta sa bahay nila kapag close na kami. Dahil pakiramdam ko tini-take advantage ko lang na pumunta roon para mapagmasdan siya. I feel like it's forbidden.

May dalawang taon pa naman bago kami maka-graduate. Siguro naman malalabanan ko rin ang katorpehan ko. Pero masisisi niya ba ako? Eh kinakabahan ako sa tuwing malapit sa akin ang kapatid niya eh.

Justin. What a manly name. It suits her, a strong-willed woman enough to make any man wobble his knees.

Napatigil ako nang madaanan namin ang classroom ng kapatid ko kaya agad kong tinawag si Angelo para mahintay niya ako.

Sumilip ako sa room nila at nakarinig agad ako ng usapan ng mga babae at kantiyawan dahil sa akin. Hindi ko na pinansin at hinanap si Reanne. Agad siyang umirap kaya napailing na lamang ako.

Because of YouWhere stories live. Discover now